AGE DOESN'T MATTER
❤❤❤
DAHIL sa sobrang pag-aalala ni Jay sa nobya, halos napaiyak na ito. "Mahal ko gumising ka, ano ba ang nangyayari sa'yo mahal ko?" sambit nito habang hawak hawak ang dalawang kamay ng nobya na nakahiga sa mga hita niya na nang mga oras na iyon ay sakay sa van na minamaniho ni Eric, upang dalahin sa pinakamalapit na hospital ang dalaga.
"Jay, huminahon ka. Siguro sa pagod ng katawan 'yan kaya siya nagkaganyan. 'Wag ka mag-alala may awa ang Dyos,hindi siya pababayaan." wika ni Aling Jean.
"Wala po ba siyang sakit 'nay? Wala po ba siyang nababanggit sa inyo nitong mga nakaraang araw na masama na ang kanyang
pakiramdam?" tanong ni Jay."Wala Jay, at kahit kailan di pa nagkakasakit ang batang 'yan. Malakas ang resistensiya niya." sagot naman ni Mang Agusto.
Narinig ni Jay ang pag tawag na bata sa nobya. Pero 'di na niya iyon pinansin dahil ang isip ay nag iisang anak nila si Ley, kaya kahit dalaga na ito ay bata pa kung ituring ng mga magulang ang nobya.
"Tol, malapit na tayo sa hospital." wika ni Eric.
Hanggang sa ilang sandali pa ang nakalipas, narating na nila ang hospital sa lugar. Dali-daling binuhat ni Jay ang nobyang walang malay ng mga oras na 'yun. Takot na takot ang binata dahil nakikita nito na halos wala ng dugo ang dati'y mamula mulang labi ng kasintahan.
"Doktor! dok! dok! tulungan niyo si kami, ang nobya ko...." malakas na sigaw ni Jay.
Nang makita sila, kaagad na lumapit ang mga nurse na
may hila-hilang higaan na di-gulong.Nahabag naman ang mga magulang pati si Maria Ana sa ipinakitang pag-aalala ni Jay, para kay Ley.
"Dito lang po kayo sa labas, titignan na ni dok kung ano ang nangyari sa pasyenti." wika isang nurse na humarap sa kanila.
Hindi naman nagtagal, at ang tuminging doktor ay lumabas narin mula sa loob.
"Sino ang asawa ng pasyenti?" tanong ng doktor.
"Ah dok, ako ho ang nanay ni Ley, dalaga pa ho ang aking anak. Wala pa siyang asawa." wika ni Aling Jean na nagtataka kung bakit itinanong ng doktor kung sino asawa.
"Ganon ho ba? Naku pasensya na Mrs. wala pa palang asawa ang inyong anak." wika ng doktor na parang napapahiya.
"Dok, kumusta na ho ang lagay niya. Ligtas na ba s'ya?" tanong naman ni Jay na nag-aalala sa lagay ng nobya.
"Huwag na ho kayong mag- alala. Normal lang sa kanya ang ganitong pangyayari. Pero kailangan na maalagaan silang dalawa?" sagot ng doktor.
"DALAWA?"sabay sabay na tanong at gulat na reaksyon ng ng mga naroroon, lalo na si Jay na parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa doktor.
"Yes, dalawa... sila ng magiging baby niya. She's pregnant and almost two weeks na ang baby sa sinapupunan ng pasyenti. Medyo masilan ang pagdadalang tao nito, kaya hangga't maaari ay huwag siyang mapapagod at 'wag mapupuyat." paliwanag ng doctor sa kanyang mga kaharap.
Nabigla naman ang mga magulang sa sinabi ng Doktor. Hindi sila makapaniwala na ang anak nila ay buntis na kaagad sa murang edad nito.
"So, paano ho, maiwan ko na kayo. Maya-maya lang ay magigising na siya at pwede na ninyong iuwi." anang doktor bago tumalikod.
Nagkatingin naman ang lahat na mga nandon at ang titig ay ipinakul nila sa binatang si Jay na kasintahan ni Ley.
Si Eric ang unang lumapit kay Jay at tinapik ang balikat. "wow pare ang bilis... CONGRATS!" anito sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
Storie d'amoreBase in real life, Pero hindi po ito true story.