Kabanata Labing-walo: Paggising

306 17 3
                                    

"Saan nagtatapos ang realidad? At saan nagsisimula ang panaginip?

Saan nagtatapos ang panaginip? At saan nagsisimula ang realidad?"

------------------------------------------------------------

Tumunog ang pulang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Sinasabi nitong alas ocho na ng umaga. Dinig na dinig ni Dave ang nakakatulig na tunog ng pulang alarm clock at pumasok ito sa kanyang pagkakatulog.

Nagulat si Dave at napaupo na pawis na pawis. "Panaginip lang... ang lahat ng iyon?" Nasabi ni Dave sa kanyang sarili. "Panaginip nga lang ba 'yun?"

Napatingin si Dave sa kalendaryong katabi ng kanyang alrm clock. March 25 ang sabi nito. Labis na nagtaka si Dave. "March 25?"

Hindi nya ito pinansin, pero malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga eksena sa napakahaba nyang panaginip. Malinaw na malinaw pa rin ang mga emosyon na naramdaman nya, at tinatanong ni Dave sa sarili nya kung panaginip nga lang ba ang lahat ng iyon? Pero parang totoo ang lahat ng iyon. Saan nga ba nagtatapos ang realidad? Paano mo malalaman kung ang nararanasan mo ngayon ay totoo o isang panaginip lang?

Pumunta sa restroom si Dave, at napatingin sya sa repleksyon nya sa salamin. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanya. Ang realidad bang nararanasan natin ngayon ay isang malaking panaginip lang? Biglang naalala nya ang mukha ni May, ang lumuluhang mukha ni May na inalalayan nya habang tumatakas sila mula sa eskwelahan. Napatawad na nga ba talaga sila?

Biglang napansin ni Dave ang isang malabo pero medyo kapansin-pansing marka sa kanyang leeg habang nakatingin sya sa kanyang repleksyon. Marka ito ng lubid. Tila ba itinali sya sa leeg ng napakatagal. Malabo ang markang iyon, at hindi naman ganoon kahalata, pero mapapansin ito kapag tinitigan nang matagal. Hinawakan nya ito, at naalala ang panaginip. Isa nga ba talaga iyong panaginip? Labis syang nagtaka, at napaisip. Panaginip lang ba 'yun?

------------------------------------------------------------

"Anong oras practice nyo?" Tanong ng ina ni Dave habang kumakain sila ng almusal sa kusina. Natigilan si Dave.

"Practice?" Tanong nya, nakakunot ang noo.

Napabuntung-hininga ang kanyang ina. "Di ba last practice nyo ngayon ng graduation?" Tanong nito. Tumigil sa pagnguya si Dave sa pagkain nya. Naalala nya ang kalendaryo sa bedside table nya. "March 25 pa lang ba ngayon?" Ang mahinang tanong ni Dave.

"Oo, bakit?" Sabi ng kanyang ina.

"Ah... wala naman po. Akala ko March 31 na." Sagot ni Dave. Nagpatuloy na lang sya sa pagkain habang hinahayaang pumasok sa sistema nya na March 25 pa lang ngayon. 'Di ba tapos na yung graduation nila? Graduate na sya 'di ba? Teka... tapos na nga ba talaga ang graduation? 

Saka napagtanto nyang hindi pa pala tapos ang graduation, at lahat ng iyon na nangyari sa buhay nya–pati yung graduation– ay isa lang palang napakahabang panaginip. Lahat ng iyon, ay isang mahabang palabas na nasaksihan at naranasan nya sa isipan nya. Pero panaginip man ang lahat ng iyon o hindi, parang totoo ang lahat ng iyon.

Napaisip si Dave. Ang bangungot bang naranasan nilang iyon ay ang paghihiganti ni May? Isa ba iyong paalala sa kanila ni May para ipaalala sa kanila ang lahat ng pagkakamaling nagawa ng bawat isa sa kanila? Isa ba iyong uri ng paghihiganti? Ano na lang ang mangyayari kung hindi sila napatawad ni May?

Napakabait pa rin nya.

------------------------------------------------------------

Pumuntang high school si Dave para sa huling araw ng graduation practice nila. Nakaupo sya sa upuan sa canteen habang nakatingin sa mga nagdadaang mga estudyante. Break time na pero hindi nya pa rin nakikita sila Kenneth o Liana. Nakaupo lang sya at tulala, habang may sinasabing joke ang isa sa kanyang mga kaibigan. Hindi nya na ito pinansin.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon