Dave's POV: Ako si Dave. Isang simpleng tao. Ngayon ang graduation day namin. Excited pero at the same time malungkot kasi iiwan ko na ang buhay-hayskul.
---
Tumunog ang pulang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Sinasabi nitong alas dos na. Mula sa kanyang higaan, tamad na bumangon si Dave mula sa kanyang pagkakahiga. "Alas dos agad?" Pabulong nito na tila nagrereklamo, nagkakamot ng kanyang ulo.
Para kay Dave, this is the big day, at mamayang alas kwatro magsisimula ang graduation ceremony sa school na malapit lang din sa kanilang bahay.
Lumabas si Dave sa kanyang kwarto, bumaba ng hagdan, at dumerecho sa kusina upang maghanda ng merienda. Napansin nitong napakatahimik–sobrang tahimik na tila nakabibingi. Nagtaka syang walang nagpapatugtog nang malakas sa kapitbahay at nakakapanibago yon.
(Sabagay, ok na ang ganto kesa magpatugtog sila nang napakalakas), sabi niya sa kanyang sarili.
Nag-init sya ng tubig para uminom ng kape. Sinabayan nya ito ng tinapay. Napakatahimik ng buong paligid, kahit nga yata yung maingay na aso ng kapitbahay ay hindi kumakahol. Nagtaka siya kung bakit napakatahimik, at naisipan na lang nyang makinig ng music sa kanyang cellphone. Isinaksak nya ang earphones sa kanyang tenga, at pinindot ang 'play' button.
"A-a-aw!" Ang pawang nasambit nya nang sumakit ang tenga nya dahil sa napakalakas na tunog ng static mula sa kanyang earphones. (Static?! Sira na ba tong earphone ko?) Pagtataka niya. Samantalang kagabi nakinig pa sya ng music dito pero ngayon walang lumalabas na tunog mula dito kundi matinis na 'zzzzzzziiiiiiiiitttttttzzzzzziiiiiiitttttt.'
Tinanggal nya ang pagkakasaksak ng earphones sa kanyang cellphone at mas tumindi ang kanyang pagtataka nang wala pa ring lumabas na tunog mula sa loudspeaker ng kanyang cellphone kundi isang matinis na tunog ng static. (Teka, Kundiman by Silent Sanctuary tong pinapatugtog ko ah! Bakit ganito, static ang lumalabas sa loudspeaker?! Sira na rin ba tong cp ko?!) Lubos na pagtataka ni Dave. Sa pagkainis, pinindot nya ang 'stop' button dahil napakasakit na rin sa tenga ng lumalabas na tunog dito. Ngunit, mas tumindi pa ang pagtataka nya nang hindi pa rin tumigil ang nakakairitang tunog, samantalang pinindot nya na ang 'stop.' Matapos ang tatlong segundo, tumigil na rin ang maingay na tunog mula sa kanyang cellphone. (Huh! Sira na talaga siguro tong cp ko. Ang weird naman ng araw na to.) Sabi nya na may halong pagkainis.
Matapos nyang kumain, tumayo na sya upang kunin ang twalya sa kanyang drawer.
Sa pagkakataong iyon, biglang na-realize ni Dave na tila walang tao sa kanilang bahay maliban sa kanya. Sa pagkakatayo nya habang hinahanap ang twalya sa drawer, doon din lalong nanaig ang katahimikan sa buong paligid. Habang tumatagal, dila tumitindi ang nakabibinging katahimikan na lalong nagpataka sa kanya.
(Mag-isa lang ba ako ngayon? Naku naman, nasan kaya ang mga tao dito sa bahay?) Pagtataka ni Dave habang patuloy nyang hinahanap ang twalya upang maligo. Maya-maya pa'y nakita nya rin ito.
BINABASA MO ANG
Entablado
Novela JuvenilGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...