SA LOOB NG DALAWANG buwan na lumipas, naging masaya ang relasyon nina Jay at Ley. Kaya naman lalo pang nainspired ang binata at buong puso na ipinaramdam kay Ley ang kanyang pagmamahal. Si Ley naman ay ganon din, at mas lalo pang napatunayan ng dalaga kung gaano katapat ang binata sa kanya.
Sa loob din ng mahigit na dalawang buwan, pakiramdam nila ay dalawang taon na silang magkarelasyon. Ang Ley, na simple at maganda na ay mas lalo pang naging maganda sa paningin ni Jay.
Minsan ay nasabi ng kaibigan ni Ley na si Maria Ana, 'iba na talaga ang inlove nagiging blooming. ' at kadalasan pa ay binibiro ito na baka sa sobrang pagka inlove ay maisuko na agad ni Ley ang kanyang bataan. Ngunit tawa lang ang huli, dahil ni minsan ay hindi iyon sumagi sa kanyang isipan. Malaki ang pag-galang ni Jay sa kanya kaya malaki din ang kanyang tiwala sa binata.
------
Habang nasa opisina si Jay, nakaisip siya ng isang plano paano surpresahin ang kasintahan. Malapit na ang third monthsary nila, kaya naman ang night swimming na sinasabi niya dati sa dalaga ay mauuwi sa isang bakasyon. Hindi pa man niya nasasabi ang plano, naeexcite na siya.
Kinahapunan, hindi nakakalimutan ni Jay na sunduin ang dalaga sa pinagtatrabahuhan nito. Madalas ay advance siya kung dumating bago lumabas si Ley. Ayaw na ayaw ni Jay na pinag- hihintayin ang minamahal. Katwiran niya, hindi bale ng siya ang maghintay 'wag lang ang babaeng mahal.
"Mahal ko, im here." ani Jay habang itinaas ang kamay niya ng makita ang dalaga.
"Kanina ka pa ba dito?" ani Ley, sabay halik sa pisngi ng kasintahan.
"Kani-kanina lang mahal ko. Ano, halika na?"
"Ah wait lang, hintayin natin si Maria, makikisabay daw siya, hindi yata masusundo ng boyfriend, kaya kung pwede satin muna siya maki-suno sa sasakyan."
"Ganon ba? Okey sige walang problema. Basta ikaw mahal ko, lahat ng sabihin mo,susundin ko." nakangiting wika ni Jay.
"Bait talaga ng boyfriend ko.... I love you." ganti naman ni Ley.
Habang naghihintay ang dalawa sa loob ng sasakyan, hindi maiwasan ni Jay na titigan ang mukha ng kasintahan. Sa tuwing kasama niya ito, para bang ayaw na niyang mawala ang dalaga sa kanyang paningin. Kung pwede nga lang ay sa kanilang bahay na tumira ito, ginawa na niya. Ngunit hindi pa naman sila mag-asawa kaya tiis muna siya.
"ehemmm...." biglang napatikhim si Ley ng makita ang binata na nakatitig sa kanya.
"Mahal ko bakit?" natauhang tanong ni Jay.
"wala naman, napapansin ko lang na kanina ka pa titig na titig sa akin.. Hmm, alam kong maganda na ako, baka naman matunaw na ako n'yan sa pagtitig mo." pagbibiro ni Ley at ngumiti pa ng pagkatamis tamis na animo'y ng aakit ang mapupungay niyang mata.
Bago muling nagsalita si Jay, hinawakan muna nito ang dalawang kamay ng kasintahan. "Alam mo naman mahal ko, habang tumatagal, paganda ka ng paganda sa aking paningin. Hindi ako magsasawang titigan ka sa bawat oras na gustuhin ko. Mahal na mahal kita at natatakot ako na mawala ka pa sa akin." madamdaming wika ng nobyo.
"Uy ang drama mo! Huwag ka ngang ganyan, alam ko namang mahal mo ako, at mahal na mahal din kita Jay. Kaya kahit ano ang mangyari, mamahalin at mamahalin parin kita at hindi na magbabago iyon. Ikaw ang unang lalaking nagparamdam ng ganito sa akin kaya dapat ikaw rin ang huling lalaki sa buhay ko." sagot ni Ley, sabay yakap sa nobyo.Hanggang sa siya na mismo ang kusang humalik sa mga labi ng binata.
Tumagal ng ilang minuto ang halikan ng dalawa----ng may marinig silang katok mula sa labas na bintana ng kotse. Hindi kasi nila namalayan na kanina pa pala doon si Maria Ana.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomanceBase in real life, Pero hindi po ito true story.