CHAPTER-7

5.1K 146 1
                                    

"Mahal na mahal nga kita Ley, at lalo pa kitang mamahalin." katagang binigkas ni Jay, nang malaman na mahal din pala siya ng dalaga.

PAREHONG masaya ang dalawa sa mga sandaling iyon sapagkat napatuyan nila sa kanilang mga sarili na mahal nila ang bawat isa.

"Ley, kung alam mo lang... sobra mo ako pinasaya sa mga oras na ito. Ganito pala
ang pakiramdam kapag nagmahal kana." malumanay na wika ni Jay ng bumitaw ito sa pagkakayakap sa dalaga.

"Ikaw naman, ang OA mo.. Bakit ngayon ka lang ba nagmahal?  I mean, now ka lang nagkaroon ng babaeng inibig?" nakangiting sagot ni Ley.

"OA na kung OA, basta alam ko sa sarili ko na ngayon lang
ako nakaramdama ng ganitong feelings sa isang babaeng  kagaya mo. Salamat Ley, dumating ka sa buhay ko." sabay yakap uli sa dalaga.

"Teka, nakakarami ka na ha." pagbibiro ng dalaga.

"Anong nakakarami? Wala pa nga akong ginagawa saiyo? Hindi naman siguro masamang yumakap sa mahal ko di ba?"

"Wala nga pero kanina ka pa nanananching ha. Nakakahalata na ako saiyo. Baka gusto mo halikan mo narin ako?" tatawa
tawang sambit ng dalaga.

"Papayag ka bang halikan kita?"

"Bakit hahalikan mo nga ba ako?"

"Oo, kung papayag ka?" walang atubiling sagot ni Jay.

"Hehehe, ito naman para binibiro lang." ani Ley, sabay kurot sa matangus na ilong ng binata.

"sayang, akala ko makakakiss na ako."

"Hala kiss ka agad.. Teka ka, di ka pa nga nanliligaw diba? bakit tayo na ba?" ani Ley.

"Ha?" Pagtataka ng binata.

"Anong ha ka diyan?"

"Ano 'yong sinabi mo na hindi pa tayo? Diba sabi mo mahal mo rin ako, at mahal din naman kita. Ano ibig mo
sabihin don kung hindi pa tayo?" Kunot noong tanong ni Jay habang nakatitig siya kay Ley.

"Jay naman, ang bilis mo. Hindi naman porket sinabi kong mahal kita eh tayo na.
Syempre dapat ligawan mo muna ako." paismid na wika nito.

"Ah 'yon ba,? pinakaba mo naman ako,  mahal ko. Oo sige, bukas na bukas din aakyat ako ng ligaw sa inyong bahay." nabuhayang loob na sagot ng huli.

Mabilis na lumipas ang mga oras na sinabayan din sa bilis ng mga panguayari. Nag-aminan ng tunay nilang damdamin hanggang sa nauwi pa sa pagbibiruan.

"Paano Jay, hapon na. Kailangan ko ng umuwi sa bahay. Salamat sa uulitin sa napakasarap na pagkain." Sabi ni Ley.

"Kami rin tol, uuwi na. at  'yong bilin ko ha, huwag madaliin," pabirong wika ni Eric. Alam na kasi nito ang totoo. Sinabi na ni Jay sa
mga kaibigan ang naging pag uusap nila ni Ley matapos magsarilin silang dalawa ng dalaga. At masaya sila para sa Jay.

"Oo tol, basta 'yong promise mo ha." sagot ng binata.

"Sure tol, walang problema, basta pag-igihin mo lang para successful." napapatawang sagot ni Eric.

"Ah teka ano naman iyan? Mukhang pag-kakaisahan pa ninyo ako ha?" Singit bigla ni Ley sa usapan.

"Sabi ko, ang ganda ng magiging girlfriend ng
kaibigan namin." mabilis na sagot ni Eric.

"Hay... kayo talaga dinadaan n'yo na naman ako sa biro."

'Eh totoo naman sila, maganda ka at mabait
pa. Kaya swerti mo sa akin." birong sabay ni Jay.

"Nya'y, swerti pala ha? Hmp sana nga. hehe!"

"Hahaha...."
at nagkatawanan silang lahat bago tuluyang namaalam.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon