CHAPTEE-4

4.7K 59 1
                                    

MULA  ng puntahan ni Jay,  ang dalaga sa mall na pinagtatrabahuhan nito... halos napapadalas na ang kanyang pagpasyal.

Hanggang sa siya  na ang naghahatid at sundo sa trabaho ni Ley.

Mabilis na lumipas ang araw, at linggo. Naging magkaibigan na ang dalawa at nakakasanayan narin ni Ley na palagi niyang nakikita ang binata.

At ang hindi alam ni Jay, ay nahuhulog na pala ang kanyang loob sa dalagang kaibigan.

Ngunit batid sa kaalaman ng binata, unti- unti naring nahuhulog ang loob ng dalaga sa kanya. Pero ni isa man sa kanila ay wala yatang balak sabihin ang tunay nilang nararamdaman..

Isang araw sa opisina ni Karl, nadatnan niya ang kaibigang si Jay na nagbabasa ng dyaryo.

"Tol, andito ka lang pala? Kaya pala hinahanap kita sa opisina mo, wala ka doon. Yun pala nangangapitbahay ka dito sa opisina ko." ani Karl

"Tol, paano ba manligaw sa babae?" bigla ay seryosong tanong ni Jay.

"W-what? manligaw!  tama ba ang narinig ko,?"

"Hindi ka naman siguro bingi para hindi mo marinig ang sinabi ko?" ani Jay

"Waaaa... may naaamoy ako ah. Tinatanong mo ako paano manligaw...?

"anong nakakatawa?"

"Tol naman, alam mo naman since nagbinata ako di  ko naranasan ang manligaw ng babae. At never ko pa ata ginawa yun sa tanang buhay ko hanggang sa magka-asawa ako. Remember, girl ang nanliligaw sakin." wika ni Karl at tumawa pa ng malakas.

"Sira ulo ka talaga. Alam kong ikaw ang pinakacheckboy kaya nagtatanong ako."

"Ehemmm, tol nanaginip ba ako. Teka nga maiuntog itong ulo ko."  ,ani Karl at sabay puk-pok sa sariling ulo sa likod ng pituan.  "Ouch!... gsing pala ako." tatawa tawang sambit sa sarili habang nakatingin sa kaibigan.

"Gago ka talaga... Umayos ka nga, nagtatanong ako ng maayus sayo. Kayo itong tinutukso ako na baka tumandang binata, tapos ngaun naman may balak akong ligawan, nagkakanyan ka pa. Do you think, nagbibiro lang ako?"

"Wow! mukhang in love ang lolo. Well congrats, tol, finally nagising din ang  natutulog mong puso."

"Ang dami mong sinasabi. Ano, tutulungan mo ba ako manligaw or hindi?"

"Wait lang, sino ba ang maswerting girl na yan at mukhang nabihag ang puso mo? 'wag mong sabihin na si  Chrisma? Tama ba?"

"Ulol! hindi siya at friend lang kami nun!",

"Hmm, sino?" excited na malaman

"Si Lesley. Naalala mo dati
nung makita mo sa facebook na e nadd ko siya,  Siya ang  tinutukoy ko. Nang magmeet kami, doon na nagstart ang friendship namin. Gusto ko sanang manligaw sa kanya kaya lang nag-aalala ako na baka magalit siya sakin."

"Naks naman... tol, halatang tinamaan ka nga sa kanya."

"I dont know, I'm not sure about my feelings...pero hindi ko itinatanggi na I like here."

"Hahaha... Isa lang ang ibigsabihin nyan... Your inlove."

"Ganon ba yon?"

"Yes, 100 percent, im sure!" nakangiting sagot ni Karl.

"Teka, ikuwento mo muna sakin paano napalapit ang loob mo. Dahil sa pagkakakilala ko, mukha kang manhid." pagbibiro ni Karl.

"Anong manhid. Wala lang akong time kaga ganon."

"Sus! Sige na tol, ikiwento mo na."

"Nang magmeet kami, don nagstart ang pagkakakilala namin sa isa't-isa. Malimit ko siya ihatid sa trabaho bago ako pumasok dito sa opisina.
Pagkatapos sinusundo ko after ng work niya. Kung minsan naman, niyayaya ko siya kumain sa labas.
Ewan ko ba tol, ito ba  ang sinasabing love at first sight although matagal tagal narin kaming magkakilala. Simula kasi ng makita ko siya ng time na muntik ko ng mabangga...'di na talaga ako mapakali. Parang gusto lagi  siyang nakikita at nakakasama." mahabang kwento ni Jay.

Tulala namang nakinig si Karl, sa kaibigan.

"Hoy!  nakikinig ka ba?"

"Hahaha, oo naman tol. Aba kung ganyan din lang...huwag mo ng pakawalan. Tutulungan ka namin ni, Jc."

"Really? but how?"

"Kapag free siya, yayain mong lumabas. Magset up ka ng date. Oh 'di kaya e invite mo maglunch or magdinner sa house mo. Tol, ang panliligaw naman di yan itinuturo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng totoong nararamdaman ng puso." seryosong sagot ni Karl at tinapik tapik pa ang balikat ng kaibigan.

--------

Habang papalabas na si Ley sa trabaho nito, nagtaka sya kung bakit wala pa si Jay. Dati darati, sa pintuan palang...sinasalubong na siya ng binata.

"Ano kaya nangyari don? , di manlang tumawag or nagtxt kung susunduin ako?"  sa isip-isip ni Ley.

"Ah sis, wala pa yata ang prince charming mo?" ani Maria ng lumapit sa kanya.

"Prince charming ka dyan. Magkaibigan lang kami."

"Sus! may magkaibigan bang ganyan. Daig pa nga ninyo ang magkasintahan."

"Pasaway ka! Magkaibigan lang talaga kami at walang malisya don."

"Weehh, hindi ako naniniwala." nakangiting sagot ni Maria.

"Hahaha, bahala ka."

"Teka, baka gusto mong sumabay na sakin. Baka hindi na dumating ang sundo mo at abutin ka ng siyam-siyam dito."ani Maria.

Sa bigla namang dating ng isang  kotse sakay si Jay.

"Hmmm, ayan na pala  si prince charming mo. Nalate lang pala."

"Ley, pasensya na ha, katatap0s lang kasi ng meeting, tsaka medyo matrafic kaya ngayon lang ako nakarating dito." ani Jay ng magpaliwanag sa dalaga.

"Okay lang yon, hindi pa naman gaanong nagtatagal ng mag-out ako." nakangiting sagot ng dalaga.

"Oh pano, Ley...mauna na ko sa inyo ha. at ikaw Jay, ingatan mo yang friend ko." sabat ni Maria sa usapan.

"Sure!" mabilis na sagot ng binata. "Let's go, Ley." baling sa dalaga.

Maingat na inalalayan papasok sa loob ng sasakyan. Kulang nalang ay buhatin ang dalaga ng mga oras na yon.

Habang nasa byahe, tahimik ang dalawa ng biglang nagsalita si Jay.

"Ley, sa sunday free ka ba?"

"Hmm, bakit?"

"Invite sana kita maglunch sa bahay. Kung papayag ka?"

"Anong meron? may occation ba?"

"Wala naman. Gusto lang kita inbitahin. Matagal-tagal narin kasi tayong magkaibigan pero never pa kiya nayaya sa house. Ano pumapayag ka ba?"

"Sige, pero hindi ba nakakahiya?"

"Bakit ka naman mahihiya. Magkaibigan naman tayo?" sagot ng binata.

Hanggang sa hindi napigilan ang sarili, mapatingin siya sa side mirror ng sasakyan upang sulyapan ang dalaga.

Biglang lumakas ang tibok ng puso nito at bigla nalang inihinto ang sasakyan.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon