NANG makaalis na ang binata, matapos maihatid si Ley, saka pa lang niya tinignan ang tumatawag sa kanya kanina nung nasa kainitan sila ng paghahalikan ni Ley. Parang naiinis pa siya dahil hindi sana mapuputol ang halik na iyon, kung wala sanang umagaw sa kanilang atensyon.
"Si Chrisma lang pala." aniya, "pero bakit kaya siya tumatawag?" anito sa isip at minabuting mag call back sa dalaga na itinuturing niyang kaibigan. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay matagal na ito may gusto sa kanya. Hindi nga lang niya pinapansin dahil para sa kaniya ay magkaibigan lang sila.
"Chris, tumatawag ka ba kanina?' Sabi niya ng sagutin ang kanyang tawag.
"Oo Jay, libre ka ba ngayon? Magpapasundo kasi ako...nasiraan ang sasakyan ko."
"Ha, nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon din?" bigla ay pag-aalala ni Jay, dahil ng mga oras na iyon ay madilim na ang paligid.
"Dito ako malapit sa may ayala,"
"Okay, sige papunta na ko."
Nang makarating ang binata ay agad namang nakita si Chrisma sa tabi ng sasakyan nito.
"Jay, salamat ha." Sabay beso nito sa binata.
"Wala 'yon, kaibigan mo ako kaya kailangan kitang tulungan."
bigla ay may kurot sa puso ni Christma ng marinig ang sinabi ng binata. talagang hanggang magkaibigan nalang ba sila?" bulong sa sarili.
"Sige Jay, tara na... ihatid mo na ako."
"Pero teka paano ang kotse mo? Baka mawala iyan dito?"
"Okay na muna ito dito, naihabilin ko na naman sa guard. Tsaka pupuntahan ito
ng mag-gagawa mamaya." sagot ni Christma habang pumapasok sa kotse ni Jay.Habang nasa byahe----
"Jay, kumusta ka na pala?"
"Heto ayos lang.. Ikaw?"
"Hmm, ako... well heto untill now,naghihntay parin na mapansin mo."
"Chris naman, napagusapan na natin 'yan...di ba?"
"Hehe... baka sakali magbago pa eh.. " ani Chrisma na idinaan nalang sa biro para hindi siya mapahiya.
"Ah Jay, pwede daan muna tayo sa bar. Doon sa
dating pinupuntahan natin nina Jc at karl, kapag lumalabas tayo.""Hmm, sige pero 'di tayo pwede magtagal ha. May kakausapin pa kasi ako." ani Jay.
"Sure...basta saglit lang tayo don at alis din.
At ng nakarating na ang dalawa, umorder ng inumin ang dalaga. Hard ang piniling drinks ni Chrisma.
"Chris, ano ito...? akala ko ba saglit lang tayo dito? Eh bakit may alak?" pagtataka ni Jay.
"Konti lang Jay, pampaantok. Sige na, uminom ka na rin. Hindi ka naman malalasing diyan."
Hindi na nga nagawa pang tumanggi ni Jay dahil sa pagpupumilit ni Chrisma sa kanya na uminom.
Hindi nagtagal ay nasa kaini-tan na sila ng pag-iinom hanggang sa malasing ang dalaga. Kaya naman nag-aya ng umuwi si Jay, kahit ayaw pa ng kasama.
" Chris, we need to go. Lasing ka na at kailangan na kitang ihatid."
"Later... please! hindi pa naman ako lasing eh." sagot ni Chrisma. Pero ang totoo ay may tama na siya ng alak hanggang sa bigla nalang ito mawalan ng malay at mapasubsob sa mesa.
"Chrisma naman, tigas kasi ng ulo." ani Jay habang binubuhat ang katawan ng kaibigan.
Kahit mahilo-hilo na si Jay ay nagawa parin niyang buhatin at dalahin sa sasakyan ang
dalaga. Pinilit niyang magdrive, mabagal lang
pagpapatakbo niya. Kailangan maihatid agad nito sa apartment si Chrisma.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomanceBase in real life, Pero hindi po ito true story.