16: A day with him

272 5 3
                                    


Shayne's POV

Naiinis ako kay Markus. Umaga na at naka-kulong pa din ako dito sa kwarto nya. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Tsaka si Ethan, nasan na kaya sya? Gising na ba sya? May pasok sya ngayon.

Kanina pa ako naka-bihis ng office attire. Hindi pa ako nag-bebreakfast. Sana nakapag-breakfast na si Ethan.

*Eeeccckk*

Napatayo ako sa kama. Bumukas ang pinto at bumungad sakin si Markus.

"Let's go. Malalate na tayo."

Napa-kunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Saan tayo pupunta?" Pagtataka ko.

"to buy you a wedding gown and my tuxedo."

Naalala ko, tuloy na tuloy pa din yung kasal. Wala na talaga akong magagawa. Kailangan kong gawin ito. Ayokong malayo sakin si Ethan. Lahat naman ng nanay ayaw na mawalay sa anak nila.

"Pero may trabaho ngayon. Kailangan kong pumasok." Pag-rereklamo ko.

"Bullshit Shayne. Nagawa mong mag-laan ng oras kagabi para lang makasama si Clud pagkatapos hindi mo man lang magawa sakin yun?! Hindi ka ba pwedeng mag-laan ng oras para sa kasal natin? O baka naman naka-limutan mong ikakasal tayo?" Inis nyang sabi.

Napa-hinga ako ng malalim. Kinuha ko yung bag ko. Bumaba nalang ako papunta sa kotse nya. Ayoko ng mag-salita at baka anong masabi ko.

This isn't fair.

Pag-bubuksan nya n asana ako ng pinto ako inunahan ko sya. Agad ko itong binuksan at padabog na pumasok.

Mukhang nainis sya sa ginawa ko. Well dapat lang. Naiinis na talaga ako sakanya.

Pumasok na sya sa loob at nag-umpisang mag-maneho. Mabilis kmaing naka-dating sa boutique na sinasabi nya. Napaka-laking store nito. Halatang mamahalin yung mga binebenta nilang gown at tuxedo.

Tulad ng ginawa ko kanina, inunahan ko syang buksan yung pinto.

"Let's go." Tangi nyang sabi.

Sabay kaming pumasok sa boutique. Nakakapag-taka dahil walang ibang costumers sa loob bukod saming dalawa.

"Good morning Mr. Smith. Tamang tama, kakasarado lang po naming nung shop para sainyo." Sabi nung babae. Mukhang saleslady sya dito.

"Good. I'll just pay you after we're done shopping." Sagot ni Markus.

So pinasarado nya itong buong shop para lang sa pamimili naming?! Kahit kelan talaga, napaka-aksayado nya sa pera. Ganyan naman lahat ng mayayaman. Gastos dito, gastos doon.

Inassist kami nung saleslady papunta sa loob kung saan naroroon yung iba't ibang wedding gowns at tuxedo.

"Eto po bago at pinaka-magagandang wedding gowns naming. Galing po ito sa Europe at sa France. These gowns are made by a famous designers. " Sabi nung isang saleslady.

May sampung wedding gowns na naka-display sa harap naming. Iba't iba yung design. Halos nagkikinangan ang mga ito dahil sa mga baton a design.

Lumapit sakin si Markus.

"Go. Pick the gown you want." Tipid nyang sabi.

"P-Pero----" Naputol yung sasabihin ko ng mag-salita uli sya.

"Kahit ngayong araw lang, huwag muna tayong mag-away. Kailangan nating matapos ito para wala na tayong iintindihin." Sabi nya.

Tumango nalang ako. Nilapag ko yung bag ko sa couch. Lumapit ako sa gowns at isa isang tinignan.

LUST (Seduction Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon