Dave’s POV:
Ilang buwan na rin matapos ang high school. Ilang linggo na rin mula nang magsimula ako sa college.
Ilang buwan na ang nakakaraan pero sariwa pa rin sa isip ko ‘yung bangungot. Malinaw pa rin ang mga nasaksihan at naramdaman ko. Pero masasabi ko na kung hindi dahil doon ay hindi ako magbabago. Totoo, binago ‘nun ang buhay ko.
Nahihirapan pa rin akong mag-adjust sa college dahil na rin sa iba’t-ibang ugali ng mga nakakasalamuha kong estudyante. Syempre, hindi mawawala ‘yung mga bullies, jocks, nerds, chicks, bitches, at ‘yung mga outcasts.
Masasabi kong naging loner ako nang magsimula ang college, at nahihirapan akong makibagay sa mga tao. Siguro, dahilan na rin siguro ay ‘yung na-realize ko na kailangan kong piliin ang kakaibiganin ko.
Kakatapos lang ng klase at pauwi na ‘ko nang makita ko ang kaklase kong si Roanna sa hallway.
Nakita kong hinulog ng mga bully ang mga librong hawak nya, at pinagtawanan sya habang pinupulot nya ang mga ito. Ang mga bully na laging umaagrabyado sa kanya ay isang grupo ng mga babaeng sikat sa school namin, pinangungunahan ni Diana, isang varsity na kabilang sa pep squad.
Nilapitan ko si Roanna. Napagdesisyunan kong tulungan sya sa pagpulot ng mga libro nya. Lagi syang binubully dahil obese at may pagka-nerd sya.
“Ito oh.” Sabi ko habang inaabot ang huling textbook sa kanya. Napatingin sya sakin at kinuha ito.
“Thanks.” Nahihiya nyang sabi. Hindi kami ganoon ka-close pero nagkikita kami sa ilang mga subjects namin.
Bigla kong narinig ang matinis na boses ni Diana. “Ayie! Nagkakadevelopan na sila!” Pang-aasar nito. Nagtawanan ang apat na babaeng kasama nya. “Later, fatso!” Sabi nito, habang paalis sila.
“Hayaan mo na sila.” Sabi ko kay Roanna. Malungkot pa rin ang mga mata nya.
Ngumiti sya sakin. “Thanks. I’m, uh, Roanna.” Sabi nya habang nahihiyang ialok ang kamay nya sakin.
“Dave.” Pagpapakilala ko habang nag-shake hands kami.
“So, uh... sabay na tayo umuwi?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko syang makilala pero siguro nakita ko sa kanya ‘yung pagkatao ni May, at ‘yung pagiging outcast nya.
“Sige.” Sabi nya, nakangiti.
Naglakad kami palabas ng campus habang nagkekwentuhan.
Totoo nga sigurong binago ako ng bangungot na iyon, at naniniwala akong it changed me for the better.
Naniniwala akong lahat ng tao ay may posibilidad na magbago, kahit na ‘yung pinakamasama. Kasi binibigyan tayo ng mga life lessons na hindi natin dapat malimutan.
Maraming life lessons na ibinibigay sa atin. ‘Yung iba, tinuturo sa ‘tin ng mga tao sa paligid natin. ‘Yung iba naman natututunan natin sa pamamagitan ng mga experiences natin. At ‘yung iba naman, natututunan natin sa mahirap na pamamaraan. Other people, like me, learned things the hard way.
Oo, sariwa pa rin sa isip ko ang bangungot. Malinaw pa rin sa isip ko ang itsura ng Entablado. At hindi ko maiwasang isiping ang buhay ay parang entablado; isang malaking Entablado, kung saan meron tayong mga papel na kailangang gampanan, at ‘yung mga papel na iyon ang magtuturo sa’tin ng mga bagay na dapat nating matutunan habang nagpe-perform tayo sa loob ng isang napakalaking Entablado na kung tawagin ay buhay.
BINABASA MO ANG
Entablado
Novela JuvenilGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...