CHAPTER 8

730 34 5
                                    

Mika's POV


"Parang she's nice naman no?" 

Nilingon ko si Jim, out of nowhere bigla nyang nasabi yun. "Who?" tanong ko habang nilalagay ang paa sa loob ng kumot. Nandito na kami sa kwarto at handa na ding matulog, mahaba haba ang naging araw namin ngayon kung kaya't minabuti naming magpahinga ng mas maaga. 

Humiga sa kama si Jim pagkapatay nya ng ilaw, tanging yung lampshade na lang sa bed side table ang nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa. 

"Si Vic" he smiled at me. 

Nabigla ako sa pangalang lumabas mula sa bibig nito, matagal bago nagsink in sa utak ko ang sinabi nya pero nang makabawi ay umunan ako sa braso nya at nagside hug sa kanya. "Pano mo nasabi?" 

Nakatingin lamang ako ng diretso habang sinusuklay suklay ng mga daliri nya ang buhok ko. "I don't know, magaan yung loob ko sa kanya" 

Naplunok ako tsaka ako nag-angat ng tingin sa kanya. "There's something in her na parang mysterious and that makes you somehow curious about her" nakangiting sabi nito. 

Napaisip ako sa pinahayag nya, akala ko ay ako lamang ang nakaramdam sa ganoong side ni Vic subalit sadya palang ganoon ang magiging impresyon sa kanya ng kahit na sino. Iyon, marahil ang dahilan kung bakit noong una kaming nagkita ay may kakaiba akong naramdaman sa kanya... Naramdaman ko na lamang ang pagdiit ng labi sa noo ko dahilan para magbalik ako sa realidad. 

"Wa kang magselos, di kami talo nun" tumawa sya. Ngumiti na lang ako at muling dumiretso ng tingin sa kung saan.

Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi ko mawari ang dahilan kung bakit ibang tao ang nakikita ko sa dilim. Si Vic. Muli akong dumilat at nag-isip ng ibang bagay na hindi related sa kanya subalit bumabalik balik sa utak ko ang mukha nya. Ang halik nya. Ang init ng mga labi nya. Ang init ng pakiramdam na binibigay nya sa akin sa tuwing magdidiit ang labi namin. Hindi ko maintindihan. 

Mali ito, hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong bagay, sobra sobra na akong nagkakasala sa fiancee ko, sya ang kasama ko kung kaya't nararapat lamang na sa kanya ang buong ako, buong atensyon at pagkatao ko. 

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking kasama ko ngayon, sa lalaking mahal ko, sa lalaking papakasalan ko. 

Nakapikit ang kanyang mga mata. Pinagmasdan ko ang bawat features ng mukha nya. Ang mga labing iyon lamang dapat ang ninanais kong halikan sa bawat oras at hindi ang sa iba. Ang init lamang ng pagmamahal nya ang dapat kong naising maramdaman at hindi ang init ng kapusukan at lust mula sa iba. Kay Jim lang dapat at hindi kay Vic o sa kahit kanino pa man. 

Alam ko sa sarili kong confused ako, confuse na confuse sa lahat ng bagay pero simula nung umoo ako sa proposal ni Jim inisip kong umoo ako hindi para burahn lahat ng confusions ko kung hindi dahil mahal ko sya at sya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. 

Magpapakasal ako kay Jim hindi dahil ito ang tama para sa mga mata ng mga magulang ko kung hindi dahil gusto kong magpakasal sa kanya. 

Yun dapat ang dahilan ko. 

At hindi na dapat ako maconfuse ng ganito. 

Kung lust lang to, dapat sa fiancee ko lang ako nakakaramdam ng ganito. Well yes, kung nakaramdam man ako ng lust kay Vic maybe because nagkalayo kami ni Jim ng ilang buwan at pakiramdam ko mag-isa ako. Yun lang yun. 

But now he's here. pupunan na nya lahat ng hinahanap ko. I need him. Maybe after this, mawala na lang ng iniisip ko tungkol kay Vic. 

Hinawakan ko sa pisngi si Jim. "Hmm?" nakapikit pa rin sya. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon