Ara's
Pick up your phone!!!!
Hindi ko na magawa pang pakalmahin ang sarili ko, naiinis na talaga ako! Bat hindi man lang nya makuhang magreply sa mga text ko sa kanya? Ni hindi man lang makuhang sagutin ang mga tawag ko or should I say, bakit cannot be reach sya? Nasan naman kaya ang isang iyon!
Halo halo na ang nasa utak ko but mas nangingibabaw yung pag-aalala ko.
Hindi naman kasi usual na hindi sya nagtetext ng ganitong oras not unless magkasama sila ni Jim or she's with her friends pero imposible, wala naman syang sinabing may lakad sya, besides alam ko nasa work lang sya.
And nagpromise sya e, nagpromise syang akin yung araw na to. Pero nasan sya?
I texted her kanina pang after lunch, I've waited for her replies pero lumipas ang ilang oras wala pa ding reply. I tried texting her ulit after 3 hours baka busy lang sya kanina and I reminded her tungkol sa date namin pero wala pa ding reply. Hindi naman ganong tao si Mika na bigla bigla na lang hindi magtetext, maybe yes hindi sya nagpapaalam sa akin kapag maliligo sya, minsan nakakatulog sya habang magkatext kami, kapag nagiging busy sya di sya magsasabing magiging busy sya pero alam ko naman ang oras ng ligo nya, kung nakatulog lang sya kaya wala syang text sa akin, kapag busy sya sa work. Pero iba kasi yung ngayon e, di ko alam ah basta nag-aalala ako... pero naiinis din at the same time... well naiinis sa thought na nagpromise syang babawi sya pero bakit wala sya... hay!
Sinubukan ko syang tawagan ng ilang beses pero can't be reached talaga.
Kaya ito ako ngayon, nagbabaka sakali pa ding sasagot sya tawag ko habang nagmamaneho. Para mawala na din itong pag-aalala ko, minabuti kong puntahan na lang sya tutal mamaya naman aalis na din kami, aagahan ko na lang ang sundo sa kanya.
Wala pa yatang bente minutos kong tinahak ang kahabaan ng QC mabuti na lamang at hindi ganoon kahaba ang traffic kaya nakarating ako agad.
Nag-abang ako ng ilang sandali dito sa labas ng building nila waiting for her. Sa usual spot ko. Alam ko din naman kasing hanggang dito lang ako pwede. Ok ng malayo, basta safe mula sa posibleng intriga once may makakita sa amin ni Mika. Halos paout na di naman sya kaya aabangan ko na lang. Pero may kung anong iritableng pakiramdam sa akin na hindi ako mapakali. As in. Sinubukan ko ulit syang itext pero hindi sya nagrereply. Tinawagan ko pero wala talaga.
Kaya kahit alam kong hindi naman ok tong gagawin ko ay gagawin ko pa rin.
Nagtungo ako sa front desk at pinaaddress si Mika. Bahala na kung magalit sya pinasabi ko na lang na nasa labas na ng building yung kameeting nya. Yung photographer kuno. Tignan lang natin kung hindi pa sya lumabas.
Bumalik ako sa spot ko, gets naman na ni Mika kung sino yun. Nakahalukipkip lamang akong nag aantay sa kanya dito. Dito sa kung saan if ever makita man kaming magkasama ay hindi agaw pansin sa mga tao.
Naghintay ako ng halos 10 minuto bago ko nasilayan si Mika.
Thanks God, nawala ang pag-aalala ko. Atleast she's fine. Literal na napahinga na ako ng maluwag.
But that doesnt mean ok na ako. Nung nakita ko sya oo may sigh of relief pero somehow naiinis pa rin ako... no.. actually mas nainis ako... nainis ako sa thought na bakit parang ok sya. I mean, hindi ba nya alam na may nag-aalala sa kanya? Like the hell, nakukuha pa nyang ngumiti.
"Vic... ang aga mo yata?" Yan ang bungad nya sa akin after nyang magbeso.
Ang aga? Ayos diba. Sana kung di mo ako pinag-alala wala ako dito.
"Mika, just so you know hindi ka nagrereply sa messages ko ni tawag ko di mo sinasagot" naiinis kong sabi pero pinanatili ko pa din ang pagiging kalmado as much as I can.
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo