25. Happiest Place on Earth

3.5K 256 5
                                    

#ThirstyShorts

Takang taka si Baste dahil nawala nanaman ang dalawa niyang kalaro.

"Mama, nasaan po si Kuya Alden at Ate Maine?" Ang tanong ni Baste sa kanyang mama. Kanina lamang ay magkakasama ang tatlong naglilibot sa Disneyland. Huli silang magkakasama sa Ironman attraction.

"Ay baby, di ko alam. Tanong natin kay tita Ruby." Lumapit si Mama She at Bate kay Ruby para magtanong kung saan nagpunta yung dalawa.

"Ay hindi ko alam. Sabi ni Maine kanina kay Alden gusto niya sumakay ulit doon sa Cinderella Carousel. Tapos bigla na lang nawala yung dalawa. Teka hahanapin ko." Iniwan na ni Ruby ang grupo at nagtungo kung saan nandun ang Cinderella carousel.

Walang gaanong tao noon sa Hongkong Disneyland kaya naman napansin ni Ruby na kakaunti ang tao sa Cinderella Carousel. Patuloy pa rin otong umiikot dahil hindi pa tapos ang ride.

Hinintay ito ni Ruby ngunit nang matapos ang ride, hindi pa kaagad niya napansin ang dalawa kaya naman naisipan niyang itext si Maine. Muli naman uli umandar ang Carousel matapos magpasakay ng kakaunting tao sa pila.

Ruby: Maine, nasan kayo ni Alden?

Ilang minuto ang nakalipas nang magreply si Maine. Takang taka naman si Ruby sa isinagot ng dalaga.

Maine: Nandito po sa Cinderella Carousel kakasakay lang.

Alam niyang wala sa pila ang dalawa kanina. At alam niya ding walang bumaba na mukhang Alden at Maine sa carousel noong unang matapos ang ride.

Nang matapos ulit ang ride, laking gulat ni Ruby na bumaba ang dalawa na gulo gulo ang damit ant sabog sabog ang buhok.

"Anong ginawa niyo sa ride?" Tanong ni Ruby.

"Um…nakatulog po kami. Gustonkasi ulitin ni Maine dahil nakaupo lang kami. Eh ayun. Puyat. Nakatulog kami." Ang sabi ni Alden. Napabungisngis ng tawa si Ruby.

"Talaga ba?" Ang kanayang sabi. "Um, Alden bukas yung zipper mo. Maine, may something ka sa buhok."

Dali dali namang chineck ng dalawa kung totoo ang sinabi ni Ruby. Sinipat ni Maine ang zipper ni Alden at siya naman ang tumingin sa buhok ni Maine.

"Oh bakit niyo chineck? Diba sabi niyo nakatulog lang kayo?" Ang tawa ni Ruby. "Niliteral niyo naman yung happiest place on earth." Ang kanyang dagdag sabay tawa ng malakas.

"Tita Rubs naman." Ang sambit ni Alden. Pulang pula sila ni Maine.

"Kayong dalawa ha. Pwede naman sa hotel mamaya. Sabihin niyo lang. Lilipat akong kwarto." Kinindatan ni Ruby ang dalawa bago tumalikod at magsimulang maglakad. "Tara na guys. Hinahanap na kayo ni Baste. Baka magulat yun biglang may kinakapatid na siya."

Lalong namula ang dalawa.

Thirst: The First Collection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon