CHAPTER 13

1K 42 11
                                    

Mika's POV 

Ang sarap ng aking tulog, nakayakap sa akin si Vic, ang warm sa mga bisig nya. Ito na yata ang favorite place ko. Napangiti ako ng imulat ko ang aking mga mata ko. 

"Ang lamig no?" tanong nito. 

Umiling ako "Sakto lang dahil sa hug mo" ngumiti ako. 

Para akong kinikilig na ngumiti subalit nawala ang ngiti sa aking mga labi at napalitan ito ng hilakbot sa aking nasilayan. 

Literal na napatulala ako. 

Anong ginagawa nya dito? Wari bang pinapanuod nya kami ni Vic, nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakakatakot. Ngayon ko lamang sya nakita sa ganitong estado, nakakapanghilakbot. Nang matauhan ay agad akong napabangon. 

"Jim!" 

Nanginginig ang kanyang kamao. 

Maging si Vic ay napabangon na rin, nakatakip ang kumot sa aming mga katawan. Shit! Kailangan bang umabot dito? 

"Jim, a-anong g-ginagawa mo dito?" hindi ako makapagsalita ng maayos. 

"Shit! How dare you, Mika" sigaw nito at agad syang lumabas ng kwarto. 

Argh! Ano bang ginawa ko?

 Hindi ko na nilingon pa si Vic sa halip ay dinampot ko na lamang ang aking mga damit. "Jim, wait please, let me explain" pagmamakaawa ko habang sinusuot ang aking mga damit. Lalabas na sana ako ng kwarto ni Vic ng habulin nya ang aking kamay. 

"Mika" tinignan ako nito, nangungusap ang kanyang mga mata, alam kong ayaw nyang iwan ko sya pero hindi maaari.... kailangan kong habulin si Jim. 

"I'm sorry, Vic"  Hindi ko na hinintay pa ang pagtutol nito sa halip ay tumakbo na ako palabas ng bahay at humabol kay Jim. 

Hindi ko kayang mawala ang kaisa isang lalaking minahal ko. Magpapakasal kami. Hindi ako papayag na matapos lamang sa ganito. 

"Jim!" sigaw ko. 

****

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha. Ang sama ng panaginip na iyon. Nanghilakbot ako. Pagkamulat ko ng aking mga mata doon ko lamang napagtanto na nasa same scenario rin pala ako katulad ng sa panaginip ko, nandito ako sa bahay ni Vic, nakahiga dito sa kama nya habang nakaunan sa braso nya at nakayakap sa kanyang bisig. Katulad ng sa panaginip ko, ramdam ko ang init ng kanyang yakap, subalit kaibahan sa panaginip ko, walang Jim na nasa pintuan at nakatingin ng masama sa amin. 

Walang nakakatakot na pangyayari katulad ng sa aking panaginip. 

Gayunpaman, hindi ko maialis sa sarili ko ang takot. Ang kabog sa aking dibdib, oo, malayo ang realidad na ito sa panaginip na iyon subalit hindi malabong mangyari ang bagay na iyon kapag pinagpatuloy ko ito. 

Tahimik akong lumuluha, pinipigilan ang bawat paghikbi upang hindi magising si Vic, bawat tulo ng luha ay pinupunasan ko ng aking kamay. 

Hindi ko gustong magkasala kay Jim subalit hindi ko itatangging gusto ko ang mayroon kami ni Vic. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaligayahan ang napoprovide ng taong ito sa akin subalit pakiramdam ko, kumpleto ako. 

Maybe dahil sa sexual satisfaction na nabibigay nito, aminado ako, iba ang naibibigay nya sa akin sa naibibigay sa akin ni Jim. At mas gusto ko ang kay Vic. Pinakagusto ko ang kay Vic. Hindi ko alam. Nagkaron ako ng thing with butch a couple of months bago magpropose sa akin si Jim pero hindi katulad ng kay Vic. Ibang iba iyon. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon