Seventeenth Letter

38 7 1
                                    

Tafiana

Bakit tayong mga tao ang hilig nating magmahal sa mga taong hindi naman tayo kayang mahalin pabalik?

---------

"Tafi?!"

I heard someone called my name causing me to raise my head and look around. Nakita ko si Tita Ronna at Tito Arman kasama si Mama. May nakapalibot din sa kanilang iba pa. At dahil sa pagtawag ni Tita Ronna sa akin napatingin narin ang mga kasama nila sa direksyon ko. Ang nakakahiya pa ay pare-pareho nila akong tinititigan na mukha may balak ata akong tunawin.

I hate attention.

Kaya heto na naman tayo sa aking 'hilaw na ngiti' na parang napapadalas ko ng ginagawa. Humakbang ako papalapit sa kanilang kumpolan para batiin sila.

"Good evening po sa inyong lahat." mahina kong bati habang nakangiti. Pero imbes sumagot ay tinitigan lang nila ako na parang tinubuan ako ng pangatlong ulo.

"M-may mali po ba?" may pag-aalangan kong tanong. Imbes sagutin ako nila binaling ni Tita Ronna ang atensyon niya kay Mama, "Steph, what happened?"

Napailing na lang si Mama sa tanong ni Tita, "believe me, I was shocked too. And her father, he was so displeased." sagot na lang ni Mama na panay tapon ng tingin sa akin. Napanguso na lang ako ng maalala ko ang reaction ni Papa.

It was terrible. But my mind was set when I made that decision. Kaya hindi ako magsisisi.

"Tafi, have you gone mad darling? You must be changing your course?" Tita just can't let go of the topic. Napatawa na lang ako ng mahina sa kakulitan ni Tita. "No Tita."

"Hali ka nga dito at kukurutin kita." dugtong ni Tita pero bago pa man siya makalapit ay may tinuro na si Tito Arman.

"O, andito na pala si Tyrone."

Nakakainis. Labag man sa kalooban ngunit parang may sariling utak ang katawan ko. Naramdaman ko ang pagtayuan ng bawat hibla ng balahibo sa katawan ko. Gusto kong pigilan pero wala na akong kontrol lalo na sa malakas na pagpintig ng puso ko.

Kaya ayoko man siyang tingnan pero wala akong nagawa. Ginaya ko na lang din ang ginawa ng lahat ng taong nakapalibot sakin. I turn around while making an attempt to collect all guts that I could get out of me. Para sa panahong magtagpo ang landas namin ni Tyrone ay may maibato ako sa kanya.

And what makes it irritating? Is yung fact na kailangan ko talagang 'mag-ipon ng napakaraming lakas ng loob' para lang sa kanya at ---  sa katabi niya.

Why do I get this feeling? I feel awful. And then I regretted everything.

---------------

|A few days before the incident|

"Uhm, ate, excuse me po."

I stared at the girl who intentionally block my way. I couldn't stop my brow from soaring high. "Excuse me rin pero wala akong kapatid sa labas." Again, I was unable to do something about the words that keep living my trap.

"Ha?" Thankfully may pagkaslow poke ang batang nasa harap ko to catch on my evil side.

"Anyways, what is it that you want? Bilisan mo wala ako sa mood." I spout again giving her the 'i-can't-wait-look.' Pero wala naman talaga akong gagawin dahil lunch break ko pa. Hinihintay ko lang na bumalik si Jennicka dahil may kinuha lang sa locker niya.

"Ah, gusto po sana naming ano, uhm, uh," bigla na lang may sumulpot na isa na namang maliit na babae sa gilid nung isa na ikanagulat ko. Ano ba toh'ng mga batang ito may lahi atang kabute? Nilibot ko ang paningin ko ng mabilisan at baka may iba pa silang kasama na nakatago kung saan man.

MMK: Mamahalin Mo Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon