Siyam: Tindahan

512 21 6
                                    

Hindi ko malaman kung sino ang sumutsot na 'yun. Pagkarinig na pagkarinig ko sa sutsot na 'yun, bumalik ang kaba sa dibdib ko. Ano na naman bang naghihintay sakin ngayon? Ano na naman bang kaweirduhan at katatakutan ang sasalubong sakin ngayon? Sumutsot ulit sya (kung sino man yun). Luminga-linga ako. Tumingin sa kanan. At sa kaliwa. Pero walang katau-tao; abandunado ang buong kalsada. Pagkarinig ko sa pangalan ko, lalo akong nanghilakbot. Boses iyon ng isang lalaki. Alam kong nanggaling ang boses na yun sa likod ko. Natatakot man ako, lumingon ako sa likod, sa isang Mini-Stop kung san nanggaling yung boses na tumawag sakin. Paglingon ko, nakita ko si...

---

Papalapit ang isang lalaking mula sa Mini-Stop, nagmamadali patungo kay Dave. Halos kasingtangkad nya lang ito at kasing-edad din. Si Kenneth, na kaklase't kaibigan nya. Napatayo si Dave, pero nawala na ang kabang naramdaman nya kanina nang makita nyang si Kenneth pala ang tumawag sa kanya. Pero halatang gulat ang reaksyon ni Dave nang makita nya ang binata. Nagtataka sya kung bakit ito naroon.

"K-k-ken...?!" Pautal-utal na tanong ni Dave sa binata, lubos na nagtataka.

"...anong ginagawa mo dito?!" Dagdag ni Dave kay Kenneth.

Lumapit sa kanya si Kenneth, at nakita nyang pawis na pawis din ito at halatang takot na takot din tulad nya. Nanginginig pa nga ito pero hindi nya pinapahalata.

"Yan nga rin ang tatanungin ko sayo eh..." Sabi ni Kenneth, na ngayo'y medyo nabawasan ang nginig at takot.

Sumagot si Dave. "H-hindi ko alam... Basta napahinto lang ako dito eh. May mga humahabol kasi sakin kanina... Hindi ko nga alam na nandito ka pala!"

"Ako rin!" Sagot ni Kenneth. "Akala ko ako lang mag-isa dito! M-m-may humahabol din sakin! Marami... marami... kamukha n-nung kaklase natin dating nagpakamatay?!" Pagpapatuloy ni Kenneth, na ngayo'y halatang binalikan ng takot at pangamba, habang nagpapaliwanag tungkol sa mga humabol sa kanya... na kamukha ni May.

Medyo nagulat si Dave sa mga narinig nya kay Kenneth. Hinahabol din sya ng maraming May?! Ibig sabihin hindi lang ako ang nakakaranas nito! 

Naisipan ni Dave na kausapin ang binata. Luminga-linga si Dave, nagmamatyag kung may ibang tao o kung meron mang May na nasa paligid. Agad na inakbayan ni Dave si Kenneth, kumumpas sa pinto ng Mini-Stop, at pumasok sa tindahan. "Mabuti pa siguro pumasok tayo sa loob. Delikado dito sa labas..."

Pumasok ang dalawa sa tindahan, patuloy na tumitingin-tingin sa labas ng glass door ng Mini-Stop kung may mga May o di-normal na pangyayaring nagaganap sa labas. Madilim sa loob ng tindahan; halatang walang kuryente. Nakahilera ang mga shelf ng pagkain sa pader, at nagkalat ang mga balot ng pagkain sa mga mesa. Parang hindi ito nalinis, dahil nagkalat ang mga balot ng kendi at kung-ano-pa-mang pagkain sa sahig. Napaupo ang dalawa sa upuang katapat ng salaming dingding.

"Hinahabol ka rin ng mga May?!" Pagpapatuloy ni Dave sa naputol nilang usapan.

"Sinong May?" Tanong ni Kenneth, nakakunot ang noo.

"Yung classmate nating nagpakamatay nung 2nd year hayskul tayo." Sagot ni Dave.

Napaisip si Kenneth sa sagot ni Dave, at pagkatapos ay nalinawan din. "Ah! Oo! Sya nga yung humahabol sakin kanina pare! Marami sila! Y-yung m-mga tao samin... kamukha nung M-m-may!"

"Hinahabol din nila ko kanina. Napakarami nila. Buti na lang nandito ka, 'di ko akalaing may ibang tao pa palang matino bukod sakin." sabi ni Dave.

"Oh, pare? Akala ko nga rin ako lang din natitirang tao dito!"

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Dave.

"Hindi ko nga rin alam eh, pero kanina hinahabol nila 'ko, hanggang sa mapadpad ako dito tas dito na lang ako nagtago sa Mini-Stop... tas nakita kitang nakaupo sa labas tas tinawag kita..." Mabilis na sagot ni Kenneth. Halatang takot na takot na ito.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon