Nakatali pa rin si Dave sa upuan, hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nasa harapan nya ang tatlong kamukha nya, na nasa kabilang side ng isang mahabang dining table kung saan maraming mga platong natatakpan ng silver na mga takip. Sa gilid ni Dave, ay nandoon si Kenneth, nakatayo at halatang gulat din nang magsimulang bumukas ang pulang kurtina ng Entablado. Ngayo'y pansin ni Dave na nasa stage sila ng teatro, at tila sila ang mga tauhan dito. Napansin din ni Dave na maraming taong nakaupo sa audience, pero di nya makita ang mga mukha nito (o kung sino ang mga ito) dahil madilim sa side ng audience. Basta ang alam nya lang, maghihiganti ang tatlong kamukha nya, at hindi malayong tapusin sya ng mga ito.
"Anong binabalak mo, ha?!" Naisigaw ni Dave sa kamukha nya. Nanginginig sya sa takot at pangamba pero nagawa nyang ilabas ang tapang nya. Lumapit ang kamukha nya, nakangiti pa rin, at tumawa.
Hindi ba sya titigil sa pagtawa?! Wala na ba silang alam na gawin kundi tumawa?! Ang pawang naisip ni Dave habang naririnig ang malalakas at nakakapanindig-balahibong tawa ng tatlong lalaking kamukha nya.
"...at sino ka ba?! Sino kayo?!" Biglang nasambit ni Dave sa tatlo. Dahil dito, napatigil ang tatlo sa pagtawa at tumingin sa kanya, biglang sumeryoso ang mga mukha.
"Hindi pa ba halata?" Tanong ng lalaki kay Dave. "Ako ikaw, Dave. Kami ay ikaw."
"Iisa lang tayo, Dave." Sabi pa ng isang lalaki.
Hindi makapaniwala si Dave sa naririnig nya ngayon. Katulad ito ng napanaginipan nya dati. "Paano nangyari yun?" Tanong ni Dave dito.
"Simple lang, Dave. Kami ang mga nilalang na nabuhay dahil sa mga kasamaan mo." Sagot ng lalaki kay Dave.
"Kasamaan?! Anong kasamaan? Wala akong ginagawa!" Sabi ni Dave sa tatlo, nanginginig ang boses. Tumawa ulit ang tatlong lalaki.
"Oh, come on, Dave!" Sabi ng lalaki sa kanya, tumatawa. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Alam na alam naming alam mo ang tinutukoy namin." Dagdag nito.
"Ang ibig sabihin mo ba, yung tungkol sa pang-aapi namin kay May?!" Sagot ni Dave. "Okay, okay! Kung dahil dun kaya kayo naghihiganti, okay, I'm sorry! Sorry, okay!" Sumisigaw si Dave, pawis na pawis. Tumawa ulit ang mga kamukha nya sa isinagot nya, ngayo'y napakalakas. Nagulat din si Kenneth dito, na ngayo'y nakatayo pa rin sa gilid ni Kenneth.
"Tingin mo ba ganun lang iyon kadali?!" Sabi ng lalaki.
"At isa pa," Sabi ng pangalawang lalaki.
"Hindi lang iyon ang kasamaan mo, Dave!" Pagpapatuloy ng pangatlong lalaki.
"Mandaraya ka, Dave! At mapagmataas!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlong lalaki. Nagsimulang lumapit ang tatlong lalaki kay Dave, sa harapan nya. Tinitigan sya ng mga ito.
"A-ano bang gusto n-nyo...?" Tanong ni Dave, pero hindi tulad ng kanina, wala na syang tapang at nanginginig na sya ulit.
"Ang gusto namin, Dave?" Sabay na tanong sa kanya ng tatlo. Sabay na sabay ang buka ng bibig ng mga ito, tila konektado sila sa isa't-isa. "Hustisya, Dave, hustisya..."
"Pwede na ba kong makaalis?" Biglang sabi ni Kenneth, at napalingon si Dave at tatlong kamukha nya kay Kenneth. "Di ba, binigay ko naman na sya sa inyo? At... isa pa, sabi nyo makakaalis na ko kapag nasa inyo na sya, di ba...?" Dagdag ni Kenneth, halatang takot na takot at nanginginig.
"Traydor ka talaga, Ken!" Galit na sigaw ni Dave.
"Ssshhh..." Sabi kay Dave ng lalaki.
Hindi sumagot ang tatlong kamukha ni Dave, at nakatitig lang ang mga ito kay Kenneth. Napansin ni Kenneth na nakatitig sa kanya ang tatlong kamukha ni Dave, at unti-unting umatras.
BINABASA MO ANG
Entablado
Ficção AdolescenteGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...