CHAPTER 20 (Finale)

8.4K 243 100
                                    

AGE DOESN'T MATTER

❤❤❤


KINAUMAGAHAN, maagang nagpaalam si Ley sa kanyang ina na may lalakadin siya. Ang paalam ay pupunta sa mall na dating pinagtatrabahuhan nito. Pero ang totoo ay gusto niyang puntahan si Marez at kausapin ito ng sarilinan. Alam niyang mahirap at baka ipagtabuyan muli siya kapag nakita siya ng Ginang. Subalit disedido parin si Ley na ituloy ang balak at kahit anong mangyari, kailangang magkausap sila at malaman ang buong katotoohanan.

"Hindi ako papayag na habang buhay akong mananahimik. Kailangang lumabas ang katotohanan na wala akong ginawang kasalanan." matigas na wika ni Ley habang sakay ito ng taxi.

------

Samantala habang si Jay naman ay inaayus na ang sarili, napagpasyahan din nito na kausapin na ang dating kasintahan.

Aminado na magpahanggang sa ngayon ay mahal parin niya ng dalaga..

Kaya naman, ng araw na iyon ay handa na niyang harapin si Ley at iyon na siguro ang tamang panahon para magkausap sila ng maayus.

"Ley, i'm sorry, nagpadala ako sa aking emosyon. Nagalit ako na hindi ka manlang binibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang nangyari. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana magkausap tayo ng maayus." anito bago tuluyang nilisan ang mansyon.

------

Habang si Ley naman ay sakay ng taxi ng mga oras na iyon, hindi maiwasan na kabahan siya. Subalit kailangan parin niyang maging matapang.

Saktong pagdating niya sa bahay ng dating kasintahan, nakita nito ang papalabas ng isang kotse at kilala niya kung kanino iyon. May pang hihinayang man dahil sa totoo, gusto din nito makita ang binata. Pero sa bandang huli ay  naisip niya na mabuting 'wag nalang para magkausap sila ni Marez ng maayus.

Habang nasa tapat na siya ng gate, napansin siya ng gwardya.

"Miss may kailangan ka ba?" tanong sa dalaga.

"Ah manong guard,  nandyan po ba si Mrs Marez? Pakisabi naman po na gusto ko siyang makausap." magalang na sagot ni Ley.

"May apointment ka ba sa kanya, Miss?", tanong muli ng guard.

"Wala po, pero importante lang po talaga. Nakikiusap po ako sa inyo, na kung pwede ay makausap ko siya.", wika ng dalaga.

"Naku miss, pasensya na...mahigpit po na ipinabilin sa amin ni Ma'am na huwag basta-basta magpapasok lalo na kung walang appointment sa kanila." muli ay paliwanag ng gwardya.

Mayamaya pa ay biglang lumabas sa loob ng bahay si Marez. Nakita nito ang babaeng kausap ng kanyang gwardya. Kilala niya kung sino iyon, kaya naman lumapit din siya sa may gate ng mansyon.

"Manong, papasukin mo siya." wika ni Marez.

"Ah...s-sige po ma'am." sagot ng guard at pinagbuksan nito ng gate ang dalaga. "Miss, pwede ka ng pumasok." anito kay Ley.

"Manong...salamat po!" sagot ni Ley at nagtuloy siya sa loob ng bakuran.

"Anong ginagawa mo dito, Ley? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo. Bakit nagpunta ka pa dito?", tanong ni Marez sa dalaga ng harapin nito si Ley

"Mrs Marez, nagpunta ako dito para makausap ka. Wala naman ako balak na guluhin kayo. Ang gusto ko lang ay malaman ang buong katotoohan. Hindi ako matatahimik hangga't hindi malinaw sa'kin ang lahat.", wika ng dalaga.

"Ano pa bang paglilinaw ang gusto mong malaman? Ley anim na buwan na ang nakalipas at tahimik na ang anak ko. Sana naman 'wag mo ng guluhin pa siya. Tapos na kayo at masaya na ngayon si Jay na unti-unti ka ng nakakalimutan." sagot ni Marez.

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon