"May feelings din kaya si Jay, sa akin?" bigla ay tanong sa isip ng dalaga.
Ang totoo ay excited itong malaman kong anong klasing ispesyal siya sa binata.
Muli sanang magtatanong si Ley, ng bigla marinig ang pagtunog ng cellphone ng katabi
Tinignan muna ni Jay, kung sino ang tumatawag, bago nito sinagot.
"Pare naman, nasaan ka na ba? Kanina pa kami dito sa bahay mo?" inip na tanong ng nasa kabilag linya...si Jc.
"On the way na, may sinundo lang ako. Kung nagugutam ka, pwede ka namang kumain dyan?" sagot ni Jay
"Tol naman, bilisan mo nalang para sabay-sabay tayo."
"Malapit na kami, in 5 minutes... nandyan na. Ah wait, sina Eric at karl, nandyan narin?"
"Oo...kompleto na kami dito at magkakasabay na dumating."
"Okey, sige ibababa ko na itong phone."
Nang matapos ang usapan, tahimik lang si Ley, habang nakikinig sa pagsasalita ni Jay. At kung hindi siya nagkakamali...bukod sa kanya ay may iba pang bisita ang binata sa oras na iyon.
Ang ipinagtataka lang niya, bakit hindi sinabi ni Jay na may iba pa pala itong bisita?
"Ah Jay, mukhang may occation yata sa house mo? Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Akala ko simpleng lunch lang ito." ani Ley.
"Yes, lunch lang ito...walang occation."
"Pero sino ' yong kausap mo. Mukhang kanina ka pa nila hinihintay."
"Ah sila ba, mamaya makikilala mo ang mga iyon. Heto, nandito na tayo sa house." ani Jay ng ihinto ang kotse sa harapan ng malaking gate at bumusina ng dalawang beses.
May lumabas na isang babae na siyang nagbukas sa gate.
"Hello po sir...." bati ng kasambahay ng dumaan ang sasakyan sa tapat nito papasok.
Laking gulat ni Ley, nang tumambad sa kaniyang paningin ang napakaganda at napakalaking bahay na iyon. Hindi makapaniwala na doon nakatira ang binata.
"Jay, ito ang bahay mo?"
"Oo, kaya tara na, nag-hihintay na sila sa loob." nakangiting sagot ni Jay at biglang hinawakan ng bahagya sa braso ang huli upang alalayan ito sa pagbaba.
"Thanks." ani Ley
At ng papasok na sila ng bahay, biglang hinawakan ni Jay ang kamay ni Ley na ipinagtaka ng huli. Hindi na ito tumutol pa, kase hila-hila na siya ng binata papasok.
Biglang may kung
anong kuryenting nanalaytay sa ugat na bumalot sa buong katawan, na hindi maipaliwang ni Ley kung anong ibigsabihin nun. Hanggang sa nakita nila ang mga kaibigan ng binata na nakaupo sa sofa."Mga Tol, pasensya na kayo kung napaghintay ko kayo. Anyway, si Ley, siya yong girl na naikwento ko sa inyo before." ani Jay na halatang kinakabahan. "Ley, sila ang mga kaibigan ko...si Eric, Karl, at Jc." wika pa ng binata at pasempleng binitawan ang kamay ni Ley dahil nakita niya kung paano magsenyasan ang mga kaibigan.
"Hi, Ley..." si Eric ang unang bumati na sinundan pa ng dalawang kaibigan,
"Ikinagagalak ko kayong makilala." sagot ni Ley na kahit kinakabahan ay hindi siya nagpahalata.
Iginawad ng tatlong lalake ang kani-kanilang kamay para makipag-shakehands sa magandang dalaga na nasa harapan nila. Ganoon din ang ginawa ni Ley na sinabayan pa ng isang simpleng ngiti na lumitaw sa kanyang mga labi.
"Ehem tol, " sulyap ni Jay, sa kamay ni Karl ng mapansin ang maghigpit na hawak nito sa kamay ng dalaga.
Medyo napahiya at nagblush naman si Ley na hindi nakaligtas kay Jay, kaya mismong siya na ang bumitaw sa pagkakahawak na iyon ni Karl.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)AGE DOESN'T MATTER
RomanceBase in real life, Pero hindi po ito true story.