AGE DOESN'T MATTER❤❤❤
DAHIL sa kagustuhang magkaayus na sila ng tululuyan, pumayag si Ley na makipagkita siya kay Mareez sa araw na iyon. Excited ito ng umalis ng bahay. Nung una ay ayaw pa siyang payagan ng kanyang ina, dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Dahil sa pakiusap ng dalaga na may importanteng tao lang siyang kakausapin ay pinayagan din ito. At mismong tatay pa ni Ley ang naghatid sa kanya sa restsurant na sinasabi ni Marez.
"Anak, ito na yung restaurant na sinasabi mo." wika ni Mang Agusto ng ihinto ang taxi na minamaniho niya.
"Opo Tay, ito na nga 'yon. Salamat po sa paghatid." anang dalaga at bago bumaba sa sasakyan ay nagbless pa ito sa Ama.
"Sige, mag-iingat ka ha. Kung gusto mong magpasundo mamaya, itxt mo lang ako." sabi ni Mang Agusto.
"Malapit lang naman,Tay, magkukumyot nalang ako mamaya pag-uwi. Isa pa, baka nasa byahe pa kayo tapos may pasahero pa." anang dalaga.
"Oh siya sige, ikaw ang bahala. Aalis na ako ha..." ani Mang Agusto bago tuluyang umalis lulan ng sasakyan.
Pagkapsok ni Ley sa loob ng restaurant, nakita kaagad nito si Marez na nun ay nakaupo na sa may bakanting mesa at kanina pa ito naghihintay.
Kinawayan pa ni Marez si Ley ng magtama ang kanilang paningin.
"Good morning po....Tita!" bati ni Ley ng makalapit siya kay Marez.
"Good morning din! Maupo ka iha!, anung gusto mong
kainin?", tanong ni Marez habang nakangiti ito kay Ley.Gumaan naman ang pakiramdam ni Ley dahil sa maayus ang pakikitungo ni Marez sa kanya ng oras na iyon.
Nang magsimula na silang kumain, saka muling nagsalita si Marez.
"Iha, masaya ako para sa inyo ni Jay. Congrats dahil magkakaapo na rin ako." anito sa dalaga.
"Tita, salamat po..." nakangiting sagot ni Ley.
Sa sobrang kaligayahang nadarama ni Ley ng mga sandaling iyon ay napaluha siya. Bigla ay nabunutan na siya ng tinik sa pag-aakalang paghiwalayin pa sila ng Mommy ni Jay.
"Iha, don't cry....baka isipin ng mga tao dito...pinaiiyak kita!" kunwari ay alo ni Marez ngunit sa isip nito ay wala naman siyang paki-alam sa kaharap.
"Tita, i'm sorry...happy lang po ako." sumisinghot na sagot ni Ley at biglang ngumiti sa kaharap kahit laglagan na ang kanyang mga luha.
"Iha, here ohh...panyo!" ani Marez at inabutan nito ng white na panyo ang dalaga. (bwusit na babae ito, napakaarte..) sa isip pa ni Marez.
Dahil sa 'di mapigilang tensyon ng dalaga, pasumandali ay nagpaalam muna siya saglit kay Marez, na pupunta muna ito sa comfort room.
"Tita, excuse me lang po, for awhile... pupunta lang ako sa CR." aniya.
"Sure, iha...take you time." sagot ni Marez (kung maari tagalan mo pa) sa isip nito.
At habang wala naman ang dalaga, doon na nakakuha ng pagkakataon si Marez para maisagawa ang kanyang plano. Inilagay nito ang dalawang tamblitang gamot na pampalaglag sa baso ng orange juice na iniiuman ni Ley.
"Ngayon, tignan natin kung hindi pa malaglag at mawala ang batang iyan na nasa sinapupunan mo." wika ni Marez na nagdidiwang pa ang kaisipan.
Makaraan ang ilan sandali, muling bumalik na si Ley. Sakto naman na nakaramdam siya ng uhaw, kaya kaagad itong uminom ng juice.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomansaBase in real life, Pero hindi po ito true story.