CHAPTER 3

720 36 6
                                    

Ara's POV 

Lumingap ako sa buong paligid. Sa mga tingin palang ng mga babae dito alam kong nakikipagflirt na sila, pero katulad ng sabi ko, medyo choosy ako. Kaya nginingitian ko lang din sila. Kung may lumapit edi mas masaya pero as long as wala ieenjoy ko muna yung pagtingin tingin sa kanila. 

"Sa bar tayo" bulong sa akin ni Kim. Tumango ako at sumunod sa kanya. 

Parehas kaming napalingon sa babaeng sumulyap bigla sa gilid ni Kim. 

"Kim"

Tinignan ko yung nagsalita. 

"Cienne?" sabi ni Kim. Magkakilala sila? 

"Kim!" agad na yumakap yung babae kay Kim. Hindi ko mawari pero parang kilala ko sya, pinilit kong tandaan kung san ko sya nakita or kung kilala ko sya pero hindi ko talaga maalala. 

"Missed me?" humalik si Kim sa pisngi nito pagkakalas nila sa yakapan. Malandi din talaga eh. Hahahaha

Ngumiti naman yung babae sa kanya. Pamilyar talaga sya sa akin. 

"Kanina pa kita hinihintay" sabi nung babae. 

Tumingin sa akin si Kim na para bang nagyayabang at sinasabing 'see?' Yabang! Tsk. Malamang marami syang chicks dito, eh halos dito na sya tumira eh. Hay naku! Napa'psh' na lang ako sabay iling iling saka ako napatingin dun sa bartender na kasalukuyang nakangiti sa akin. Maganda sya. Ngumiti ako pabalik sa kanya, sa palitan namin ng ngitian, alam kong naglalandian na kami. Sorry for the term pero totoo. 

"By the way, this is my best friend, Ara" umakbay sa akin si Kim dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tinignan ako nung babae kaya ngumiti ako sa kanya, still nirerecognize ko pa din kung sino sya. 

"Hi"  Iniabot nya yung kamay nya saken. "Cienne" ngumiti sya.

Inabot ko ang kamay nya saka ako personal na nagpakilala. "Vic" ngumiti din ako. Sa sobrang pagrecognize ko sa kanya ay nakalimutan ko ng bitawan ang kamay nya. 

"Ehem" tikhim ng epal sa gilid ko. "Akin yan" bulong nito. 

Dun ko lang naalalang bumitaw. "Ay sorry" lumapit ako kay Kim at bumulong "Edi sayo na" muli akong tumingin dun sa babae, napahimas ako sa batok ko. "I'm sorry, you look familiar lang kasi" 

Napakunot ang noo nung babae. "Have we met?" she asked. 

Umiling ako. "I don't know" I shrugged. 

"Syempre kilala mo sya" umepal naman si Kim at gumitna pa sa amin nung Cienne as if aagawan ko sya hahahaha. Kanya na, halata namang sya ang type eh. Makatingin hahaha. "Pinakita ko sayo yung account nya sa fb diba?" 

Nagshrugged naman ako. As if ginawa nya talaga yun? Sinabi lang nya yan para maturn on sa kanya yung babae. 

"Talaga?" kinikilig na sabi nung Cienne. See? 

"Of course" lumapit si Kim kay Cienne at umangkla na sa bewang nito. Tinignan ako ni Kim "Sige na, kausapin mo na yung bartender" utos nito. "Mukhang type ka" 

I smirked. "Too bad she's not my type" sabi ko. "CR lang ako" paalam ko sa mga ito. Makaistorbo pa ko sa kaligayahan nila. 

Nagtungo ako sa CR. 

Tumingin ako sa salamin tsaka ako naghugas ng kamay. Maya maya pa ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng lumabas mula sa cubicle ng CR at naghugas din ng kamay. Tinignan ko ang reflection nito sa salamin. Hindi ko gaanong makita ang mukha nito pero base sa nakikita ko ang ganda nya, ang sexy, and ang hot sa suot nyang black dress. 

Nag-angat ito ng tingin sa akin ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Nginitian ko sya pero hindi nya ako nginitian man lang, ni hindi nga nya yata ako nakita. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon