AGE DOESN'T MATTER
❤❤❤
DAHIL sa sobrang sama ng loob at galit na nararamdaman, ipinasya ni Jay na lumabas kasama ang mga kaibigan.
Gusto niyang malimutan ang nangyari. Galit siya sa babaeng minamahal, dahil nagawa nitong ipalalag ang sariling dugo at laman niya na dapat ay magiging anak na nila.
Subalit walang kaalam alam ang binata na ang lahat ng ito ay kagagawan ng kanyang Mommy. Si Ley at ang batang dinadala nito ay isang biktima upang masira ang kanilang pagsasama.
Ang mga kaibigang sila Eric, Karl at Jc ay nagtataka sa ikinilos ni Jay ng mga sandaling iyon na sila ay magkakasama sa isang restobar. Hindi naman magpapakalasing ang kanilang kaibigan ng walang matinding dahilan or problema.
Kaya naman, hindi nakatiis si Karl.
"Tol, tama na 'yan! Lasing ka na.", anito ng napansin na marami ng naiinom na alak si Jay.
"M-mga pare, hayaan n'yo lang ako. Gusto kong magpakalasing ngayon. Gusto kong mabawasan ang sakit at sama ng loob ko... dito sa dibdib ko.", sagot ni Jay na pautal- utal na ang pagsasalita.
"Tol, may problema ba? Bakit 'di mo sabihin sa samin? Baka makatulong kami.", wika ni Eric na tinapik tapik pa ang balikat ng kaibigan.
"Problema? Oo pare, may p-prolema ako...p-pero huli na ang lahat...hindi na ninyo ako matutulungan pa." wika ni Jay habang uminom pa ng alak.
Nagkatinginan naman ang tatlo. Iniisip kung ano ba talaga ang matinding problema ng kanilang kaibigan, kung bakit ito nakakaganon?
Makalipas pa ang ilang sandali, patuloy parin sa paglaklak ng alak si Jay. 'Di n'ya alam, pa'no sasabihin sa mga kaibigan ang nangyari. Dahil alam ng mga ito kung gaano niya minahal at pinagkatiwalaan si Ley tapos ganon-ganon lang ang gagawin sa kanya.
"Pare, tama na nga 'yan, okay. Kung may problema ka, dapat mong harapin. Hindi madadala ng alak ang problema mo.", sabi ni Jc na inagaw na ang baso na may alak sa kaibigan ng tatangkain na inumin muli.
"Hayaan n'yo nga muna ako..." inis na sagot mi Jay, na nung mga oras na iyon ay wala na sariling katinuan dahil sa kalasingan.
Dito na nakita ng tatlo ang hitsurang ipinagbago ni Jay. Nakita nila na umiiyak na din ito. Hindi si Jay, ang tipo ng lalake na umiiyak kapag may problema. Ngunit sa pagkakataong iyon, ngayon lang nila mismo nakita ng kanilang mga mata ang pagpatak ng luha ni Jay, sa harapan nila.
Hindi nila alam kung pano tutulungan ang kaibigan dahil alam din nila na kapag may problema ito, sinusulo nalang at hindi sinasabi sa kanila.
"Bakit ganon, minahal ko siya, pinagkatiwalaan, pero ganito pa ang igaganti niya! Ipinagtanggol ko siya kay Mommy, sinabi ko sa kanya kung gaano ko kamahal ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama sa buhay. Tinanggap ko ang pag-ibig ko sa kanya kahit pa ng malaman kung malaki ang agwat ng edad namin sa isa't-isa. Minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Pero bakit nagawa n'ya 'yon sa'kin? bakit? bakit......?", bigkas ni Jay sabay bato niya sa hawak na bote ng alak.
Sa pagkakasabing ito ng binata, nahulaan na ng mga mag kakaibigan kung ano ang problema ni jay. Ang dahilan ay si Ley, na isang malaking katanungan sa isip nila.
"Tol, ano bang nangyari? bakit ba ayaw mong sabihin sa amim para maindihan naman namin kung ano ang nais mong ipahayag." tanong ni Eric.
"Ipinalaglag ni Ley ang anak namin. Uminom siya ng gamot dahilan para mawala ang bata. Napakasama niya. Minahal ko siya, ganito pa gagawin niya. Kinasusuklaman ko ang babaeng iyon. Kahit kailan, hindi ko siya mapapatawad." wika ni Jay at 'di na napagilan ang sarili at humagulhol na matapos sabihin iyon sa mga kaibigan at naagaw pa ang atensyon ng ibang mga tao na naroon sa lugar na nakakakita sa kanya.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
Любовные романыBase in real life, Pero hindi po ito true story.