Napaupo na lang sa malamig na marmol na sahig si Dave habang hawak-hawak ang maliit na pink speaker. Napakalakas ng tunog mula dito. Naiinis at naiirita, pinindot nya ito at namatay.
Nakakabinging katahimikan ang sunod nyang narinig. Ang tangi lamang bumubulong sa kanyang tenga ay ang napakalamig na hangin.
Takot at lungkot ang sunod na sumakop sa kanyang puso. Pakiramdam nya ay nasa panaginip sya. Tiningnan nya ang oras sa cellphone. 5:32 PM.
(Ang bilis ng oras!) Tumingin sa bintana ng library si Dave. Madilim na sa labas.
Kinuha nya ang kanyang cellphone, at nag-dial sa papa nya...
TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT TOOT...
Out-of-coverage ang signal nito. Napatulala na lang sya sa sobrang pagod. Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip nya.
(Ano ba tong pinasok ko? Teka... alam ko na! Alam ko na! Panaginip lang 'to! Panaginip lang 'to! Maya-maya lang magigising na ko! Alam ko na ang ganito eh! Bakit nga ba hindi ko pa to naisip kanina pa?! Panaginip lang naman to eh!) Biglang nagliwanag ang mukha ni Dave. Tumayo sya at lumabas ng library.
Papalabas na sana sya ng pinto ng library nang may tumakbong lalaki sa hallway. Dahil sa madilim na, hindi nya nakita kung sino ito, pero pamilyar si Dave dito, at parang nakita nya na ang lalakeng ito. Lumabas sya patungong hallway, at nakita yung lalake. Nasa malayo ito, at nakatayo sa tapat ng isang classroom.
Pamilyar ang taong yon kay Dave, at nais nya itong puntahan.
"Teka!" Sigaw ni Dave habang papalapit sa lalakeng yon.
(Panaginip lang naman ito kaya wala namang masamang mangyayari sakin. Pupuntahan ko ang lalakeng iyon. Kakausapin kung bakit walang tao dito.)
Habang papalapit si Dave, pumasok sa classroom ang lalakeng hindi makita ang mukha dahil napakadilim. Tumakbo na si Dave hanggang sa makarating na rin sya sa classroom. Pumasok sya rito, kahit na napakadilim.
"Oy. Nasaan ka? Pwede ba kong magtanong sayo?" Sabi ni Dave, habang hinahanap ang switch ng ilaw ng classroom.
Naghintay si Dave, pero walang sumagot.
Maya-maya'y biglang sumara ang pintuan ng classroom, na nagpagulat kay Dave.
"Oy nasaan ka ba? May itatanong lang ako!" Pasigaw nang sabi ni Dave habang unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Walang sumagot. Umihip ang hangin.
Maya-maya'y biglang may nagsalita. "Itatanong? Kanino?" Sabi ng lalake na tila natatawa. Pero nakakatakot ang boses nito.
Nagpagulat ito kay Dave dahil pamilyar na pamilyar talaga ang boses nito sa kanya.
"Sayo. May itatanong lang ako sayo. Nasaan ang mga tao dito?" Tanong ni Dave.
"Wala na sila, Dave. Wala na sila." Sabi ng misteryosong lalake. Tumawa ito nang bahagya.
Kilalang-kilala ni Dave ang tawa na iyon. Bigla syang natigilan. Napuno sya ng matinding takot.
(Kilala ko ang tawang iyon! Pero... bakit... sino...?)
"B-bakit mo ako kilala?!" Tanong ni Dave sa misteryosong lalake. Hindi nya alam kung nasaan ito, dahil napakadilim ng paligid.
Maya-maya'y biglang nagsalita ang lalake. Nasa harapan nya na ito. Face-to-face.
"Ako?! Ako?!" Sabi nito, habang tumawa nang napakalakas. Napaatras si Dave dahil alam nyang nasa harapan nya na ito.
"Tinatanong mo kung sino ako?! Kilalang-kilala mo ako Dave! Kilalang-kilala mo ako!" Dagdag ng lalake, natatawa.
Isang malamig na hangin ang umihip. Biglang bumukas ang ilaw. Isang lalake ang tumambad sa harapan ni Dave. Ikinagulat nya ito.
Kilalang-kilala nya nga kung sino ito.
(I-ikaw?! H-hindi maaari! ...Paano?!)

BINABASA MO ANG
Entablado
Fiksi RemajaGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...