CHAPTER 3

6K 173 4
                                    


“JAY, bakit ka biglang huminto?" pagtatakang tanong ng dalaga.

"Ley, you look so beautiful. Para kang isang anghel na kahit sinong lalaki, magkakagusto saiyo? Ang totoo nyan, nung sinabi mo sa'kin dati na wala ka pang boyfriend, hindi ako makapaniwala." anito na kinakasabahan pag katapos sabihin iyon sa dalaga.

"Hahaha, bolero ka rin noh?" ani Ley pero sa isang sulok ng kanyang isipan ay kinikilig siya.

"Totoo ang sinasabi ko Ley, hindi ako marunong magbiro sa isang babae."

"Asus... sinasabi mo lang yan para pumunta ako sa inyo noh?  Don't worry, darating naman ako." nakangiting wika ng dalaga habang hindi ito makatingin ng diretso sa kaharap.

Pakiwari  ay matutunaw siya, sa pagkakatitig ni Jay. Hindi niya maintindihan ang sarili bakit ganon ang sinabi ng huli.

"Sige na Jay, ihatid mo na ako sa bahay. Baka kasi hinihintay na ako ni Nanay."

"I'm sorry Ley..." at muling pinatakbo ang kotse.

"Sorry for what?"

"Hehehe, never mind." naisagot nalang ni Jay.

--------

Excited na si Jay na sumapit ang araw ng linggo. Ito ang kauna unahang pagkakataon
na nag imbita siya ng panauuhing babae na
maglunch sa kanilang bahay.

Friday..

"Goodmorning Ma!" bati ni Jay sa ina ng makita ito sa kusina na nagkakape.

"Oh hijo,ang aga mo yata? Open na ba ang office mo, at this time?"

"Hindi Ma, maaga lang ako gumising para maabutan kita dito sa house. I know kasi na maaga kang umaalis."

"May  kailangan ka ba sa'kin?"

"Wala Ma, pero gusto ko lang ipaalam na sa sunday may darating akong bisita dito sa house."

"Bisita?  sino?"

"Basta Ma, secret muna. Makikilala mo rin siya." Ngiting sagot ni Jay sa ina.

"May something bang dapat malaman ang Mama mo?" pagtataka ni Mrs Mareez.

"hehe Ma, sa sunday  nga.. At dapat andito ka ha." anito.

"Hindi ko maipapromise, busy kasi ang Mama mo sa araw na yon. But i'll try.

"Okay, Ma!"

--------

HABANG nasa canteen naman ang magkaibigang Ley at Maria, may isang mata
na palaging nakatingin sa mga ito. Bawat kilos at galaw nila ay pinagmamasdan.

Walang kaalam-alam si Ley na matagal na palang
may gusto sa kanya ang Head Manager ng kanilang department.

"Hi lady's, pwde bang makitabi sa mesa." ani Rhon ang Head Manager nila.

"sir ikaw pala.. Sige po!" sagot ni Ley.

"Salamat! Teka tapos na ba kayong kumain?, mukha
yatang napakaseryoso ng pinag-uusapan ninyo." usisa ng sir nila.

" Si sir talaga nakikiusyuso pa." ani Maria habang nakangiti.

"Hoy mahiya ka nga, si Sir, yan?" pabulong na sabi ni Ley
sa kaibigan sabay kurot sa tagiliran.

"Aray! Daing ni Maria."

"Ohh bakit ano nangyari?" pagtatakang tanong ng sir nila ng marinig ang kaharap na mukhang nasaktan.

"Ah wala sir na si-cr lang po ako. Sige sir, maiwan ko muna  kayo dito," anito at mabilis na umalis sa kina-uupuan.

Alam ni Ley na  may crush ang kaibigan sa manager nila.
Kaya sa tuwing makikitang lumalapit ito ay siya na ang kusang umiiwas dahil nahihiya siya.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon