Shayne's POV
Lumabas na ako ng kwarto namin ni Markus. Wala sya loob. Umaga na. Hindi ba sya umuwi?
Nakita ko si Ethan na naka-upo sa sulok doon sa living room. Naka face rhe wall sya. Agad ko syang nilapitan.
"Anak? Anong ginagawa mo?" Pagtataka ko.
Nagulat ako ng makita kong namamaga yung mata nya sa kaiiyak.
"Bakit ka naiyak?! Sinong nagpaiyak sayo?!" Pagaalala ko.
"M-mommy....*huk* ....galit po sayo si daddy. Iniisip nya pong hindi sakanya yung dinadala mong baby."
Napakunot yung noo ko sa sinabi nya. Bakit sinabi ni Markus yon?!
"Asan yung daddy mo?!" Tanong ko.
"Asa office nya po."
"Pumunta ka muna sa kwarto mo anak. Maguusap lang kami ni daddy." Mahinahon kong sabi.
Pumunta ako sa office ni Markus. Bukas ang pinto. Madaming kalat sa buong opisina nya. Parang may bagyong dumaan.
"What are you doing here?" Nakaupo sya sa sofa at pinaglalaruan yung hawak nyang shot glass na may lamang alak.
"Ano nanaman ba ito Markus? Ano yung sinasabi ni Ethan?!" Galit kong sabi.
"Bakit? Totoo naman diba? Anak nyo ni Clud yang dinadala mo!?" Tumayo na sya at lumapit sakin.
"Anong pinagsasasabi mo?!" Hindi ko sya maintindihan kung bakit sya nagkakaganyan.
Hinawakan nya yung magkabila kong balikat at niyugyog.
"Bakit mo ginawa yun Shayne?! Mas magaling ba sya?! Mas mahal mo ba sya kesa sakin?!" Galit nyang sabi.
Nasasaktan ako. Pahigpit ng pahigpit yung hawak nya sa braso ko.
"Ano ba Markus! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.
Binitawan nya na ako.
"Get out. Get out of my life." Seryoso nyang sabi.
"Markus...."
"Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ng anak ko?"
Napalingon ako sa may pinto. Hindi ako nagkakamali. Sya yung mommy ni Markus. Sya yung dahilan kung bakit kami naghiwalay noon.
"Markus, maniwala ka naman sakin. Anak mo yung dinadala ko. Maniwala ka please." Pagmamakaawa ko.
Hinawakan ko yung kamay nya pero agad nya itong binawi.
Ayokong maulit yung nangyari noon.
"Hindi ka ba nakakaintindi?! Ang sabi nya, lumayas ka!"
Bigla akong sinabunutan nung mommy nya at kinaladkad palabas ng bahay.
"I don't want you to ruin my son's life! I thought I already disposed you back then but you I didn't know that you would still crawl back to my son!"
Nasasaktan ako sa pagsabunot nya. Pakiramdam ko madaming buhok yung nalalagas.
"Aalis ako! Isasama ko si Ethan!" Galit kong sabi.
Kinuha ko yung kamay nya at tinanggal sa pagkakasabunot.
"Hindi mo dadalhin ang apo ko! Kung gusto mong lumayas, lumayas ka mag-isa mo!" Malakas nya akong tinulak.
*Beep Beep*
"MOMMY!!"
*Everything went black*
Cloud's POV
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nagmaneho papunta sa hospital.
Tinawagan ako ni Ethan gamit yung phone ni Shayne. Ang sabi nya, nabunggo daw si Shayne at kasalukuyan inooperahan.
Sigurado akong kagagawan ito ni Markus. Pinabayaan nya si Shayne.
Nang makarating ako, tumakbo agad ako sa loob.
"Miss, nasan po yung room ni Shayne Lustria?" Tanong ko.
"Nasa room 24 po. Kanina pa po sya tapos operahan."
"Thank you."
Hinanap ko yung room 24.
May nakita akong babae sa labas ng room ni Shayne. Medyo may katandaan. Namamaga ang mata nito at halatang umiiyak.
Hindi ko ito pinansin. Pumasok agad ako sa loob.
"Shayne..."
Naabutan ko syang naka-upo sa hospital bed at nanghihina. May benda ito sa noo at may mga pasa sa braso. Nakatayo si Markus sa gilid habang karga karga nito si Ethan.
"Clud...." Naiiyak nyang sabi.
Lumapit ako sakanya at niyakap. Niyakap nya din ako pabalik.
"Wala na yung baby ko.....wala na sya Clud." Nagumpisa na syang humagulgol.
"Anak ko yung dinadala nya....." Rinig kong sabi ni Markus.
Kumalas na ako ng yakap.
"Gago ka pala eh! Kung alam ko lang na hindi mo aalagaan si Shayne, sana Hindi ko na sya binalik sayo! Naniwala ka naman na sinabi kong anak ko yung dinadala sya?! How pathetic. Ganon ka na ba kauto uti para maniwala agad?!" Singhal ko.
"Tama na!" Sigaw ni Shayne.
"Ilayo mo ako dito Clud. Ayoko na please..." pagmamakaawa nya.
"Mommy..." Naiiyak na sabi ni Ethan.
Binuhat ko si Shayne ng parang bagong kasal at inupo sya sa wheel chair.
"Saan mo sya dadalhin?!" Pagpigil no Markus.
"Malayo sayo." Sagot ko.
"You're not taking her anywhere."
Medyo napupuno nako sakanya. Hindi ko lang sya magawang suntukin dahil karga karga nya si Ethan. Baka parehas sila matumba.
"After what happened? Nagpa brain wash ka nanaman dyan sa mommy mo. Sya lang naman yung dahilan kung bakit kayo naghihiwalay ni Shayne."
"Kaya huwag na tayong mag gaguhan. Alam kong hindi mo rin naman sya pipiliin diba? Mas pipiliin mong maniwala dyan sa mommy mo!" Dagdag ko pa.
"Mommy..."
"Don't worry Ethan. Babalik kami ni mommy. " Nakangiti kong sabi.
Inumpisahan ko ng itulak yunf wheel chair.
"Shayne..."
Tuloy tuloy lang ako sa pagtutulak. Bukas na bukas. Aalis na kami dito. Hinding hindi ko na sya ibabalik kay Markus. Kaya lang naman sila nagkabalikan dahil may anak sila. Ayoko ng guluhin sila dahil isa na silang pamilya.
Wala ka ng babalikan Markus. Pinapangako ko yan. Magkamatayan muna tayo.
~*~
BINABASA MO ANG
LUST (Seduction Series #1)
Romance!! U N D E R R E V I S I O N !!!! ****** WARNING: SPG