CHAPTER 12

955 38 12
                                    

Mika's POV 

Shit! Hindi ako mapakali. 

Ano ba naman yung ihatid man lang ako dito sa condo diba?! Tutal naman for sure umuwi din sya, sana man lang hinintay ako. Argh! Kung ano kung ikinasweet nya kaninang umaga at kahapon sya namang ikinalamig at rude nya kanina. Hindi ko naman sya makausap ng maayos, ayokong ibrought up yung topic na ako mismo yung nagtapos. 

Gusto ko syang puntahan sa unit nya, gusto ko syang kausapin, pero hindi ko alama ng sasabihin ko at alam kong wala sya dun, nadinig ko kaninang aalis sya.

Sa sobrang aburido kong hindi mapakali tinawagan ko na lang si Cienne. Nakailang ring muna bago ito sumagot, sigurado akong busy na naman sya. 

"Hello" 

"San ka? Puntahan mo ko dito sa bahay or magkita tayo" sabi ko. 

"O ano na naman problema mo?" 

"Basta" ang daming tanong. "Punta ka na" 

"Hindi ako pwede Miks" 

"Nasan ka?" tanong ko tsaka ko kinuha yung gamit ko at nag-ayos. "Pupuntahan na lang kita" 

"Sure ka? Nasa bar ako" 

Tinigil ko ang ginagawa ko, ang lame. Wag na lang. 

"Sige na wag na" 

Kainis tong bruhang to, kung kailangan kailangan kailangan tsaka naman nagbar. Landi over friendship talaga e -___-

"Sorry Mika, may usapan kasi kami ni Kim e" ibaba ko na sana ang phone pero natigilan ako dahil sa sinabi nito. "Matagal na kasi nyang naset eh" 

Wait? Kim yung nadinig ko diba? 

Yung friend ni Vic? 

"Kim? As in yung sinasabi mo dati o bagong Kim?" 

"AY grabe ka naman sakin friend, ano? Iba ibang---" 

"Kaya nga nagtatanong e" 

"Hala, bat ang sungit mo" 

"So yun nga?" tanong ko. Ang dami kasing kuda e. Pero kung hindi ako nagkakamali... yung kaibigan nya na yun yung kasama ni Vic ngayon diba? "Diba yan yung friend ni Vic?" 

"Yung Vic mo?" 

"Fuck you" Vic mo! Sampalin ko kaya sya? Hahahahaha

"Ay ang hard friend" nadinig ko ang mahinang tawa nito. "Wait... Vic? Aaahhh yung humalik sayo?" 

"Oh basta yun!" yun na lang ang sabi ko. 

"Oo yata? Why?" 

"Nandyan ba sya?" pasimpleng tanong ko. 

"Uhm.. dalawa lang kami ni Kim dito pero kanina pa kami may hinihintay, may kasama pa nga kaming isang babae, sabi ni Kimmy irereto daw nya kay Vic" 

What!???!!! Parang nag-init ang dugo ko sa sinabi nito. 

" Ay ... Wait wait ito na yata sya" pansamantalang natigilan si Cienne, para syang may kinakausap kung kaya't hindi ako nagsasalita hanggang sa may madinig akong pamilyar na boses. Yun. Hindi ako pwedeng magkamali, si Vic yun. 

"Hello? Miks, dyan ka pa? Nandito nga sya" this time parang pabulong na ang boses ni Cienne. "Sige na, text mo na lang ako, Nagyayaya na sila" 

"Wait!" pigil ko kay Cienne. 

"Bakit?" 

"Pwede ba akong sumama dyan?" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, hindi ko alam kung bakit naisip ko ang bagay na yun. I don't know... all I know is that.. mababaliw na ako dito sa bahay mag-isa... no... gusto kong makita si Vic. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon