Ara's POV
Kanina pa ako lilinga linga sa hall papunta sa CR, ang tagal naman ni Mika, Ano bang nangyari sa isang yun? Bakit parang inis na inis sya? Masyado na ba syang maraming nainom kaya ganon na lang yung nasabi nya kanina? Eish!
Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng excuse para puntahan sya, alangang sabihin kong magCCR din ako. Kainis naman! Dapat talaga hindi na lang ako sumama dito e. Nagkalabo labo tuloy.
Halos mabitawan ko ang phone ko ng magvibrate ito sa kamay ko. Shit!
Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Automatic na napangiti ako subalit as much as possible ay pinigilan ko upang hindi sila makahalata. Wala akong balak sagutin ang tawag, alam ko namang missed call lamang ito, at marahil.. alam ko kung bakit sya tumatawag. It is as if tinatawag nya ako papunta sa CR hahahahaha.
"Uhm guys" timing! Nagkaron ako ng excuse. "Excuse lang, sagutin ko lang yung tawag" paalam ko sabay angat ng phone kong umiilaw pa.
Tumango naman sila kaya nagmadali na akong pumunta sa kung saan para kunwari sagutin ang mahiwagang tawag ng Mika ko.
Madaling madali akong pumasok ng CR. Nakita ko si Mika na nakatingin sa vanity mirror, para syang may inaantay or something pero the moment na makita nya ako ay agad syang pumasok sa isa sa mga cubicle. Hindi ko naman sya napigilan dahil may ibang tao din sa CR, mabuti ng safe. Kunwari na lang hindi kami magkakilala.
Lumapit ako sa sink para maghugas kunwari ng kamay habang hinihintay na lumabas yung dalawang babae.
Lumabas ng cubicle si Mika, nginitian ko sya ng mapatingin sya sa reflection ko sa vanity mirror, inirapan lamang nya ako. Napatingin sa akin yung dalawang babae kaya tipid na din akong ngumiiti sa kanila, maybe they're thinking na nababaliw na ako at ngumingiti ako ng mag-isa. Hahahahaha
Maya maya pa ay lumabas na din sila. Sa wakas.
Sumunod ako sa kanila hindi para lumabas ng CR kundi para ilock ang pinto.
"Anong ginagawa mo!" sigaw ni Mika.
"Ssshhh" lalapit ako sa kanya sana ng umatras sya.
"Subukan mo!" banta nito.
Hala! Para namang rerape-in kung makapagbanta. "Shush ka lang kasi" sabi ko.
"Bakit kailangan mo pang ilock?"
"Syempre para makapag-usap tayo" sabi ko.
"Hindi ba tayo makakapag-usap kapag nakabukas?" pamimilosopo nito.
"E malamang po hindi kasi po baka may pumasok" nakangising sabi ko tsaka ako lumapit sa kanya pero hindi pa man ako nakakalapit ng sobra ay naggesture na ito ng stop.
"Hanggang dyan ka lang" inirapan nya ako, binalik nya ang tingin nya sa ginagawa nyang paghuhugas ng kamay.
Ano bang problema ng isang to? Bakit ang sungit nya?
"Buksan mo na yung pinto"
"Hindi nga pwede, pano tayo makakapag-usap"
"Bakit may kailangan ba tayong pag-usapan?" nakataas ang isang kilay na tanong nitong nakatingin sa reflection sa salamin. Shit! Bakit ang plain nya? Ano bang ginawa ko? "May kausap ka na diba?" umirap sya.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
"Mika" lumapit ako sa kanya. This time magkatabi na kami, halos isang dangkal na lamang ang pagitan namin. "Wag ka ng magsel----"
"Wag mo ng ituloy yang sinasabi mo kung gusto mong bumaon sa bunganga mo tong cellphone ko!" sigaw nito.
Shit! Ang dahas nya talaga, but I like it *smirks*
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo