CHAPTER 14

4.5K 128 7
                                    

              AGE DOESN'T MATTER

❤❤❤

HALOS hindi makapaniwala si Jay, matapos marinig ang sinabing iyon ng kasintahan. Palaisipan parin sa kanya kung totoong ginawa iyon ng Mommy niya. At kapag napatunayan niya ito, siya ang unang makakalaban ng kanyang mommy... kahit pa Ina niya ito.

"Mahal ko, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Jay ng huminto ang sasakyan.

"Oo Jay, tatlong beses niya ako kinausap para sabihing iwasan at layuan kita kasi hindi ka nababagay sa akin. Una...pumunta siya sa
mall kung saan oras pa ng trabaho ko, Pangalawa nong nadatnan mo siya sa bahay, at pangatlo kanina habang nag-aabang ako ng sasakyan pauwi. Jay, sa maniwala ka at sa hindi, nagsasabi ako ng totoo. Binantaan pa ako na kapag hindi sumunod, mapapahamak ako. Pero sinabi ko sa kanya na kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin. Gaya ng sabi ko, mahal na mahal kita kaya hindi ko susundin ang kagustuhan ng Mommy mo." mahabang paliwanag ni Ley at umiyak na ng umiyak ito, kasabay ng pagkaligkig ng katawan dahil sa lamig na nararamdaman.

"Mahal ko, tahan na! Hayaan mo,kakausapin ko si Mommy." at niyakap nitong muli ang nobya. "Halika, hubarin mo muna iyang damit mo...may jacket ako dito, isuot mo muna..."wika ni Jay ng maala-alang basa pa ang katawan ng nobya.

"Jay, alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko, dahil siya ang iyong ina. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo, mahal kita at handa kong ipaglabang ang pagmamahal ko...kahit hanggang kamatayan." ani Ley.

"Sshhh... naniniwala maman ako sa iyo kung gaano mo ako kamahal. Mahal na mahal din kita kaya huwag kang mag-alala, kasama mo ako na ipaglaban ang ating pagmamahalan. Nandito lang ako para sa'yo, mahal ko." sagot ng binata.

"Salamat, Jay." wika ni Ley na pansamantala ay gumaan ang pakiramdam dahil sa sinabi ng nobyo.

Ilan sandali pa ay nag-patuloy na sila sa pagbyahe, hanggang sa nakatulog na sa sasakyan si, Ley.

" Ma, bakit kailangan mong gawin ito? Bakit sa babaeng mahal ko?  Akala ko ba masaya ka para sakin? Pero ano itong ginawa mo? Hindi ko hahayaan na basta-basta mo nalang sisirain ang relasyon namin ni Ley." ani Jay na kausap ang sarili habang nagmamaniho.

-----

Nang makarating na sa bahay ng nobya, hindi na  ginising ni Jay ang kasintahan. Binuhat nalang niya ito papasok sa loob.

"Nay, Tay...."tawag niya sa magulang ng nobya.

"Oh...Dios ko! anak anong nagyari sa kanya,bakit basang basa siya?" tanong ni Aling Jean ng salubungin si Jay na karga karga ang anak.

"Nay, salamat po at naabutan ko si Ley, muntik ng may mangyaring masama sa kanya." sagot ni Jay habang dahan-dahan na ibinaba sa higaan ang dalaga.

"Ay...Dios ko po na mahabagin Ama, mabuti at walang masamang nangyari sa kanya."

"Pasalamat parin po tayo at ligtas siya mula sa mga hangal ang kaluluwa.  At kung nagkataon na may nangyaring masama kay Ley, magtago na sila sa pinanggalingan nila dahil sisingilin ko sila." galit na wika ng binata.

"Jay, salamat sa'yo."

"Nay, wala po iyon. Sige po, kayo na muna ang bahala sa kanya, lalabas po muna ako para mabihisan ninyo si Ley."

"Sige Jay." sagot ni Aling Jean at nun din ay pinalitan niya lahat ng kasuotan ng anak.

Ilan sandali pa ay maayus na si Ley at kasalukuyang tulog na tulog parin. Awang-awa ang ina sa sinapit ng anak. Hindi man nito nakita ang pangyayari, nakaramdam parin ito ng takot bilang isang ina.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon