Lima: Alaala

752 37 11
                                    

Takot ang biglang naramdaman nya. Kitang-kita nya na kung sino ang lalakeng iyon. Ang mga mata nito, ang ilong nito, bibig, katawan. Kilala nya ito! Ang lalakeng ito ay siya!

Nakatayo ito sa harapan ni Dave, nanlilisik ang mga mata at nakangiti ang mga labi.

"Ako... Ikaw?!" Gulat na tanong ni Dave.

Unti-unting lumalapit ang lalake kay Dave. "Oo, Dave. Ikaw ako. Ako ikaw. Ikaw at ako... iisa lang tayo... hah hah hah..."

"Pero... p-paano nangyari iyon?!" Tanong ni Dave habang patuloy na umaatras sa lalakeng kamukhang-kamukha nya.

"Hindi ko alam. Pero alam kong alam mo kung bakit ako nandito!" Sambit ng lalake sa kanya.

"W-wala akong a-alam! Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!"

"Huh?! Hindi mo alam?! Alalahanin mo Dave, alalahanin mo!" Pasigaw ng lalake habang patuloy itong lumalapit kay Dave.

"S-sino k-ka b-b-ba?!?!" Napasigaw na lang sa takot si Dave.

"Iisa lang tayo, Dave. Ako ang bangungot mo! Ako ang kalaban mo! Ang iyong sarili!" Sigaw ng lalake sabay tawa ng napakalakas. Para itong demonyo.

"B-bakit ka naparito?" Tanong ni Dave.

"Dahil hindi mo deserve magtapos ng hayskul!"

"B-bakit?!"

"Alam na alam mo kung bakit, Dave! Alam na alam mo ang dahilan! Ikaw lang ang makakasagot nyan!" Pasigaw ng lalake.

Sa pagkakataong iyon, natigilan si Dave at pumasok sa kanyang isip ang mga alaala ng kanyang highschool. Umiikot ang mga ito sa kanyang isipan, papalapit nang papalapit hanggang sa makita nya ng malapitan kung ano ang mga alaalang ito.

"Oh, ano?! Bakit ka natigilan? Gusto mo bang ako pa ang magpaalala sayo ng mga bagay na ginawa mo?" Tanong ng lalake, sa pagkakataong ito ay galit na.

Isa-isa, naalala ni Dave ang mga bagay na ginawa nya noong highschool. Nakita nya ang mga ito, at tila ba pinapanood ang mga alaalang ayaw nya nang maalala. Napaupo sya at napasandal sa pader.

"Naaalala mo ba nung 1st year?!" Tanong nung lalake sa kanya. "Yung nagkodigo ka sa periodical exams mo?! Para maging top 1 ka ng klase?!"

Naaalala ito ni Dave, at hindi nya mapigilang makonsyensya sa ginawa nyang ito.

"Hindi lang 'yon, Dave! Bawat periodical exams mo, nangongodigo ka! Para lang hindi ka matanggal sa top 10!" Sigaw ng lalake sa kanya, galit na galit.

"...O-oo... n-n-naaalala ko... Naaalala ko!!!" Sigaw ni Dave, naiinis at nalulungkot.

"Naaalala mo ba yung mga masasayang mukha ng mga magulang mo? Sa tuwing sinasabi mo sa kanilang top 1 ka?! O top 2 ka?! O top 3 ka?! Naaalala mo ba iyon?! Naaalala mo ba yung mga sandaling binibili nila ang gusto mo dahil nasa honors ka?! Cellphone, sapatos, damit, gadgets, lahat binigay sayo! Kasi lagi kang nasa honors! Pero hindi nila alam... Hindi nila alam na isa kang mandaraya! You're fake, Dave!"

Bumigat ang naramdaman ni Dave sa kanyang mga narinig. Gusto nya nang umiyak. Gusto nya nang tumakbo. Pero hindi nya magawa. Wala syang makitang paraan kundi harapin ang nakaraan.

"Eh noong 2nd year?! Naaalala mo ba si May?!" Pagalit na tanong ng lalake, dinuduro si Dave.

"Si May! Oo, pakiusap wag mo na ipaalala!"

"Naaalala mo sya!"

"Oo! Oo, naaalala ko!!!"

"Naaalala mo, kung pa'no mo sya lait-laitin kasama ng mga kaibigan mo dahil napakapangit nya?! Naaalala mo ba, ha?! Na sa tuwing dumadaan si May, lagi nyong pini-play yung pink speaker na nagsasabing 'panget panget panget!'" Halos mayanig ang classroom sa sobrang lakas ng boses ng lalake habang kausap si Dave.

Ayaw ito pakinggan ni Dave, pero ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalakeng kausap nya ay tila mga pana na unti-unting tumutusok sa kanyang puso. Hindi nya na makayanan ang mga ito. Sobra na ang pangongonsyensyang nararamdaman nya. Tumulo ang kanyang luha.

Nagpatuloy pa rin ang lalake. "Anong nangyari sa halos araw-araw nyong pambubully kay May ha?! Dave! Gusto kong ikaw ang sumagot nyan! Anong nangyari kay May?! Anong nangyari sa kanya?!?!?!"

Tinakpan ni Dave ang kanyang tenga. Ayaw nyang makinig. Ayaw nyang sumagot. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Maya-maya'y hinawakan ng lalake ang mga kamay nya at inalis sa kanyang tenga.

"Sagutin mo 'ko Dave! Sagutin mo ako!" Sigaw ng lalake habang hawak nya sa balikat si Dave.

Pakiramdam ni Dave ay dinudurog ang kanyang puso. Hinihiling nya na sana isang mahabang panaginip lang ang lahat.

"Sumagot ka! Anong nangyari kay May?!?!?!" Pagpipilit ng lalake.

Naluluhang sumagot si Dave. "...N-n-nag... Nagpakamatay sya!!!" Sigaw ni Dave habang hindi mapigilan ang luha sa kanyang mga mata.

"Hah hah hah! Tama 'yon, Dave! Nagpakamatay sya! At anong sabi ng autopsy ng pagkamatay nya?! Nalagutan daw ng hininga dahil sa pagkakabigti! Pero, ano nga ba ang totoo?! Namatay sya dahil lagi nyo syang binubully! Palagi! Hanggang ngayon hindi pa rin nakukuha ni May ang hustisya!" Sabay tumawa ng napakalakas ang lalakeng iyon.

"A-a-ano bang... g-gusto mo?" Tanong ni Dave. Pakiramdam nya wala syang magagawa upang iligtas ang sarili nya.

Natigilan ang lalake sa pagtawa at biglang tumingin kay Dave. Seryoso at nakakatakot ang mukha nito. Lumapit ito sa mukha ni Dave at bumulong sa kanyang tenga.

"Isa lang naman ang gusto ko. Wag kang grumadweyt."

"H-ha?! Pero... hindi yun pwede..."

"Pwes... Tatapusin na kita ngayon din!" Biglang kinuha ng lalake ang kutsilyo sa likod nya at tinutok kay Dave.

Napatayo nang mabilis si Dave at inihawi ang kutsilyo palayo. Tumalsik ito papalayo pero nadaplisan ang kamay nya nito. Tumulo ang dugo.

Hinanap ng lalake ang kutsilyo habang tumakbo papuntang pinto si Dave. Maswerte sya dahil nabuksan nya ang doorknob. Madali syang tumakbo sa hallway. Maya-maya'y hinahabol na sya nung lalake, hawak ang kutsilyo na kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag ng buwan.

"BUMALIK KA DITO!!! HINDI PA AKO TAPOS SA'YO!!!" Sigaw ng lalake. Para na itong demonyo.

Naluluhang tumatakbo si Dave. "Patawarin mo na ako! Kung sino ka man!"

"HINDI, DAVE! HINDI! SA GANITONG PARAAN LANG MAKAKAMIT ANG HUSTISYA!!!"

Dali-daling bumaba ng hagdan si Dave, sinundan sya ng lalake. Nakarating si Dave sa labas ng building at palabas na sya ng gate. Nakita nya na nandito pa rin yung guard.

"Tulungan mo ko! Papatayin ako!" Naghihingalong sabi ni Dave sa guard.

Walang kibo ang guard. Maya-maya'y tumayo at tinanggal ang kanyang sombrero. Natakot at nagulat si Dave nang makitang kamukha niya rin ang guard!

Nagmadaling lumabas ng gate si Dave, pero nahila sya ng guard, sinakal, at hinawakan sa kamay. Maya-maya'y dumating ang lalakeng may hawak ng kutsilyo.

"So andito ka na pala! Hahahahaha!!!" Sabi nito kay Dave na hawak-hawak ng guard na kamukha nya rin. Tumawa ang guard nang pagkalakas-lakas. Nakitawa rin ang lalakeng may kutsilyo.

Pilit nagpumiglas si Dave pero hindi sya makawala. Napakalakas ng guard na humahawak sa kanya. Napaluha na lamang sya at walang ibang nagawa kundi panoorin ang talim ng kutsilyong tumarak sa kanyang dibdib.

...Nagdilim ang kanyang paningin, at nalagutan ng hininga...

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon