13: Honeymoon first

357 5 0
                                    


Shayne's POV

"Ma'am sorry po talaga, ilang beses nap o naming kayo pinag-bigyan. Kailangan nyo na po talagang mag-bayad."

"Su-sweldo naman na ako, pangako, magbabayad na ako. "

"Hindi po talaga pwede. Pasensya na po, kung hindi kayo makakapag-bayad, huwag nyo nalang papasakun-----"

"Sige. Mag-babayad ako. Babalik po ako."

Tinignan ko yung pera na nasa loob ng envelop. Sinangla ko yung singsing na ibinigay ni Markus, 100 thousand and kapalit. Hindi ko alam kung ma-tutubos ko pa ito dahil malaki-laki din yung pera.

"Eto po..." Inabot ko yung 35 thousand sa cashier.

"Okay na po ma'am. Dadalhin ko nalang po sa principal yung resibo."

Tumango ako.

Dumaan na din ako sa apartment ko kanina para bayadan yung rent. Four months na akong hindi nag-babayad. Wala na rin akong mga bayadin, siguro kung sakaling may babayadin uli sa school si Ethan, doon ko nalang gagastusin yung natirang pera.

Nag-mpisa na akong mag-lakad papunta sa sakayan ng jeep.

*Beep Beep*

Kinuha ko yung phone ko. Nag-text si Markus.

From: Markus

-Where are you?!

-Why is your phone off? What the hell are you doing?

-Go to my office NOW! If you don't, I will never let you see Ethan again.

Nanlaki yung mata ko sa huli nyang text. Sumakay na ako ng jeep.

--

*Knock knock*

Kakadating ko lang uli sa kompanya ni Markus. Ang sabi nung seceretary nya nandito daw sya. Akala ko kasi nag-lunch sya.

Hindi sya sumagot. Binuksan ko nalang yung pinto at pumasok.

"Where have you been?" Bungad nya sakin habang naka-upo sa swivel chair nya at naka-tingin sakin. Pakiramdam ko ay kanina nya pa ako hinihintay.

"Nag text yung teacher ni Ethan, may importanteng sinabi. Tsaka may kinuha din ako sa apartment ko." Pag-sisinungaling ko.

"Why didn't you tell me? I should've come with you. Besides, I'm his father." Kalmado nyang sabi.

Nawala na yung kunot sa noo nya. Saka lang ako naka-hinga ng maluwag.

"Hindi na. Alam ko naming marami kang ginagawa saka sanay naman na ako tuwing pinapatawag ako sa school nila. Pasensya na hindi ako nakapag-paalam." Sabi ko.

"Wait."

Kumunot yung noo ko.

"Where's the ring I gave you?Why aren't you wearing it?"

Bigla akong kinabahan. Bullshit. Ito na yung pinaka-kinakatakot ko.

"M-Markus."

Mas lalo akong kinabahan. Masama itong naka-tingin sakin at lumapit sa kinakatayuan ko.

"Where's the fucking ring Shayne?!" Galit nyang ulit.

Hindi ako makapag-salita. Malakas yung pagkaka-sabi nya non. Pakiramdam ko ay sinisigawan nya na ako.

Hinawakan nya yung maka-bila kong balikat.

"Answer me! Nakipag-kita ka bas a ibang lalaki kaya mo hinubad yung singsing mo?! Ha? Ayaw mong malaman na ikakasal kana?! Bullshit Shayne!"

LUST (Seduction Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon