Mika's POV
Nagising na lamang akong nakaunan sa bisig ni Vic. Pagmulat ko ng aking mga mata, doon ko lamang napagtantong nakayakap na rin pala ako sa kanya.
Don't cuddle.
Alam ko, yun ang rule sa one night stand pero bakit ako nakayakap sa kanya ngayon? Ipinikit ko ang aking mga mata at maya maya pa ay marahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakapulupot nito sa tyan nya. Ngunit naging dahilan ito upang magising sya.
Kaya tuluyan ko ng inalis ang kamay ko at humiga ng maayos sa unan bago pa nya makitang nakayakap ako sa kanya.
Sabi ni Cienne just give it a try, ngayong tapos na, ngayong ok na, ngayong tapos na yung 'lust' stage na yun, dapat tapos na din, dapat wala na din akong nararamdamang kung ano para kay Vic.
"Good morning" nakangiting bati nito sa akin.
Nilingon ko sya ng mabilis tsaka ako ngumiti pero agad din akong nagbawi ng tingin, nahihiya? Awkward? After ng nangyari kagabi, ngayon mas lalo kong nararamdaman yung awkwardness kasi hindi ko alam kung paano magsisimula ulit.
"Gutom ka na?" tanong nito.
Ngumiti ako. "Slight" sabi ko. Bat ganon? Ganyan ba sya sa lahat ng nakakaone night stand nya? As if walang nangyari? As if walang awkwardness? Kung ganon, ang galing nya.
Bumangon sya at ngumiti sa akin. "Wait magluluto lang ako" mabilis syang kumuha ng sando sa closet nya tsaka ito sinuot.
"Hey" napabangon na din ako. Nakakahiya. "Wag na. Uuwi na lang ako" sabi ko. Bumangon na ako at kinuha ang damit kong nasa sahig.
"No, I insist" ngumiti ulit sya. Muli ay kumuha sya ng damit sa closet, tshirt at isang shorts. "Ito muna suot mo" mabilis nya itong iniabot sa akin tsaka sya lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
I like it. Shit. I like it. Her style tho, I like it.
Napaupo na lang ako sa kama.
Tangina, ano ba tong ginagawa ko? Dapat wala na e. Mas ok sana kung tama na, kung tapos na, kung after nung nangyari ay uuwi na lang ako pero bakit hinahayaan ko lang sya. Bakit gusto ko yung ginagawa nya? Bat parang mas lalo akong naattract sa---- no Mika, wag mong isipin yan.
Naihilamos ko na lamang ang kamay ko sa aking mukha.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, bahala na, maybe, kahit ngayon lang, magpatangay na lang ulit ako sa agos ni Vic kasi honestly, hindi ko na alam kung pano ko pipigilan ang sarili ko. The more pinipigilan, the more nagpupumiglas.
After kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto.
Nilibot ko ng tingin ang buong kabahayan ni Vic, dahil sa kagabi, hindi ko na halos nasipat ang ibang detalye ng bahay. Given na photographer sya kaya maraming portraits ng nature sa buong bahay, sa kwarto and dito sa sala and I think lahat yan shots nya. Pano ko nasabi? Katulad kasi ni Vic, yung mga shots nya, sobrang interesting, surface lang yung alam mo, dapat enough na yun pero gusto mo pang malaman yung deepest side. Yung gusto mo pang malaman kung bakit yun yung shot, kung bakit yung subject na yun ang ginamit, everything... anything na gusto mong malaman. Ganon kasi si Vic. Ganon yung personality nya.
Hindi ka makukuntento sa surface. You want to go deep. Deeper and deeper.
Sa isang sulok ng sala ay may napansin akong maliit na shelf.
"Hi" bati nito sa akin. Napalingon ako sa kanya. "Upo ka muna, wait lang po mabilis lang to" naaligaga pang sabi nito habang naghahanda ng almusal.

BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo