NAIPAG-KALOOB na ni Ley ang kanyang sarili at pagkababae sa kasintahan niyang si Jay. Ngunit wala siyang anuman na dapat pagsisisihan dahil iyon ay isang pagpapatunay na talagang mahal niya ang nobyo.
Samantala nakaramdam ng konting hiya sa sarili si Jay, matapos ang pagniniig nila ng nobya. Nahihiya siya hindi dahil nakita na ni Ley ang hubad niyang katawan, kundi dahil hindi niya napigilan ang sarili na angkinin ang dalaga. Noon lang niya naisip na mali ang kanyang ginawa, lalo na sa mata ng Diyos. Dapat pinakasalan muna niya si Ley, bago pa may nangyari sa kanila. Subalit nangyari na...hindi na pwedeng ibalik sa dati. Hanggang sa humarap siya sa nobya at niyakap ito ng buong puso. Hindi niya akalain na darating kaagad sila sa puntong iyon. Ngunit kaakibat naman nito ay lalo pa niyang minahal si Ley.
Nang makita ni Jay ang mga mata ng dalaga na may bahid ng mga luha, bigla siyang nag-alala sa nobya.
"Mahal ko, patawad...hindi ko napigilang ang sarili ko." aniya ng magsalita.
"Jay, 'wag kang huminge ng tawad, ginusto ko naman ang nangyari. Mahal kita at wala ka dapat ipagalaala." sagot ni Ley,at niyakap
niya ng mahigpit ang nobyo."Mahal ko, salamat... alam mo, nahihiya man ako saiyo at sa sarili ko, wala naman akong pagsisisihan sa ginawa ko. Handa kitang pakasalan kahit anong oras....mahal ko."
"Salamat Jay, sana 'di ka magbago sa akin. Sana kung dumating ang panahon na may mangyaring hindi maganda, nandyan ka parin at hindi mo ako tatalikuran."
"Hindi ako magbabago mahal ko...Kung ano ako na nakilala mo, ganito parin ako. Siguro kung may magbago man...iyon ay dahil mas lalo pa kitang mamahalin." malumanay na sagot ni Jay.
Muli ay nagyakapan ng mahigpit ang dalawa at inalayan ni Jay, ng isang matamis, at may paggalang na halik ang nobya.
"Jay bihis na tayo!" nakangiting wika ni Ley, ng maalala niya na pareho pa pala silang nakahubad.
Hanggang sa sabay silang nagkangitian ng makita ang mga sarili nila sa ganoong ayus.
--------
ISANG LINGO ang nakalipas simula ng may naganap sa magkasintahang Jay at Ley. Lalong naging malambing, at maalalahanin ang binatang si Jay sa kanyang nobya. Walang oras na hindi siya nakakalimot mangumusta sa dalaga na kahit araw-araw naman sila ay nagkikita.
Kapag oras ng breaktime ni Ley, tatawagan ito ng binata.Halos di na makakain si Ley dahil sa pag-uusap nila at doon nauubos ang oras ng breaktime ng dalaga. Walang araw din na hindi nakakalimot ang binata na ihatid at sunduin si Ley sa trabaho.
Isang gabi, nagpaalam si Jay na hindi masusundo ang nobya. May importanteng apointment siya....kaya naman puro tagubilin ang binata sa nobya na mag-ingat ito sa pag uwi. 'Wag basta-basta sasakay ng taxi ng siya lang mag-isa.
"Mahal ko, tatandaan mo ang sinabi ko ha...ayoko lang na mapapahamak ka." ani Jay ng makausap sa telepono ang dalaga.
"Opo...kamahalan." sagot ni Ley.
------
Habang naghihintay ng sasakyan si Ley,nakita niya ang isang kotse na huminto sa mismong tapat niya. Kilala na niya ang nagmamay-ari ng kotse.
"Kumusta ka na, Ley?" tanong ni Mrs Mareez sa dalaga ng bumababa ito sa sasakyan
"Mabuti naman ho." ani Ley.
"Mukhang wala ka yatang sundo ngayun?Nagsawa na ba ang anak ko sa pagsundo saiyo?"pangiinsultong wika ng Ginang.
"Mrs Mareez, wala na ho kayong paki-alam kung hindi ako nasundo ng boyfriend ko ngayon. Isa pa, may mahalaga siyang appointment kaya naiintindihan ko siya.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomanceBase in real life, Pero hindi po ito true story.