Ara's POV
"Since then, girls na ba talaga yung gusto mo?"
"Sinubukan ko naman pareho, pero I preferred girls talaga"
"Kelan mo ba nalaman na ganyan ka?"
"Uhm? Bata palang ako, pero nung nag-out ako, siguro 4th year high school, pero 2nd year ako nung first ako magkaron ng girlfriend"
"When was the first time you tasted a girl?"
"Hahahhahaha first as in, kiss? or as in taste?"
"Kiss muna hahahahahaha follow up question na lang yung taste as in taste"
"You're cute. Hmm? 17 years old ako"
"So mas bata pala ako nung first ko"
"Talaga? Hahahahha ilang taon ka?"
"16"
"Nice hahahahaha identity crisis?"
She shrugged. "Maybe, I don't know" she sighed. "I had relationships with girls after that kiss, isa sa friend ko nung 4th year high school, which we pretended na best friends lang pero nalaman ni Mommy, second is nung college ako, nalaman din ni Mommy. Tapos nagkaron ako ng kafling na butch before. Muntik malaman ni mommy, di ko na tinuloy kasi nalaman din ni Jim pero he thought lalaki"
"So hindi pala ako ang una"
"What do you mean?"
"Di pala ako yung una mong nakafling during your relationship with Jim"
"You are"
"Pano mo nasabi e nagkaron ka nga ng----"
"It's just a one night stand, plain as in. Gulong gulo lang ako nun kaya nangyari yun. Iba yung sayo"
"Iba yung sa akin? Panong iba yung sakin?"
"Bawal magtanong ng questions about us diba?"
"Pero hindi naman yun tungkol sa---"
"Sshhh"
**Silence**
"Alam mo bang sabi nila, once a bi always a bi"
She nodded yes.
"Hindi mo ba naiisip minsan na baka----"
"Madaming beses Vic hahahaha pero hindi naman pwede, ewan. Hindi ko talaga alam. Ayokong maguluhan"
"Bakit hindi pwede?"
"Hindi papayag sina Mommy and besides, na kay Jim na lahat"
"Na kay Jim na lahat pero bakit nandito ka? Kasama ako?"
Tinignan lang nya ako. Tsaka sya umiling.
"Na kay Jim lahat ng qualities na gusto ng isang babaeng makasama habang buhay"
"Pero ikaw, yun ba yung qualities na gusto mong makasama habang buhay? Si Jim ba yung gusto mong makasama habang buhay?"
Hindi sya sumagot sa halip ay yumuko na lamang sya. Ayoko syang guluhin, God knows pinipigilan kong maramdaman to pero sa bawat araw na nakakasama ko sya, kahit ano yatang pigil ko sa nararamdaman ko hindi ko na talaga mapigilan. Ngayon na nagkakaron ako ng pag-asa, bibitaw ba ako? But I do know.. I know my limitations.
"That's too personal Vic, bawal magtanong diba?"
Hinayaan ko na lang sya. Naeenjoy namin ang moment, ayoko namang sirain yun dahil lang sa mga tanong kong hindi pa kayang sagutin ni Mika.
BINABASA MO ANG
DOWN BY LOVE
RomanceAkala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo