Kabanata Labindalawa: Palabas

467 21 12
                                    

Walang ibang makita si Dave kundi kadiliman, gawa ng pagkakapukol ng matigas na bakal na bagay sa uluhan nya. Pagkapukpok na pagkapukpok sa ulo nya, agad syang nawalan ng malay. Sa pagkakawala nya ng malay, pumasok sa isip ni Dave ang scenario sa isang classroom. Para itong flashback na nakita nya. Pero malawak nyang nakikita ang mga pangyayari dito, dinig na dinig ang pinag-uusapan ng mga tao, at para syang nanonood ng isang pelikula. Pero panaginip lang ito. Isang flashback na nagbabalik sa isipan nya.

***

Isang teacher ang pumasok sa Room 130, isang middle-aged na lalaking matangkad at masungit ang mukha. Pagkapasok nya sa silid-aralan, agad tumahimik ang classroom at napatingin ang mga estudyante sa pumasok na guro.

"Is this section Rizal?" Tanong ng guro.

"Yes sir." Sagot ng isang payat na babaeng mukhang masayahin, na nakaupo sa harapan ng teacher's table, si Angela.

Inilpag ng lalaki ang backpack sa teacher's table at kumuha ng chalk mula sa drawer nito. Lumapit sya sa pisara at nagsimulang magsulat. Humarap ulit sya sa klase matapos isulat ang pangalan.

"I'm sir Constancio Bronio, your section adviser." Sabi nito sa klase. Tahimik pa rin ang buong klase dahil masungit talaga ang aura ng guro, at tila hindi pa ito ngumingiti kahit saglit lang. Napapatango na lang ang mga estudyante sa pagsang-ayon. Matapos ipakilala ng guro ang kanyang sarili sa klase, at matapos nitong sabihing sya rin ang guro nila sa Araling Panlipunan, nagpa-attendance lang ito sa isang pirasong pad paper. Matapos nun ay umalis na rin ito kaagad dahil may aasikasuhin daw ito sa faculty at besides, irregular classes pa lang daw naman.

"Grabe, nakakatakot naman yung adviser natin." Sabi ni Angela sa babaeng katabi nya, si May

Ngumiti si May at sinabing "Oo nga eh. Sana iba na lang adviser natin."

"Nakakatakot si sir Bronio eh." Patawang sabi ni Angela. "Ano bang section mo dati?" Tanong nito kay May.

"Fleming ako eh, ikaw?" Sagot ni May sa kaklase.

"Ah. Ako Einstein. Adviser nyo si Ma'am Torno di ba?"

"Hindi, si Ma'am Bacilles sa'min." Sagot ni May.

"Oh, Angela nga pala, Angela Makabigting." Nakangiting sabi ni Angela kay May, matapos nitong mapansing hindi pa pala sya nagpapakilala sa kausap.

"Maybelline Gustavo. May for short na lang." Sabi ni May. Matipid ang ngiti nito, at kahit na makwento ito, mapapansing mahiyain ito.

"Matagal ka nang may brace?" Biglang tanong ni Angela habang nakaturo sa ngipin ni May.

Biglang nahiya si May, pero sinagot nya pa rin ito. "Ah, ito ba... since elementary. Grade 4 yata. Open bite kasi ako eh." Mahina nitong sagot.

"Ah..."

"May, peram ako ballpen." Isang babaeng naka-thick-framed glasses ang nagtanong kay May. Katabi nya lang ito. Si Lianna.

Kumuha ng ballpen mula sa bag si May at ibinigay kay Lianna.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Angela kay May, habang isang babeng katabi naman ni Angela ang nakatingin na sa kanila. Si Kate.

"Classmates kami nung first year." Sagot ni May.

"Ah. Anong pangalan nya?" Tanong ulit ng payat na babae.

Sumabat bigla si Lianna. "Lianna." Nakangiti ito.

"Angela nga pala." Sagot ni Angela kay Lianna. "Itong katabi ko, si Kate to." Sabay turo sa katabi nyang babaeng may katabaan. Ngumiti naman ito kaagad kay Lianna at May. "Ito naman si Thea tas si Grace." Dagdag pa ni Angela, na humarap sa likod nyang dalawang babae, si Thea at si Grace.

EntabladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon