CHAPTER 18

978 42 11
                                    

Mika's

Napakagat na lamang ako sa daliri ko sa naalala ko. Shit! Bakit ba hindi sya mawala sa utak ko? Parang each and every moment natetempt ako sa kanya. Nandito na si Jim... pero bakit hindi sya ang nasa utak ko? Bakit hindi sya ang gusto kong makasama ngayon? Ni hindi ko man lang nirequest kay Jim na dito sya matulog sa condo... hindi ko alam kung bakit... usually naman ako pa mismo ang nagsasabi sa kanyang dito matulog kasi ayoko talagang mag-isa.

But then again bigla akong naconcern sa mararamdaman ng iba... sa mararamdaman ng ibang taong hindi naman dapat kasama sa relationship namin. Tangina lang! Bakit parang mas nakokonsensya pa ako kapag masaktan ko si Vic kesa sa reality na nasasaktan ko si Jim dahil sa nararamdaman ko? Bakit hindi naman mali yung ginagawa ko dahil si Jim ang boyfriend ko, sya ang papakasalan ko pero nakokonsensya ako to think na baka masaktan si Vic? Aish! Ano ba to? Kung may mali dito, yun ay ang sa amin ni Vic.

Pero bakit parang mas mali sa akin ang tama, at mas tama sa akin ang mali?

Unti unti... tinatraydor ko na maging ang sarili ko.

Inisip kong babawi ako kay Jim pero yung sistema ko hindi nakikisang-ayon sa gusto kong mangyari. Bakit ganon?

Kanina...

Alam kong nakita ni Vic yung paghalik sa akin ni Jim paglabas namin ng pinto kasi supposedly doon ko lamang sya ihahatid, nakita ko kung paano sya tumingin at kung paanong nagbago ang emosyon sa kanyang mga mata dahil sa nakita nya. And for pete's sake! Nakonsensya ako. Kahit wala namang masama sa ginawa ko, nakonsensya ako. Na parang gusto kong magpaliwanag na No Vic. Walang ibig sabihin yung halik na yun, its just that sanay si Jim na humihingi ng halik sa akin. Ano yun Mika? Bat may ganong thought sa utak mo... bakit parang ayaw mo ng gawin ang bagay na yun with Jim dahil ibang labi naman talaga ang gusto mong halikan?

Aish pero kasi....

Nasaktan si Vic. Ayokong iassume but maybe, just maybe nasasaktan na din sya. No... I know deep down nasasaktan talaga sya sa fact palang na bumalik na si Jim how much more pa sa nakita nya?

Eerrr!

Ayokong lumapit sa kanya kanina hindi dahil natatakot akong may sabihin sya kay Jim kahit alam kong hinding hindi nya gagawin yun.. but then ayokong lumapit sa kanya sana kasi naiilang ako.... naiilang ako sa pwede nyang maramdaman... ayokong maging uneasy ng feeling nya dahil lang kaharap nya ang fiancee ko.

Hindi plastic na tao si Vic, sinasabi nya kung anong nararamdaman nya.. pero kanina.. kahit may gusto nyang sabihin hindi nya nagawa.. but then again her eyes speak for her. Nakita ko yung sakit na naramdaman nya.

Hindi naman ako ganon kamanhid. HIndi naman ako ganon ka walang puso para hindi maramdamang nasasaktan ko din si Vic. Sa aming dalawa, mukhang ako ang nahihirapan pero ang totoo sya ang pinaka nahihirapan dito. In the first place, hindi naman sya dapat nadadamay sa kaguluhan ng isip ko... but then she came.

All I know is that.... ayoko syang masaktan.. hindi nya deserve masaktan... pero alam mo kung ano yung mas shit dun? Ayoko syang masaktan pero mas ayokong mawala yung sakit na nararamdaman nya kasi ibig sabihin lang nun nilet go na nya ako. Ang gago kong pakinggan oo, pero for once in my life nagiging selfish ako.... as much as possible ayokong nasasaktan si Vic but then again, thru that pain, nararamdaman kong totoong... totoong mahal nya ako. Kaya gusto ko yun... gusto kong nararamdaman nya yun kasi ibig sabihin nun nandun pa din yung nararamdaman nya para sa akin. At gusto ko yung thought na may nararamdaman sya sa akin. Na gusto nya ako. Na mahal nya ako. Hindi ko alam kumg bakit pero gusto ko syang angkinin... thru that masasabi kong akin lang sya.

Shit lang Mika!!!! Anong klaseng pag-iisip yan?

I don't know. Biglang gusto ko syang sarilinin, biglang nagusutuhan ko yung nararamdaman nya para sa akin, biglang nagustuhan ko yung epekto ko sa kanya... I know she's feeding my ego but more of... no.. she isn't. It is not that she's only feeding my ego.. it is more of.. nararamdaman kong special ako... it is as if sa kanya ko lang naramdamang maging ganito kaespesyal... and I like it... I like this feeling.

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon