AGE DOESN'T MATTER
ISANG ORAS lang na mahigit ang naitulog ni Jay ng mga sandaling iyon. Nagising ito dahil sa lakas ng tunog kanyang cell phone. Walang anu-ano ay sinagot niya ang tawag na hindi tinignan ang nasa call register kung sino ang tumatawag na iyon. Basta lang pinindot ang
answer key saka nagsalita habang naghihikab pa."Hello!"
"Hello kuya, How are you.? I miss you so much." wika ng nasa kabilang linya
"Cindy?"
"Yes kuya...i am."
Nang marinig ni Jay at makilala kung sino ang tumawag ay nawala bigla ang kaninang inisip na antok pa siya.
"Ohh Cindy, ikaw pala, I miss you too my sister. Okay lang si Kuya mo dito... Bakit nga pala biglaan ang pagtawag mo?" ani Jay sa bunsong kapatid.
"Kuya, i want to inform you na baka hindi ako matuloy ng uwi diyan sa pinas by next week. I have a final exam sa school... need ko magreview ng maayus."
"Ah ganon ba? Okay sige mag-aral kang mabuti ha. Baka naman puro barkada ang inatupag mo d'yan ha?"
"Hahaha, si Kuya talaga... you know naman diba, kahit malayo ako sa inyo ni Mommy, never ako naglakwatsa sa pag-aaral. At kung may barkada man ako, 'yon ay mga good friends ko. Tsaka Kuya, matalino yata ang sister mo..." anang dalaga sa kapatid.
"Hmp, good... anyway, palagi kang mag-iingat d'yan ha. Ako nalang ang bahalang magsabi kay Mommy na hindi ka matutuloy."
"Okay kuya, thanks... By the ways may naala-ala nga pala ako...how's you're girlfriend? Gusto ko sana makita at makilala siya in person, kaya lang sad to say, hindi naman ako makakauwi."
"It's okay sis... marami pa namang pagkakataon. Mabait si Ley, and you know what...parehong-pareho kayo ng ugali. Malambing din siya at sobrang open minded." pagmamalaki ni Jay.
"Wow! talaga kuya? Siguro kasing ganda ko rin siya, 'noh?" pabirong ani Cindy.
"Offcourse sis... and for me, pareho kayong maganda."
"Really? wow naman, i'm so excited to see her..."
"Kaya nga...pero mag-aral ka munang maigi d'yan ha. Darating din ang araw na makikilala n'yo ang isa't-isa. Oh teka...mahaba na ang magiging bill mo n'yan. Napapahaba na ang kwentuhan natin." pag-iiba ni Jay.
"Hehe, oo nga kuya e. So pano, bye bye na muna. Tatawag na lang ulit ako kapag free. Ikumusta mo nalang ako kay Mommy ha. I love you."
"I love you too..." sagot ni Jay
bago naputol ang usapan.Nang matapos ang pag-uusap nilang magkapatid napatingin si Jay sa alarm clock na nasa small table na malapit sa kanyang kama.
Ganap na alas-otso na ng umaga nun, kaya nagmamadali na rin siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos maihanda ang sarili, saka siya lumabas ng silid. Kailangan muna niyang puntahan at bisitahin ang nobya bago dumetretso sa kanyang opisina.
Papalabas na si Jay ng bahay ng mapansin ang Mommy niya na may kausap sa telepeno. Magpapaalam na sana ito...ngunit bigla niyang naalala ang sagutan nilang mag-ina kagabi. Kaya iiling iling nalang itong nagpatuloy sa paglabas ng bahay at tinungo ang sasakyan na nakapark sa garahe.
"Jay!...hijo!, wait..." tawag ng Mommy nito.
Ngunit hindi pinansin ng huli ang tawag na iyon hanggang sa makasakay siya ng kotse.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomansaBase in real life, Pero hindi po ito true story.