Shayne's POV
Kinakabahan ako. Naka-tayo ako ngayon sa tapat ng opisina ni Markus. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Nagka-usap na kami ni Clud tungkol dito. Kahit gusto nyang tumulong, ayokong madamay sya dito. Kaya kong ayusin ito.
*Knock Knock*
Huminga ako ng malalim.
"Come in."
Pinihit ko yung door knob. Nakita ko syang naka-upo sa sofa at umiinom ng coffee.
"I hope you're here to decide." Bungad nya sakin.
Huminto ako sa tapat nya.
"A-Asan si Ethan? Bakit hindi mo sya kasama? Sinabi ko naman na papakasalan kita kahapon----" Naputol yung sasabihin ko ng bigla syang sumabat.
"You don't get it. I said, you have to marry me FIRST. Bakit, kasal na ba tayo?"
I rolled my eyes. Sumosobra na sya.
"Fine. Magpakasal na tayo agad." Inis kong sabi.
Sa halip na sagutin ako, tumayo ito at pumunta sa desk nya. May kinuha syang box sa drawer. Pagkatapos, bumalik uli ito sa sofa.
"Sit here." Utos nya. Tinap nya yung space sa tabi nya.
Sinunod ko naman sya.Umupo ako sa tabi nya.
"T-teka---"
Nagulat ako ng bigla nyang hilain yung kamay ko. May isinuot syang singsing sa ring finger ko.
"Wear it. Simula ngayon, engage na tayo. Ako nang bahala mag-plano ng wedding. Pwede ka ng bumalik sa table mo."
"Markus, pwedeng mag-favor?" Tanong ko sakanya.
Alam kong may nararamdaman pa sya sakin. Hindi nya gagawin ang lahat ng ito. Kilala ko sya. What Markus wants, Markus gets.
"What is it?" Pagtataka nya.
"Ibalik mo na sakin si Ethan. Please, habang hindi pa tayo kinakasal doon muna sya sa apartment ko. Hindi ko sya itatakas, *tinaas ko yung kamay ko kung saan nya isinuot yung singsing* eto nga oh, ikaw na rin nag-sabi engage na tayo. Wala na akong takas sayo." Sabi ko.
Tumawa sya ng malakas. Napaka-kunot naman yung noo ko.
"Nakakatwa ka. Gagawa at gagawa ka talaga ng paraan. Fine. Pumapayag ako. " Nakangiti nyang sabi.
"T-Talaga?! Thank you Markus!"
Niyakap ko sya ng mahigpit sa sobrang tuwa----
"S-Sorry. Hindi ko dapat ginawa yun." Naka-yuko kong sabi.
"It's okay. Besides, I'm going to be your husband." Seryoso nyang sabi.
"Uhm, lalabas na ako. Kelangan ko pang magtrabaho." Sagot ko.
"Okay. By the way, sabay tayong mag-lunch. Pupuntahan nalang kita sa office mo."
Tumango nalang ako bilang sagot. Tumayo na ako at lumabas sa opisina nya. Nag-beep yung phone ko. Binasa ko kung sino yung nag-text.
From: Ms. Jemimah
Ms Lustria, Reminders lang po, may balance pa din po si Ethan ng 20,000 pesos para tuition fee nya. Kailangan nyo na pong magbayad hanggang bukas or else hindi nap o namin papapapasukin si Ethan.
Nanlaki yung mata ko. Hindi ko papala nabayada yung tuition fee ni Ethan! Bakit napaka-wrong timing?! Next month pa yung sahod ko! At hindi kasya yung natitira kong pera.
Saan ako kukuha ng 20,000?!
Bigla akong napatingin sa singsing.
Magtantan ka Shayne! Mali yang iniisp mo! Magagalit si Markus.
Pumunta na ako sa table ko. Kuniha ko yung bag ko. Pupunta ako sa school ni Ethan, papaki-usapan ko muna si Ms Jemimah.
Markus' POV
It's already 12:00 pm.
"Sir, gusto nyo po bang bilhan ko kayo ng lunch?" Tanong ng secretary ko habang nag-lalakd kami.
Papunta na kami sa opisina ni Shayne. I told her that we will have lunch together.
"No thanks, kakain kami ni Ms Lustria sa labas." Sagot ko.
"Si Ms Lustria? Pero Sir, kanina pa pos yang umaga umalis."
Napa-kunot yung noo ko.
"What?!" Gulat kong sai.
Binuksan ko yung opisina ni Shayne. She's right, wala nga sya doon. Wala yung bag nya. Mga ka-trabaho nya lang and naroroon.
"Where did she go?" Tanong ko.
"Hindi ko po alam Sir. Ang sabi nya lang po emergency. Mukhang problemadong problemado nga sya noong paalis sya."
Where the fuck did she go?!
"Call her. Tell her I need her in my office. NOW."
Inabot ko yung phone ko sakanya. Napahawak naman ako sa sentido ko.
Saan kaya sya mag-pupunta ng ganong kaaga?!
"Sir, naka-off po yung phone nya."
*Bogosh*
Sinipa ko yung trashcan sa sobrang galit.
~*~
BINABASA MO ANG
LUST (Seduction Series #1)
Romansa!! U N D E R R E V I S I O N !!!! ****** WARNING: SPG