Kabanata Labing-lima: Rebelasyon

377 16 4
                                    

Nagising si Kenneth Ramirez na pawis na pawis. Nahihilo pa sya, gawa ng pagkakapalo ng pala sa ulo nya kanina. Nang makita nya kung nasaan sya, kung ano ang sitwasyon nya, at ano ang kinalalagyan nya ngayon, bumalik ang takot na naramdaman nya kanina.

Nakita ko si Dave kaninang tanghali sa Mini-stop. Dinala ko sya dito sa school namin, at sinabi sa kanyang nandito ang kasagutan sa lahat ng kababalaghang nangyayari ngayon. Pero hindi iyon totoo. Kaya ko sya dinala dito ay para ibigay sya sa mga kamukha nya, dahil sinabi sakin ng isang lalaking kamukha ko sa panaginip na kapag binigay ko si Dave sa kanila, babalik na ang lahat sa normal. Pero mukhang hindi pala. Mukhang nadaya ako. At kung kanina'y pinalo ko sa ulo si Dave at dinala dito sa school theatre para itali sa upuan at ibigay sa mga kamukha nya, ngayon nama'y sa akin ito nangyari. At ako ang nakatali ngayon sa upuan, katabi si Dave.

Napansin ni Kenneth ang tatlong kamukha nya, sa gilid, at nakangiti sa kanya. Nagulat sya nang makita nya ang mga ito.

"Gising ka na pala, old friend." Sabi ng doppelganger ni Kenneth. Napatingin sa kanya ang mga doppelganger ni Dave at si Dave.

Nakita ni Kenneth ang galit sa mata ni Dave. Tila pinapaalala nito ang ginawa nyang pagtatraydor dito. Nakita nya ang galit dito, kaya nasabi nyang "Sorry pare. Sana mapatawad mo ko sa ginawa ko kanina. Hindi ko alam ang ginawa ko." Mahina nyang sabi, malungkot, pero hindi na sumagot si Dave at yumuko na lang. Pakiramdam ni Kenneth ay dinudurog and puso nya. Tinraydor nya ang kaibigan nyang si Dave, at ngayon sya naman ang nadaya. Napatingin sya sa mga doppelganger.

"Anong binabalak nyo?" Naisigaw ni Kenneth sa mga doppelganger.

"Wow." Sabi ng doppelganger ni Kenneth, natatawa.

"Kelan ka pa naging matapang, Kenneth, ha?" Tanong ng pangalawa nyang doppelganger.

"Anong nakakatawa?" Sabi ni Kenneth. Ngayo'y galit sya. Naiinis.

"Nakakatawa? Ikaw!" Sabi ng mga doppelganger nya. Lumapit ang mga ito sa kanya. "Nagtatapang-tapangan ka, Kenneth, pero ang totoo, isa kang malaking duwag!" Dagdag ng mga ito. Hindi sumagot si Kenneth.

"Isa kang duwag dahil natatakot kang tanggapin ang mga pagkakamali mo!" Pagpapatuloy ng doppelganger nya.

"...Anong ibig mong sabihin?" Sabi ni Kenneth.

"Ang ibig kong sabihin ay... natatakot kang tumingin sa salamin. Natatakot kang tingnan ang mga pagkakamali mo sa buhay, ang mga kakulangan mo... kaya tumititig ka sa pagkakamali at kakulangan ng iba. Sa ganoong paraan, nakakalimutan mo ang mga pagkakamali mo sa buhay at ang mga kakulangan mo. Akala mo ba perpekto ka, Kenneth? Guess what? Walang perpektong tao!" Sabi ng unang doppelganger ni Kenneth. "Palagi na lang ang mga tao sa paligid mo ang tinitingnan mo. Natutuwa ka sa kakulangan nila at inaasar sila sa mga pagkakamali at pagkukulang nila. Katulad ng pang-aasar mo kila James at May. Pero ang totoo, natatakot kang tumingin sa sarili mong mga pagkukulang at kakulangan. Isa kang malaking duwag!" Dagdag ng doppelganger nya.

Sa gilid, nagsalita ang pangalawang doppelganger ni Kenneth. "Hindi ka lang duwag. Bulag ka rin. Bulag ka sa katotohanan. Ang katotohanang meron ka ring mga pagkakamali at imperpeksyon sa buhay. Hindi ka man lang tumingin sa salamin at tingnan ang sarili mong mga imperpeksyon." Sabi nito.

Natigilan si Kenneth sa sinasabi ng mga doppelganger nya. Pinag-isipan nya nang mabuti ang mga sinabi nito, at sa kauna-unahang pagkakataon, pinakinggan nya ito. Tama sila.

Ako... duwag? Siguro nga. Hindi, tama sila. Isa akong duwag. Isa akong duwag! Natatakot akong tingnan ang sarili kong mga pagkukulang kasi... ayokong mapagtawanan. Ayokong inaasar at tinititigan dahil sa mga pagkakamali ko. Kaya siguro lumaki akong bully... dahil... gusto kong mag-focus sa mga kamalian ng iba, at pagtawanan ang mga kakulangan nila. Sa ganoong paraan, hindi ko magagawang tingnan ang sarili ko dahil pakiramdam ko perpekto ako. Tama sila. Tama ang mga kamukha ko. Pero... tingin ko huli na ang lahat para pagsisihan ang lahat ng ito. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi.

"At anong ginawa mo sa kaibigan mo? Tinraydor mo!" Sabi ng doppelganger ni Kenneth. "Ang laki mo talagang duwag! Ang dali mong paniwalain na kapag binigay mo si Dave dito ay babalik na ang lahat sa normal. Hindi ka lang duwag, Kenneth. Tanga ka pa! At dahil sa katangahan mong yan ay pinakita mo pagiging makasarili mo, hanggang sa punto na pati kaibigan–best friend– mo ay handa mong traydurin para lang maligtas ang sarili mo. Well, guess what, Kenneth? Nadaya ka! Hindi totoong may sagot sa lahat ng kababalaghang ito. At siguro huli na ang lahat para magsisi ka pa sa mga nagawa mo dahil dito na ang huli nyong hantungan!"

"Hindi totoo yan! Makakaligtas kami! Gagawa kami ng paraan!" Sigaw ni Kenneth. Tumingin sya kay Dave. Nakayuko pa rin ito, at parang lumuluha.

"Dito na tayo mamamatay, Ken..." Mahinang sabi ni Dave, nakayuko.

Tumawa ang doppelganger ni Kenneth. "Nagtatapang-tapangan ka pa rin hanggang ngayon! Tanggapin mo na Kenneth! Tanggapin mo nang dito na kayo matatapos!" Sabi nito. Nakatingin si Kenneth dito, umiiyak sa mga narinig.

"H-h-hindi totoo... yan..." Mahinang sabi ni Kenneth.

Biglang lumapit ang doppelganger ni Kenneth sa dining table at sa platong natatakpan ng silverware na takip. "Hindi ka rin pala duwag. Iresponsable ka rin. Iresponsable ka dahil hindi mo matanggap na responsable ka sa lahat ng nangyayaring ito sayo ngayon. Ikaw naman ang may gawa nito sa sarili mo, Kenneth. Ikaw." Hawak ng doppelganger ang takip na silver, at pagkatapos nyang magsalita'y inangat nya ang takip nang mabilis. Tumambad ang isang kulay pulang bagay sa platong iyon. Tingin ni Kenneth ay tomato sauce ito na may tomato chunks, pero sa patuloy nyang pagtitig dito ay nakita nyang... isa itong fetus!

Dumilat ang mata ng fetus at nakatitig kay Kenneth. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Kenneth sa gulat at takot na naramdaman nya dito.

Fetus?! Ito rin ang fetus na humabol samin ni Dave kanina sa Mini-Stop! Shit, hinahabol na talaga ko ng mga kinatatakutan ko!

"Naaalala mo pa ba 'to, Kenneth?" Tanong ng doppelganger sa kanya, nakangiti. "Ang cute nya di ba?" Dagdag nito, habang marahang hinihimas ang katawan ng fetus sa plato. "Pero anong ginawa mo?! Pinatay mo sya! Pinatay nyo sya! Isang kaawa-awa at walang kalaban-labang nilalang! Pinatay nyo!" Biglang sumama ang itsura ng doppelganger at nakatitig ang nagbabaga nitong mata kay Kenneth.

Naaalala ni Kenneth ito. Ito ang... anak nya. Ang batang ipinagdala ng dati nyang girlfriend na si Paula, noong 2nd year sila. Kalungkutan at konsyensya ang agarang bumalot sa puso nya. Tumulo ang luha nya.

Ang batang nasa sinapupunan ni Paula. Unwanted pregnancy iyon. May nangyari samin ni Paula isang araw. Hindi ko naman alam ang totoong nangyari kasi lasing ako 'nun. Pero isang araw ay sinabi sakin ni Paula na buntis sya. At ako ang ama. Hindi ko iyon matanggap. Hindi ko matanggap. At ipinilit kong hindi ako ang ama ng bata. Inakusahan ko si Paula na nabuntis ng ibang lalaki. Si Rey, ang lalaki sa section 7 na laging bumubuntot kay Paula. Hindi maaaring ako ang ama ng bata. Hindi ko naman alam kung may nangyari nga talaga samin. Wala ako sa katinuan noon. Kaya sinabi kong ipalaglag ang bata. Liberated na babae si Paula, pero naniniwala syang kasalanan ang pagpapalaglag, kaya sinabi nyang bubuhayin nya ang bata. Pero pinilit ko pa rin sya. Sinabi kong iiwan ko sya kapag binuhay nya ang bata. Pinilit ko sya. Hanggang isang araw ay pumayag na rin sya. At ngayon hinahabol ako ng ala-ala ng batang iyon. Isa itong bangungot na nagbabalik para pagbayarin ako sa mga kasalanan ko! Totoo nga siguro... napaka-iresponsable ko...

"Tama 'yan, Kenneth. Isa kang napaka-iresponsableng nilalang!" Sabi ng doppelganger sa kanya. "Wala kang kwenta!" Dagdag nito.

Hindi na ninais magsalita ni Kenneth. Totoo naman ang sinabi ng mga lalaking iyon. Napatingin na lang sya kay Dave, na ngayo'y nakayuko pa rin.

Totoo. Freedom is the price of responsibility. Pero sa ngayon, huli na para magsisi sa pagiging iresponsable dahil tiyak na hindi na kami makakatakas dito!

Sa katahimikan ng buong Entablado ay isang malakas na ingay ang nagmula sa itaas, mula sa mga beams, bakal, at mga support sa itaas. Ingay iyon ng isang malakas na hangin at patungo sa kanila. Ingay iyon na nagpagulat kila Kenneth at Dave para tumingala sila at tingnan ang pinagmumulan ng ingay na iyon–sa itaas...

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon