CHAPTER-11

4.4K 115 1
                                    

DAHIL sa samu't saring pag-iisip, halos umaga na ng makatulog si Ley. Kaya naman, tinanghali siya ng gising. Umaga dapat ang pasok niya sa trabaho,pero dahil sa late na kung papasok pa siya,minabuti nalang ng dalaga na umabsent. Magtitext nalang siya sa kaibigan para ipaalam na hindi siya makakapasok ngayong araw.

"Anak,! gising ka na pla?" kumakatok na tanong ni Aling Jean,

"Inay, absent po muna ako ngayon. Tinanghali ako ng gising." sagot nito sa ina.

"Ganon ba? Pasensya ka na ha anak, hindi kita nagising ng maaga. Pagud na pagud kasi ako kagabi kaya tinanghali din ako ng gising." wika ulit ng nanay ni Ley.

Si Aling Jean, ay nagtitinda ng gulay at isda sa palengke, Ito ang pang araw-araw na hanap-buhay ng ina ni Ley. At ang ama naman niya na si Mang Agusto ay isang taxi driver.

"Inay, ayus lang po. Tsaka ngayon lang naman ako umabsent sa work ko."

"Ah sige anak, bumangon ka na dyan at sabayan mo kami ng tatay mo na kumain." wika ng ina.

"Opo inay, aayusin ko lang po ang sarili ko at bababa din po ako."

Pagkalipas ng ilang saglit, lumabas na ng silid si Ley, naghihintay naman ang mga magulang niya sa hapag kaininan nang siya ay dumating. Masaya naman si Aling Jean at muli nakompleto ang mesa na magkakasalo silang kumain. Bihira nalang kasi mangyari iyon simula ng magtrabaho ang anak.

"Sige anak, maupo ka na at nang makakain na tayo." nakakingiting wika ng Ina.

Nang nagsisimula na silang kumain, napansin ni mang Agusto na tahimik masyado ang anak. Hindi gaya ng dati na palagi itong nagkukwento sa harap ng hapag kainan.

"Anak, may dinaramdam ka ba?" pagtatanong ng Ama.

"Po...!wala Tay. Siguro, antok pa lang ako." ani Ley at pilit na ngumiti sa harapan ng magulang.

"Sigarado ka ha, wala kang nararamdaman. Kung may masakit sa iyo, sabihin mo sa amin ng nanay mo." wika pa ng Ama.

"Opo Tay. Saka huwag po kayong mag-alala sa akin, inaalagaan ko po maigi ang sarili ko."

"Mabuti naman kung ganon. Si Jay pala, kumusta naman siya. Matagal-tagal narin siyang hindi napapadalaw dito." pag-iiba ni Mang Agusto.

"Tay, busy po kasi sa work niya. Kapag inihahatid naman po ako dito, hindi kayo magpang-abot."

"Sabagay...alam mo naman kami ng nanay mo, kailangan paring kumayod para makaipon. Para sa susunod na pasukan ay makapag-aral ka ng muli."

"Hehe, Tay, huwag n'yo munang problemahin iyon. Isa pa, may trabaho na ako. Dapat nga po dumito nalang kayo ni Nanay sa bahay. Ako naman ang magtatrabaho para sa inyo." ani Ley at pansamantalang nawaglit sa ala-ala niya ang nangyaring hindi maganda kagabi.

"Ley, anak...bata ka pa, hindi mo pa dapat ginagawa ang magtrabaho. Malalakas pa naman kami ng Tatay mo... kaya huwag mo kaming alalahanin." ani Aling Jean at ipinatong ang isang kamay sa kamay ng dalaga.

Nang magkatinginan, sabay silang nag ngitian.

"Oh sya, kain lang ng kain ha. Kailangang malakas ang katawan mo para hindi ka magkasakit." paalaala pa ng ina.

Makalipas ang ilang oras, matapos nilang kumain, nagpaalam ang mga magulang ni Ley na aalis na muna upang maghanap buhay.

"Tay, Nay...mag-iingat po kayo." paalala ng dalaga bago tuluyang umalis ang mga ito.

------

SAMANTALA, nagtaka naman si Maria Ana, kung bakit hindi pumasok ang kaibigan niyang si Ley. Wala naman siyang alam na dahilan para umabsent ng basta-basta ang kaibigan. Hanggang sa naalaala niya ang nangyari kahapunan matapos sabihin ni Ley sa kanya ang sinabi dito ng Mommy ni Jay.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon