Kabanata Labing-pito: Ang Mandaraya, Duwag, at ang Traydor

304 15 2
                                    

"Nasa sa akin pa rin ang desisyon."

------------------------------------------------------------

Nakatali pa rin sila Dave, Kenneth, at Liana sa mga kinauupuan nila, habang palakad-lakad si May na nag-iisip sa harapan nila. Tumigil din ito sa paglakad at nagsalita. "Ah! Alam ko na, bakit kaya hindi natin simulan sa... psychological torture?" Sabi nito, nakangiti na para bang ang sinabi nya ay isang normal na bagay lang. Napatingin si Dave sa sinabi nito. Bakas sa mukha ni Dave ang pagod at panghihina. Panghihina at panlulumo sa mga bagay na kanina nya pa naririnig.

"Simulan natin sa'yo." Tinuro ni May si Kenneth, at napatingin ito sa kanya. "Di ba ikaw yung number one na nang-aasar sakin?" Tanong nito. Hindi sumagot si Kenneth.

"Bakit mo 'yun ginawa?" Nakangiting tanong ni May, mabilis na papalapit kay Kenneth. Hindi pa rin sumagot si Kenneth at tumingin sa kahoy na sahig ng stage.

"Bakit mo 'yun ginawa?" Naghihintay pa rin ng sagot si May. Wala pa ring lumabas sa bibig ni Kenneth, at biglang nagbago ang timpla ni May. Kung dati'y inosente at masaya ang tono nito, biglang napuno ng nagbabagang galit ang mga mata nito. Hinawakan nito ang baba ni Kenneth at pinaharap sa kanya.

"Bakit mo 'yun ginawa!" Sigaw ni May. Hindi pa rin nagsalita si Kenneth, pero bakas sa mga mata nito ang labis na takot sa siwasyon nya ngayon.

Pero maya-maya'y nagsalita rin si Kenneth. "P-patawad..." Binitiwan ni May si Kenneth at napatingin sa audience.

"Patawad? Ganun-ganun na lang iyon?" Sabi ni May, natatawa at hindi makapaniwala sa narinig. "Teka, ganyan din ba ang sinabi mo sa malandi mong girlfriend na si Paula matapos mo syang buntisin?" Natatawang sabi ni May. Napatingin sa kanya si Kenneth.

"Patawad din ba ang nasabi mo sa inosenteng batang nasa sinapupunan ni Paula na ipinalaglag nyo?" Sabi ni May. Napuno ng pangongonsensya ang puso ni Kenneth. Bawat salitang lumalabas sa bibig ni May ay tila mga palasong isa-isang tumutusok sa kanya.

Nagpatuloy sa pagpapahirap si May. Ipinaalala nya kay Kenneth ang mga bagay na sinabi nito sa kanya; ang mga masasakit na salitang sinabi nito. Sa pagkakataon ding iyon, unti-unti humihigpit ang kapit ng lubid sa kamay, paa, at leeg ni Kenneth. Pagkatapos kausapin ni May si Kenneth ay nagpalakpakan ulit ang audience.

"Ikaw naman, Dave, ang mandaraya ng klase." Na kay Dave naman ang atensyon ni May, papalapit sa kanya. "Ang dakilang mandaraya ng klase. Dapat pagawan ka ng monumento dahil sa pagiging matinik mo sa pangongodigo eh." Natatawa si May.

"Bakit ka nga ba nandaraya?" Tanong ni May kay Dave. "Teka, wag ka nang sumagot. Alam ko na ang sagot dyan." Sabi nito, nag-iisip. "Kasi gusto mong pasayahin ang mga magulang mo, ganun lang kasimple. Sana nga ganun na lang kasimple ang lahat. Pero hindi. Gusto mong pasayahin ang mga kinikilala mong mga magulang na kung tutuusin ay hindi mo naman tunay na mga magulang."

Nagpatuloy sa pambabagabag si May kay Dave. "Sayang. Akala ko pa naman matalino ka talaga. Hindi pala." Sabi nito. "Kung tutuusin mangmang ka, dahil hindi mo alam ang tama at mali. Wala kang konsensya."

Nagsigawan ang audience dahil sa pag-arte ni May sa Entablado. Lumapit naman si May kay Liana, ang dati nyang kaibigan. "Liana Pelaez." Sabi nito. "Ang best friend ko... kuno!" Tumawa si May, lumapit kay Liana, at hinaplos ang mukha nito.

"Best friend tayo, 'di ba?" Napatingin si Liana kay May habang hinahaplos nito ang mukha niya. "Pero bakit mo ko iniwan sa ere? Alam mo namang ikaw na lang ang natitira kong kaibigan. Pero siguro nga, mali ako ng pinagkatiwalaan dahil hinayaan mo lang ako at iniwang mag-isa!" Sigaw ni May, sabay sampal sa pisngi ni Liana. Isang gulat na reaksyon ang narinig mula sa audience.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon