AGE DOESN‘MATTER
ISANG malakas na pagtunog ng telepuno ang pumukaw sa diwa ng binata habang nasa kanyang opisina.
"Ang aga namang mang abala nito" , wika ni Jay habang nagbabasa ng news paper.
Humigop muna ng kape, bago sinagot ang tawag
"Yes, hello...!"
"Hello pare si Eric ito, kumusta? Happy new year." sabi ng nasa kabilang linya
"Uy pare ikaw pala, buhay ka pa pala? Hmmmm, mabuti at nakaalala ka pa?"
"Walang hiya naman ohh, pinatay mo naman agad ako?"
"Hahaha...bero lang. Ikaw kumusta na. Nagkaasawa ka lang, mukhang nakalimot ka na."
"Hindi naman sa ganon, syempre busy busy din pag may time! hehe. Anyway, mamaya na tayo mag
usap ng maayus ha, nagdadrive kasi ako. Magkita nalang tayo sa dating tambayan natin." wika ni Eric na excited makita ang matalik na kaibigan."Okey pare, tatapusin ko ng maaga ang trabaho para naman makapagkwentuhan tayo."
Pagkatapos ng paguusap na iyon ay siya namang dating ng dalawa pang kaibigan ni Jay, Sina JC at Karl na kapwa kasama at kasususyo sa kumpanyang pag-aari niya.
"Tol, happy new year!" Sabay na bati ng dalawa
"Ohh mga tol, happy New year din. Kmusta ang vacation? Balita ko puro mga girls ang kasama nyo?"
"Wahahaha, tol, at san mo naman nabalitaan yan?" tanong ni Jc na napakalakas ng tawa.
"Oo nga naman, san mo nahagilap yan ha? huwag mong sabihing tsismoso kana ngayon?" segunda manong wika naman ni Karl na tatawa-tawa din.
"Umayos kayong dalawa ha. Bagong taon na, magbago narin kayo sa istilo ng mga kinasanayan ninyo. Maawa naman kayo sa mga misis ninyo?" seryosong sabi ng bibata.
"Tol, walang ganyanan, alam mo naman na yon lang ang palipas oras at pagod namen."
"Naku kayo talaga, kelan ba kayo magtitino? Gayahin nyo ko..." ani Jay.
Kapwa nagkatinginan ang dalawa sa narinig na sinabi ng kanilang kaibigan.
"Tol, tama ba ang narinig namen? Hahaha... Look your self, ni hindi mo nga magawang ayusin ang buhay mo. Tol, lagpas ka na sa kalendaryo. Kelan mo kaya maiisipan na mag asawa?" ani JC na pinagdiinan pa ang salitang 'mag-asawa'
"Oo nga pare, tama si JC, tumatanda ka na dapat mag isip isip ka narin." suhol naman ni Karl.
"Tatanda kang binata nyan. Sayang naman yan..." sabay turo ni Jc sa gitnang bahagi ng katawan ni Jay. "sayang kung mabubulok lang at di matitikman ang luto ng Diyos." wika pa nito.
"Mga ulol talaga kayo ha, ako na naman nakita ninyo. kung pwed tigil-tigilan nyo na ang kasasabi nyan sakin. At isa pa busy ako, wala ako time sa ganyang bagay. Kung talagang mag-kakaasawa ako, darating yon. Kung hindi, e di hindi." mariing wika ng binata.
"Hay tol, samin ay paalala lang. Sayang naman kasi ang kagwapuhan mo. Bakit kasi hindi mo nalang kaya
sagutin si Chrisma? Alam mo naman na patay na patay sayo ang babaeng yon?" dagdag pa ni Karl."Ano ba kayo, magkaibigan lang kami ni Chrisma, at wala akong gusto sa kanya. Kaya kung maaari ay sana tigilan nyo ko sa bagay na yan ha. At kung magkakaroon man ng babae dido... dito sa puso ko, kayo ang unang maka-aalam."
"Aber, kelan naman kaya yon? Pagputi sa sabaw ng pusit? Ni hindi ka nga marunong manligaw." sabi ni Jc.
"Basta di pa sa ngayun. At ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala pa ko panahon sa lovelife na yan. At kapag ukol na e di saka. Kayo ha, magsipunta na nga kayo sa mga trabaho ninyo." ani Jay na medyo naasar na sa pangungulit ng dalawa.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomanceBase in real life, Pero hindi po ito true story.