Tatlo: Aklatan

798 39 8
                                    

Mag-isa at nagmamadaling naglakad si Dave patungong Mathay building, umakyat sa second floor, at laging gulat nya nang makitang abandonado ito. Hindi tuloy nya lubos maisip kung ngayong araw nga ba talaga yung graduation day nila o hindi. Naglakad-lakad sya sa hallway, hanggang sa may nakita syang mga estudyante sa malayo. Unti-unti na rin umiingay ang hallway dahil sa mga nag-uusap na estudyante.

Mula sa malayo, medyo naaninag ni Dave yung mga kaibigan nya. Naka-toga rin sila at unti-unti nya itong nilapitan habang gumagaan na ang bigat na kanyang nararamdaman.

(Buti naman andito na sila. Akala ko walang ibang tao rito.)

Papalapit nang papalapit si Dave sa mga estudyanteng nakatayo sa hallway hanggang sa biglang napuno ng takot at pangamba ang kanyang dibdib. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, habang nagsimulang tumulo ang malamig na pawis sa kanyang mukha.

Habang papalapit si Dave sa mga estudyante, unti-unting tumambad sa kanyang paningin na ang mga estudyanteng nakatayo sa hallway ay hindi gumagalaw. Ayaw nya na sana itong lapitan dahil tumitindi pa lalo ang takot na kanyang nadarama, pero nilapitan nya pa rin ito.

Mga pitong estudyante ang nakatayo sa hallway. Hindi sila gumagalaw, pero ang mga itsura nila'y tila masayang nagkekwentuhan. Nilapitan at nilapitan ito ni Dave, hanggang sa mapansin nyang ang mga ito'y gawa pala sa cardboard!

Umihip ang napakalakas at napakalamig na hangin. Natumba ang ilan sa mga "cardboard students," at pakiramdam ni Dave ay parang binuhusan ng napakalamig na tubig ang kanyang ulo. Pinaghalong pagtataka at takot ang pumuno sa ulo nya.

(Cardboard pala tong mga 'to?! Nasaan ba ako? Isa ba 'tong malaking biro?!) Lubos ang pagtataka ni Dave kung sino ang gagawa ng ganito ka-seryosong biro, kung ito nga'y isang malaking biro lang.

Sa pagkainis at pagkairita ni Dave, sinipa nya ang iba pang nakatayo na estudyanteng gawa sa cardboard. Nakapagdesisyon na sya. Uuwi na lang sya dahil hindi pa pala ngayon ang graduation nila, kahit na alam na alam nyang ngayon nga ito dahil nakasulat ito sa yearbook nila.

Pero bago pa makakilos si Dave, napaisip sya, habang patuloy nyang naririnig ang ingay ng mga estudyanteng nagkekwentuhan.

(Saan kaya nanggagaling yung ingay na 'yon?! Ibig sabihin may ibang estudyante dito!)

Dali-daling naglakad si Dave sa hallway, habang patuloy na lumalakas ang ingay ng mga nagkekwentuhang estudyante.

(Hindi maaaring walang ibang tao dito. Naririnig ko sila eh!)

Binagtas nya ang hallway. Dere-derecho. Hanggang sa makarating sya sa library, at dito pinakamalakas ang ingay, at tila sa library nanggagaling ang mga ingay ng nagkekwentuhang mga estudyante.

Dali-daling pinasok ni Dave ang library...

...at laking gulat nya nang makita nyang abandonado rin ito. Walang katau-tao.

(Pero saan nanggagaling ang malakas na ingay na 'yon? Kung walang tao dito, bakit may naririnig akong mga estudyante?!)

Aminadong takot na takot na sya, at tila gusto nya na sumuko, pero hindi nya ito ginawa. Bagkus ay hinanap ni Dave kung sino man ang mga nagkekwentuhan na iyon. Tumingin sya sa ilalim ng mesa. Walang tao. Sinuyod nya ang bawat section ng library. Pero wala talagang tao ni isa.

Napadaan si Dave sa 'Fiction' section ng school library, at dito nya pinakamalakas narinig ang ingay ng nagkekwentuhang mga tao. Tila nanggagaling ito sa mga librong naka-salansan sa mga bookshelf.

Pawisan, takot, nagtataka, at naiinis, tinanggal at hinulog nya ang mga librong nakapatong doon sa bookshelf, habang papalakas ang ingay na nanggagaling dito.

Tinanggal nya ang mga libro hanggang sa makita nya ang isang bagay na lalong nagpakilabot at nakapagpataka sa kanya.

Sa likod ng mga libro sa bookshelf, isang pink na loudspeaker ang nakapatong dito. Napakalakas ang ingay na nagmumula dito. Dito galing yung naririnig nyang mga ingay na parang nagkekwentuhan, at hanggang ngayon, patuloy itong tumutunog. Nawalan ng lakas si Dave, pakiramdam nya para syang binatukan sa ulo ng napakalakas. Gusto na nyang sumuko.

(Speaker?! Ano? N-nasaan ba ako?! Bakit may ganito?! Bakit walang tao?! Joke ba 'to?!) Sunud-sunod ang mga tanong na umiikot sa kanyang ulo, at lubos na pagtataka na talaga ang nararamdaman nya. Hindi nya alam ang gagawin nya. Walang makasagot sa tanong nya. Walang clue.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon