10: Over my dead body

302 6 0
                                    

Shayne's POV

Hay nako. Monday nanaman. Habang tumatagal, parang tinatamad nakong pumasok. Nakakasawa ding magtrabaho kay Markus. Hindi na basta basta trabho yung ibang pinapagawa nya. Pero para sa anak ko, gagawin ko lahat.

"So anong oras ka uuwi mamaya?" Tanong ni Clud.

Maaga syang gumising ngayon para ihatid kami ni Ethan. Papunta na kami ngayon sa kompanya ni Markus.

"Around 7 pm siguro. Dederetso na ako sa apartment ko----"

"Wait, apartment mo? Shayne, dun nalang kayo ni Ethan sa penthouse ko. Mas mababantayan ko kayo. Tsaka isa pa, wala kang kasama dun sa apartment mo. Mas mabuta ng doon na kayo sa penthouse ko." Naka-ngiti nitong sabi.

Umiling ako.

"Baka anong isipin ng ibang tao. Tsaka nakakahiya na sayo." Sagot ko.

Marami na syang natulong samin. Sobra sobra na nga yung pagbabantay nya kay Ethan.

"Wala akong paki sa sasabihin ng ibang tao. And besides, sinabi ko naman sayo na gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang."

Huminga ako ng malalim.

"Clud....."

"Ililipat ko na yung gamit nyo after kong sunduin si Ethan mamaya. At hindi ka pwedeng tumanggi." Demanda nya.

Mabait na tao si Clud pero sobra sobra na talaga ito. Kung ako sakanya naghahanap nalang sya ng ibang babae.

"Susunduin pa ba kita?"

Andito na pala kami. Nasa tapat na kami ng building. Natanaw ko yung kotse ni Markus. Andito na sya. Nakakapag-taka dahil ang aga nya. Minsan ako nauuna.

"Uhm, huwag na. Uuwi din naman ako agad." Sagot ko.

"Bye." Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ingat ka."

Bumaba na ako sa kotse. Dere deretso lang ako sa paglalakad papunta sa opisina ko.

"Mukhang hindi good mood si Sir Markus.."

"Oo nga e, kanina pa sya nagwawala sa loob ng opisina nya. "

"Bakit nanaman kaya sya nabad trip?"

"Ewan ko dun. Mainitin ang ulo."

Narinig ko yung pinagbubulungan ng ibang employees. Bad mood si Markus? Bakit kaya?

Naupo na ako sa swivel chair ko. Kinuha ko yung mga documents na hindi ko pa tapos-----

"S-Shayne pinapatawag ka ni S-Sir Markus." Nauutal na sabi nung Assistant nya.

Hay nako, ano nanaman kaya 'tong kelangan ni Markus?! And aga aga. Panigurado akong wala naman syang matinong i-uutos sakin.

"Sabihin mo, busy ako. Bahala sya sa buhay nya." Inis kong sabi.

Wala din syang nagawa, umalis na sya sa harapan ko. Binuksan ko na yung file at nag-umpisang mag-type. Kelangan ko itong matapos-----

"Where is she?! I thought I told you to bring her inside my office?!"

"S-Sir...busy daw po sya----"

"Fine. I'll just go and get her myself. You're fire! Get out of here."

Ang ingay ni Markus. Ang sasama nya sa employees nya porke sya yung may ari----

"I thought I told you to go to my office?!" Galit nitong sabi.

"May ginagawa po ako Sir. Bakit, ano bang kailangan mo? Ang aga aga." Pag-rereklamo ko.

"Fine. Dito ko nalang sasabihin. "

Binato nya sakin yung isang envelop.

"Ano 'to?" Pagtataka ko.

"Read it." Kalmado nyang sabi.

Hay nako. Nag-uumpisa nanamn sya-----

Napa-nganga ako sa nabasa ko. Hindi pwede ito. P-Paano...Paano nya nalaman?! I-Imposible....

Tumayo ako at gulat na hinarap sya.

"Kelan mo balak sabihin yan?" Tanong nya.

Biglang namuo yung luha ko. Ito na yung ikinatatakot ko.

"M-Markus---"

"Really Shayne? Really?! Bakit mo tinago sakin yan?!" Medyo tumaas na yung tono ng boses nya. Nagsisitinginan na din yung ibang employees samin.

"Bakit ka nagagalit Markus? Nagalit ba ako noong iniwan mo ako?" Kalmado kong sabi.

"What?! Ikaw yung nangiwan! Pag-gising ko, wala ka na. Ang sabi ng mom ko, maaga kang umalis ng bahay. Sinubukan ka nyang pigilan pero umalis ka pa din-----" Pinigilan ko sya.

"Talaga? Nakakatuwa naman dahil ginising ako ng mommy mo nun para sabihiin umalis. Ang dabi nya, niloloko mo lang ako. Pinag-laruan mo lang ako Markus." Sabi ko.

Natahimik kaming dalawa. Naiintindihan ko na, sinet-up kami ng mom nya. Tanggap kong hindi nya talaga ako gusto.

"Tapos nalaman kong buntis ako. Kinaya ko Markus....ginawa ko yung lahat para palakahin nya. Ang sakit lang dahil hinahanap nya yung daddy nya. Hinahanap nya yung daddy nyang walang kwenta!"

Kinuha ko yung envelop at binato pabalik sakanya.

"Alam ko na yung iniisip mo ngayon. Hinding hindi ako papaya na ilayo mo sakin si Ethan. Ang galing mo naman. Pagkatapos kong palakihin atalagaan, kukunin mo lang sakin. Over my dead body Markus. Magkakapatayan muna tayo." Kinuha ko yung tumblr at binuhos sakanya yung coffee sa loob.

"Hindi mo kilala kung sino yung binabangga mo Shayne. I get everything that I want. I'm warning you, huwag mo akong subukan." Babala nito sakin.

"Bullshit."Inis kong sabi sa pag-mumukha nya.

Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na.

~*~

Try reading my new story: Loved by Zachary Gavin Sanchez. Complete na yan. Thankss J

˒9gD

LUST (Seduction Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon