Sampu: Lubid

528 25 8
                                    

Napagpasyahan ni Dave at Kenneth na maglakad papuntang Bagong Yaman High School, ang paaralan kung saan sila nagtapos. Ang lugar kung saan maraming tao ang kanilang nakilala; iba't-ibang ugali, iba't-ibang pagkatao, iba't-ibang personalidad. Masasabi nga sigurong mahal ni Dave ang paaralang iyon, pero ngayong nakakabagabag na ang mga sitwasyong nagaganap, iba na ang pakiramdam nya sa lugar na ito, dahil tila hindi na maalis-alis sa kanyang isipan ang mga ala-ala ng mga lumipas; ang ala-ala ng mga ginawa nyang mga bagay na ayaw nyang mabunyag.

"Ang lamig." Pabulong na sabi ni Dave habang sila'y naglalakad. Hindi na sya pinansin ni Kenneth, pero nakatago din ang kamay nito sa kanyang bulsa, halatang giniginaw.

March na pero malamig ang hangin. Sa pagtatantya ni Dave ay parang kasinlamig ng hangin ngayon ang panahon tuwing January. Marami nang mas nakakapagtaka at mas nakakatakot na bagay ang nakita ni Dave, at hindi nya na ipinagtaka kung bakit napakalamig ngayon. Paparating na ang summer kung tutuusin, pero napakakulimlim ng kalangitan, tila pilit tinatago ng mga ulap ang liwanag ng araw.

Lutang ang itsura ni Kenneth, nakatingin lang ito nang diretso sa kalsadang nilalakaran nila at halos nakatulala ito. Alam ni Dave na kanina pa may pinangangambahan si Kenneth, dahil simula nung nakita nila yung fetus sa Mini-Stop ay napansin nyang naging seryoso ito at naging lutang ang itsura. Tumapang lang ito nung sinabi nyang nasa Bagong Yaman High School ang kasagutan sa lahat ng kababalaghang nangyayari sa kanila ngayon. Alam ni Dave na may gustong sabihin ang kanyang kaibigan, pero sa tingin nya'y tila takot ito; nangangamba at napipipi. Siya nga mismo ay nababahala sa mga kaganapan ngayon, lalo na nung tumakas sila sa tindahan mula sa fetus. Paano na lang kung nabuksan nung fetus yung ref? Hahabulin kaya sila nito? Ano kayang gagawin nito sa kanila kung sakali? Ayaw nang isipin ni Dave ang sagot sa mga ito. Ang importante, natakasan nila iyon at papunta na sila sa lugar kung saan maghahanap sila ng kasagutan sa lahat ng kanilang katanungan. Pero, hindi alam ni Dave kung paano at sa kung anong paraan sila maghahanap ng kasagutan sa paaralang iyon. Basta maghahanap lang sila.

Tahimik ang dalawa habang naglalakad, at minsa'y di maiwasang tingnan ni Dave ang kaibigan. Lutang pa rin ito hanggang ngayon.

Simula 1st year high school ay kakilala na ni Dave si Kenneth. Naging seatmate kasi nya ito noong unang araw ng klase, at nakilala nya ito noong nangopya si Kenneth sa kanya noong quiz nila sa Math. Simula noon ay naging kaibigan nya ito, kahit na minsan ay madalas sya nitong pagtripan at pagtawanan. Noon pa man hilig na ni Kenneth na asarin at inisin sya. Hindi lang naman sya, kundi pati yung iba nilang kaklase na mahihina ang ulo, mga lampa, o yung mga nakakatawa ang itsura. Ang pinaka-paborito ngang alaskahin ni Kenneth ay si James, na usli-usli ang ngipin kaya madalas nya itong asaring bampira. Nang lumaon ay nagkaroon sila ng ilang mga katropa, sila Ben, Mark, at Red. Sila yung mga naging bully ng klase, at maituturing na mga 'bad boys' dahil mahilig silang magpaiyak ng mga kaklase nilang mahihina. Nang matapos ang 1st year high school ay si Dave nga ang naging top 1 ng klase, dahil palagi syang matataas sa mga quiz at periodical exams. Matalino naman si Dave kung tutuusin, pero kadalasan hindi nya ito ginagamit at mas umaasa sa pangongodigo at pangongopya, lalong-lalo na sa periodical exams. Matalino si Dave kung tutuusin, pero mas naiimpluwensyahan sya ng mga kaibigan nyang halos kasing-ugali nya rin.

Nang mag-2nd year na sila ay naging magkaklase pa rin ang dalawa, at dito na nga nila naging kaklase si May, ang tampulan ng tukso ng buong klase. Hindi rin dahil sa nakakatawa nitong itsura kundi dahil sa lampa ito at mahina ang ulo. Bansag sa kanya lalo na nila Dave ay 'panget.' Naaalala ni Dave kung paano nya kutya-kutyain ang hamak na babae, at kung paano nila ito paglaruan at paikutin. Hindi nila akalaing hahantong ang lahat sa ganito...

"H-hindi ka ba nagtataka... kung bakit tayo nandito?" Biglang tanong ni Dave sa kaibigan.

"Huh?" Sagot ni Ken, halatang lutang pa rin ang pag-iisip.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon