Mika's POV
"Jim! You're here!" nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay si Jim ang bumungad sa akin, alam kong ngayon ang uwi nya pero hindi ko inexpect na ngayon, akala ko mamaya pa. Nang makabawi sa gulat ay agad akong yumakap sa kanya.
"I missed you" bulong nito tsaka ako hinalikan sa noo.
"I missed you too, baby"
Pinapasok ko sya sa loob ng condo ko at pinaghanda ng makakain.
"Hey babe, no need, di naman tayo magtatagal" nagback hug sya sa akin.
"Anong di magtatagal?"
"Aalis tayo" bulong nya sa tenga ko.
Napakunot ang noo ko. "San tayo pupunta?"
"Basta" hinatak nya ako papasok sa kwarto. "Maligo ka na at magbihis, hihintayin kita dito sa sala"
Wait? What? "Jim, san ba tayo pupunta? Hindi ka ba muna magpapahinga?" date agad?
"Basta, mamaya ko na sasabihin" tumatawa pa ito. "Bilisan mo na dyan"
Fine. Ano na naman kayang pakulo ng isang to? Hindi ko pa nga sya nakakamusta, ni hindi ko na alam kung anong oras sya dumating, masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Wait san ba kasi tayo pupunta?" tanong ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis sinakay na nya agad ako sa kotse nya at nagtake out lang kami ng pang breakfast and now bumabyahe na naman kami. Hindi naman sya nagkukwento sa kung anong gagawin namin. Puro lang sya 'basta'
"Basta" ayan, katulad nyan.
"Jim' tinignan ko sya ng masama.
"What?!" tumatawa sya. Hinawakan nya ang kamay ko tsaka ito hinalikan. "Ang cute mo" muli syang tumawa. Kainis!
Winaksi ko ang kamay nya at pinigilang matawa, "Ikaw kasi e, pwede mo namang sabihin kung saan tayo pupunta, ni hindi pa nga kita nakakamusta, di pa tayo nakakapagkwentuhan ng maayos tapos naglilihim ka na agad" inirapan ko sya.
"Hala" muli nya akong pinagtawanan. "Hindi naman ako naglilihim eh, surprise lang kasi sana. pero sige" tumingin sya sa daan. "Tutal makulit ka, sasabihin ko na"
Yun naman pala e, gusto pang natatarayan sya. Pagkahinto ng sasakyan dahil red na ang traffic lights ay tinignan nya ako, huminga sya ng malalim bago magsalita "The truth is, may kasalanan ako sayo"
Napakunot ang noo ko. "Kasalanan?"
Tumango sya at nakafrown. Para naman tong nang-aasar eh -__-
"Ano ba kasi yun?"
"E kasi po" kinuha nya yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "Wag kang magagalit ha? Pero 3 days lang ako pinayagan ng management na umuwi ng Pilipinas"
"What!?"
"Wait wait babe, relax" tumawa sya. "3 days tapos after 2 weeks babalik na din ako dito para sa 2 months vacation, and that means dun tayo magpapakasal"
What?! Masyado naman yatang.... mabilis..
Nawalan ako ng kibo sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung dahil 3 days lang sya or dahil within 2 months ikakasal na ako.. ikakasal na kami?
"H-Hey, wag ka muna masad please" hinawakan nya ako sa pisngi. "Don't worry, kahit wala ako dito tutuparin ko pa rin yung promise kong aayusin na natin yung kasal natin" nagsmile sya.
"How?"
Tumingin sya ng diretso sa daan habang nakangiti ng hindi pa din bumibitaw sa kamay ko. "Dun tayo pupunta" nagsmirk sya sa akin sabay wink.
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomansaAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo