CHAPTER 17

4.8K 107 5
                                    

AGE DOESN'T MATTER

❤❤❤

Mababakas ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa, matapos ang pagpapahayag ni Jay sa tunay niyang nararamdaman. Hindi narin nito binanggit  pa kay Ley na alam na niya ang tungkol sa totoong edad ng nobya. Basta ang mahalaga ay tanggap na ito ng binata. At kahit ang mga magulang ni Ley ay masaya na rin sa nangyari. Pagpapatunay lang na hindi naman talaga sila galit kay Jay. Nabigla lang sila sa una.

"Oh pano 'yan pare...dapat mag-isip na kayo ng ipapangalan kay baby." nakangiting wika ni Eric.

"Hahaha...excited po ba?" malakas na tawa naman ni Maria Ana.

Ang simpleng tawanan ay nauuwi sa halakhakan at biruan. Pati si Mang Agusto ay nakipagbiruan narin. "Aba kapag lalake ang apo ko, dapat isusunod sa pangalan ko. Sang-ayon ka ba Jay?"

"Hehe, sige po, Tay....walang problema." sagot ng binata.

"Ayus....." wika ulit ni Mang Agusto at kinindatan pa ang asawa.

"Naku...ang mabuti pa ay ayusin na natin ang dapat ayusin ng makauwi na tayo. Isa pa, kailangan ni Ley ang makapagpahinga." wika naman ni Aling Jean.

------

HABANG nasa byahe pabalik ng Manila, tahimik ang lahat. Tanging musika lang ang maririnig sa loob ng sasakyan. Walang sinuman ang gustong magsalita. Hanggang sa hindi nakatiis si Ley at ito ang bumasag sa katahimikan.

"May anghel siguro sa loob ng sasakyang ito?", wika ni Ley nang magsalita ito na ikinagulat naman ng mga kasama niya.

"Oo nga!, pansin ko rin. ", segunda manong wika ni Maria Ana.

"Haiisst, bakit kasi ang tahimik n'yo?, hindi ba kayo nagenjoy sa bakasyon natin?", tanong ulit ni Ley.

"Nag enyoy kami! ", sabay sabagy na bigkas ng mga kasama n'ya.

"Mahal ko,nag-enjoy kami ahh. Siguro nag-alala lang kami sa nangyari sa'yo kaya ganito ang mga hitsura namin...parang mga pepe.", wika ni Jay sa kasintahan na katabi nito sa upuan, habang nakasandal sa kanyang dibdib ang dalaga.

Nang mga oras na 'yun, ay di pa alam Ley na alam na ni Jay ang totoong edad niya. Pero wala ng issue 'yon sa lahat dahil mas matimbang ang pagmamahalan.


"Jay, 'wag na kayo mag alala, okey na ako diba? ", wika nito na humarap sa nobyo at yumakap pa ng mahigpit.

"Inay, tay! Salamat ha, nagkasama-sama din tayo! ", wika ulit ni Ley na humarap naman sa mga magulang.

"Anak wala 'yun, kami ang dapat magpasalamat kay Jay, kahit pano nakapagrelax din naman kami ng tatay mo!", wika ng kanyang ina.

"Mahal ko!, matagal pa naman bago tayo makarating ng Manila.., mabuti pa umidlip ka muna dahil mahaba pa ang byahe natin.", sabi ni Jay sa dalaga.

Hanggang sa di nagtagal ay nakatulog na nga ang dalaga na sinundan din ng iba pang mga kasama. Maliban kay Eric na siyang nagmamaniho at Jay na kapwa sila lang ang gising.  Nagkangitiin lang ang magkaibihan ng mapansin nila ng mga tulog na ang kanilang mga kasama.

------

Samantala, si Marez naman habang hinihintay ang pagdating ng anak ay may ibabalita ito kaugnay sa  kanyang natuklasan sa pagkatao ni Ley. Ngunit ang hindi alam ni Marez ay naunahan na siya ng anak sa nalaman.

Alam na ni Jay ang totoong edad ng nobya at para sa kanya tanggap ng binata ito dahil mahal niya ang dalaga.

------

(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon