Ara's POV
"Tss. Ganang gana sa pagpapapogi Vic huh!" Sabi ni Kim tsaka kumagat sa hawak nyang mansanas habang nakatingin sa akin.
Napasmile na lang ako, so pogi ba ako? Hahaha inaayos ko lang naman yung buhok ko anong problema dun?
"Minsan gusto ko ng magtampo sayo"
Napalingon ako sa kanya. "Ha"
"Anong ha? Hagis ko kaya sayo to" turo nya sa mansanas na hawak nya
Natawa na lang ako sa pag-irap nya sa akin. "Ano ba kasing sinasabi mo dyan?" Kinuha ko ang relo at bracelet kong nasa ibabaw ng center table tsaka ako naupo sa sofa para magsuot ng sapatos.
"Anong sinasabi ko?" Naglean sya sa bar counter tsaka sya naupo sa bar stool habang nakatingin sa akin. "Hindi ka na namin nakakasama ha? Feeling ko umiiwas ka samin. Tapos ngayon aalis ka na naman. San ka ba kasi pupunta? Nung nakaraan ka pa ganyan huh?" May halong pag-iimbot sa tinig nito.
Hindi ko makuhang tumingin sa kanya pero hindi ko naman mapigilang matawa, nakakaasar yung mukha nya kapag ganyan sya as if totoong nagtatampo sya hahahaha.
"Sino bang kadate mo? Bat di mo man lang nakukwento samin? Sakin!" Turo nya sa sarili nya. "Ilang linggo ka ng ganyan! Tsaka sa pagkakatanda ko, never ka pang naging ganyan sa mga dati mong nakakadate! Inlove lang Vic? Inlove lang?!" Nakaataas ang kilay na sabi nito.
Wala, tawa na lang ang naireply ko sa sinabi nya.
"Gago ka huh! Tawa lang talaga?! Vic ano! Sino nga!!!"
Napailing iling na lang ako, may conviction yung way nya ng pagtatanong, as if may mapapala sya sa akin.
"Sino ba kasi yang babaeng yan?!"
"Sino ba kasing nagsabing babae!"
"Shit! Lalake na?!" Seryosong tanong nito.
"Gago! Bobo!!! Leche! Anong lalake!!!" Sigaw ko. Lakas makabwisit e hahahahaha
"Malay ko ba di mo kasi linawin e"
Inirapan ko na lamang sya saktong nagbeep ang phone ko kaya agad kong chineck baka si Mika na yung nagtext.
Napailing na lang ako ng makitang si Lucy ang nagtext. Bat ba ayaw nya pang tumigil? Hindi ko na nga sya pinapansin aish.
"Bat ganyan mukha mo?" Tanong nito.
Umiling ako at napabuntong hininga pagkalapag ng phone sa center table.
"Di na tuloy date mo?" Ngingisi ngising sabi nito. "So tuloy na tayo sa bar?" Tumayo na sya at nishoot sa basurahan yung natira sa mansanas at maghugas ng kamay.
"Sino nagsabi?" Putol ko sa kanya. "Tsaka sino ba nagsabing date yung pupuntahan ko?" Tumawa na lang ako sabay kamot sa noo ko. "It's Lucy" I said.
"Si Lucy yung bartender?"
Tumango ako.
"So sya ba yung bago mong---"
"Of course not" kunot noong sagot ko tsaka ako tumawa. What the hell!
"So kung hindi sya sino?"
Nagkibit balikat na lang ako.
"Dont tell me si Cass ulit?"
Tinignan ko sya tsaka ako napakunot noo. "Anong Cass?"
"Nah, naisip ko lang. Lately lagi nya kaming tinatanong tungkol sa sched mo at kung busy ka daw ba, so I assumed na nagkabalikan kayo"
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo