CHAPTER-9

4.6K 116 2
                                    

GANAP na ika-10 ng gabi ng tumigil si Ley sa pag-tatrabaho bilang kahera. At dahil clossing time siya, inayus ang dapat ayusin sa place na nakaasign sa kaniya.

Papunta na siya ng locker ng masalalubong ang manager.
" Ley,  uuwi ka na?"

"Yes Sir. May kukunin lang po ako sa locker tapos mag-a-out narin ako."

"May sundo ka ba? baka kasi gusto mong sumabay sa akin. Ihahatid kita sa inyo ." paanyaya ng Sir.

" sir, salamat na lang po, pero may sundo po ako. baka nga po kanina pa 'yon naghihintay sa labas."

"Ah ganoon ba? Sa sige, ingat ka sa pag-uwi ha!"

"Opo, sir! Boyfriend ko naman po ang sumusundo saakin." nasabi nalang ni Ley.

Nabigla naman ang huli, sa nalamang may karelasyon na ang dalaga.

"Ah may nobyo kana pala? huli na pala ako." mahina niyang sambit. Bagama't alam ni Ley na nagsalita ang kausap, hindi niya ito masyadong maliwanagan ang sinabi ng kaniyang Sir.

"sir,  excuse me...may sinasabi ka po ba?" tanong ni Ley.

"Ha! Ah wala. Sige ha mauna na ako."

"Ganon po ba? Ah okey po." ani Ley at parang nanibago siya sa ikinilos ng manager.

-----

Samantala  sa labas ng mall ay kanina pa nag aabang si Jay sa paglabas ni Ley. Bawat empleyadong makita niya na lumalabas ay nang-hahaba ang kanyang leeg sa pagtanaw sa mga ito upang mapansin ka agad siya ng dalaga.

"Mahal ko! Andito ako." malakas na sigaw ng binata ng mamataan niya ang papalabas na dalaga. Nag-taas pa siya ng kamay, para mapansin at kaagad ding lumapit sa kinaroroonan
ni Ley, para salubungin.

"Jay, ang daming tao, ang lakas ng sigaw mo."

"bakit mahal ko may problema ba? Tsaka wala silang paki-alam. Basta masaya ako na nakita kita." sagot ni Jay.

"Naku, ikaw talaga... ikaw na talaga ang inlove. Teka kanina ka pa ba dito?"

" Mag-iisang oras palang siguro, mahal ko."

"Ano,? alam mo namang 10pm pa ang  out ko, hayan tuloy... namuti ang mga mata mo sa kahihintay."

"Ayus lang... basta ikaw mahal ko, kahit gaano katagal pa ang paghihintay ko dito, gagawin ko...makita ka lang."

"Hmm... nagiging makata ka yata ngayon ah." pagbibiro ng dalaga.

"Hehe, totoo 'yon." sagot ni Jay at hinawakan ang kamay ng dalaga. " Shall we go." yaya nito at inalalayan si Ley na makapasok sa kanyang sasakyan.

"Saan pala tayo pupunta? Ang akala ko kasi sabi mo susunduin mo ako, kasama ang mom mo."  tanong ni Ley.

"Ah hindi ko na isinama di mommy, e surprise natin siya sa pagkikita ninyo. Naikwento narin naman kasi kita sa kanya. Bale magdi- dinner tayo, with her. Gusto ka na rin niya makilala mahal ko kaya ito na 'yong tamang oras."

"P-pero Jay, 'di pa alam ni nanay na malelate ako ng uwi. Baka hanapin ako non at mag-alala siya sa akin?"

"Hindi ka ba nagpaalam?"

"Hindi e, nakalimutan ko. Pasensya na ha, nawala kasi sa isip ko."

"Hindi bale ihahatid naman kita mamaya at kakausapin ko nalang si nanay kung bakit ka late ng uwi. Or tawagan mo siya ngayon na may pinuntahan ka lang saglit." suhestyon ng binata.

"Oo nga, magtetxt nalang pala ako." ani Ley at kinuha ang cellphone sa bag.

Makaraan ang ilang saglit----
"Hayan okay na, naitext ko na si Nanay? Wait ko nalang ang response niya."

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon