21.1 Nanay Diaries - Day 1

4.5K 273 14
                                    

Day 1

Tuwang tuwa ako nung malaman ko na magkakaroon ng cocert ang kalyeserye sa USA. Pero ganoon din ang aking kaba nang marealize ko na magkakasama ng ilang araw si Maine at RJ sa Cali at NY ng sila lang. I mean I trust both of them pero mahirap na. Baka mamaya eh magtanan tong dalawa sa NY. Di malayong mangyari dahil grabe na talaga magmahalan tong anak ko at ang ang kanyang boyfriend na ngayo'y tinuturing ko na ding anak.

Kaya naman sumama ako. Sanay naman na ako. Ako kasama sa Italy at sa Morocco. Kailangan ng adult supervision. Alam ko jamang di mapipigilan tong dalawa dahil mapusok. Mahirap na. Kahit gustong gusto ko ng apo, mga 2018 na lang. Kailangan kong idelay hanggat makakaya ko.

Direct flight pala kami kanina. Malas ko dahil hindi ko katabi si Maine at si RJ. Nasa bandang likod pa ako. Siyempre ang nerbyos ko diba. 16 hours ang flight. Maraming pwedeng mangyari sa 16 hours na iyon.

Bantay sarado ako sa mga pumapasok sa lavatory at lumalabas. Baka mamaya eh may sumunod at di ko mamalayan. Nakarating na sa akin ang nanguati sa lavatory noon. Buti na lang at may nakahuling FA kaya di natuloy kung ano mang balak ng dalawa. Kids these days. Kailangan magawa ang mile high club. Jusmio.

Pansin ko na natulog na ang dalawa kay naidlip din ako. Tahimik na rin ang buong eroplano at pansin ko na tulog na ang mga kasama namin. Laking gulat ko ng may marinig akong mahinang halinghing. 

Eto ang actual na pagkakarinig ko.

"Ahhh. Ahhh. Shehhht. Oh Gawd. Maine."

Laking gulat ko ng marinig ko ang pangalan ng anak ko. Nakinig pa muna ako bago ako gumawa ng aksyon.

"Wag kang maingay. Baka magising si Nanay. Nasa likod lang siya oh." Yun ang bulong ni Maine.

"Sorry na. Bakit kasi di si lavatory."

"Hello nakabantay si nanay. Ako na bahala sayo. Mamaya na ako. Wag ka magulo."

Tahimik. Tapos bigla nanamang naulit ang mga halinghing ni RJ. 

"Aaah. Ayan malapit na. Ah."

Di ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at dali daling pumunta sa tabi nila.

Ganito ang nangyari.

Pag tayo ko e sinita ko ang dalawa.

"Kayong dalawa, nasa eroplano tayo. Hindi ba makakapaghintay sa hotel yang ginagawa ninyo?" Mahina lang ang pagkakasabi ko pero halatang galit. Laking gulat ko na lamang kung ano talaga ang ginagawa nila.

"Di na po makakapaghintay tita. Nabutas yung Tshirt ko. Tinatahi ni Maine sa may bandang kilikili. Eh natutusok ako. Di marunong." Tumawa si RJ. Naku. Namutla ako. Tumawa lang ang anak ko.

"Nay, ano ba iniisip mo?" Tsaka ulit tumawa ng malakas. Nagtinginan ang dalawa at nangasar pa. 

"Pwede naman namin gawin yun. Sa ilalim ng kumot. Pero tulog ka muna nay." Muntik ko nang sapukin si Menggay sa kagagahan niya. Pero alam ko namang nagbibiro lang dahil alam nilang dalawa na nakabantay talaga ako sa kanila.

"Kayo, oy. Umayos kayo. Baka pauwiin ko kayo ng wala sa oras." Yun ang sabi ko. Tumawa lang sila.

Hanggang ngayon ninenerbyos pa rin ako. Paano na pag dating sa NY? 

Thirst: The First Collection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon