CHAPTER 9

937 37 7
                                    

Mika's POV 

Hindi ko alam kung anong irereact sa sinabi nito. Bakit sya ganon? 

"Anong sabi mo?" 

Tinignan nya ako tsaka sya tumawa at umiling. "Sabi kasi nung fiancee mo, ako na daw bahala sayo" 

What? Sinabi ni Jim yun? 

"Seryoso ka?" 

Tumango sya at binalik na ang tingin sa pagmamaneho. 

Ayokong bigyan ng kahulugan kung ano mang sinabi nya, Mika tama na. Okay ng ganito na lang. Casual. 

Hindi na ako umimik pa after nun. Tinatahak na rin namin ang daan papuntang nlex nang magpatugtog si Vic. 

 Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan nang
iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip  

Alam ko yung kanta pero hindi ko hilig pakinggan ang ganyang genre ng kanta, actually minsan nga hindi ko talaga pinapakinggan kahit nadidinig ko na. Pero iba ngayon. Hindi ko maiwasang hindi pansinin at sabayan sa utak ko ang kanta dahil nadidinig ko ang humming ni Vic. 

I don't know, hum lang pero parang yun na mismo ang kumakanta sa utak ko. 

At nang dumating ang chorus ay hindi na nya napigilang kumanta.  "Wag kang mag-alala, di ko ipipilita sayo. Kahit na lilipad, ang isip ko'y torete sayo" 

Mahina lamang nya itong sinasabayan pero tila bang mas naririnig ko pa ang tinig nya kaysa sa mismong tumutugtog sa player. 

Gusto ko syang lingunin pero hindi ko pwedeng gawin, gusto kong tignan kung pano sya kumanta pero ang awkward. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious and for the first time naintindihan ko yung lyrics ng kanta. 

 "Ilang gabi pa nga lang nang tayo'y pinagtagpo. Na parang may tumulak nanlalamig nanginginig na ako. Akala ko nung una, may bukas ang ganito. Mabuti pang umiwas, pero salamat na rin at nagtapo" 

Hindi ko na namamalayang kinakanta ko na sa utak ko yung song, sumasabay na ako kay Vic, naghuhum na ako ng sobrang hina enough lang para ako ang makadinig. 

Ang weird. 

After ng song na yun ay pinakalma ko na muna ang sarili ko, akala ko pa naman kanina ay ok na ako. Ok na ang presence ni Vic sakin na parang normal na lang pero hindi pa din pala. Meron pa din syang certain effect sakin na hindi ko maipaliwanag. Parang everything na gagawin nya or sasabihin tatak sa utak ko ng sobrang sobra. 

It's weird. I know. 

"Naaawkward ka pa din ba?" 

Medyo nagulat ako sa biglaang pagsasalita nito pero mabilis rin naman akong nakabawi. Tinignan ko sya. "Ha?" 

Nginitian nya ako. "Sabi ko awkward ba?" 

"Alin?" maang maangan award goes to Mika. 

"Ito" nakafocus sa daang tugon nito. "Na kasama mo ko" 

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya lahat ng totoo, lalo kung may kinalaman ito sa nararamdaman ko. "Hindi naman, Why?" 

Tumawa sya ng mahina. "Wala naman" maya maya pa ay natahimik na naman kaming parehas subalit nang makalipas ang ilang minuto ay muli syang nagsalita "Tulog ka muna kung gusto mo" 

Ngumiti ako sabay iling "Di naman ako nakakatulog pagbyahe" 

"Nabobored ka ba?" 

"Di naman" awkward lang talaga. "Sakto lang" dagdag ko. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon