Tumunog ang pulang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Sinasabi nitong alas dos na. Mula sa kanyang higaan, tamad na bumangon si Dave mula sa kanyang pagkakahiga. "...H-huh...? Alas dos...?" Pabulong na sabi ni Dave sa kanyang sarili.
(Alas dos... alas dos... Alas dos...? Teka... Nangyari na 'to ah...!) Pagtataka ni Dave sa sarili. Pilit nyang inalala kung ano nga ba ang nangyari...
...At naalala nya ang napakahaba nyang bangungot kung saan hinahabol sya ng lalakeng kamukha nya at sinaksak sya.
(...Panaginip nga ba iyon...? O isang realidad...?) Pilit itong iniisip ni Dave dahil parang totoo ang kanyang napanaginipan. Napansin nyang pawis na pawis sya. Pinunasan nya ito, habang bumababa ng hagdan at papunta ng kusina. (Weird... Ang weird ng panaginip ko...)
Uminom ng kape si Dave at kumain ng tinapay para sa merienda. Napansin nyang napakatahimik ng kapitbahay.
(Teka... nangyari na ba 'to?!) Biglang naalarma si Dave dahil pakiramdam nya ay parang nangyari na ang tagpong iyon. (Weird talaga.)
(Makapakinig na nga lang ng music.) Sabi nya sa sarili habang sinaksak ang earphones sa cellphone at nakinig ng Silent Sanctuary. Sinabayan nya ang kanta at nag-asikaso na rin ng gamit sa kanyang kwarto.
Bigla nyang napansin na walang tao sa bahay. Nagtaka sya kung nasaan ang mga ito.
(Nangyari na talaga ito!) Tinext nya ang kanyang mga magulang at nalamang nasa opisina ang kanyang ama't ina kasama ang kanyang nakababatang kapatid.
Pagkatapos nyang maligo, inayos nya na ang mga gamit at backpack nya, kasama ang toga na gagamitin mamaya.
Pagkatapos magbihis, lumabas si Dave ng bahay at ipi-nadlock ang gate. Naglakad sya, at natuwa sya nung marinig ang mga nagtatahulang mga aso ni Mang Louie. Nakita nyang lumabas si Mang Louie. Bigla namang tumugtog nang napakalakas ang music ng kapitbahay.
Sa kauna-unahang pagkakataon, natuwa si Dave sa ingay ng kapitbahay.
Sa paglalakad ni Dave sa mainstreet patungong Bagong Yaman High School, napakaraming tao ang naglalakad, katulad ng nakasanayan nya.
Pagdating ni Dave sa school, tinext sya ng papa nya at sinabing sya ang aattend sa graduation nya. Pumasok na sya sa gate at sinalubong sya ng nakangiting guard habang maraming estudyante ang nagsisipasukan at papuntang covered court kung saan nandun ang entablado.
Pumuntang Mathay building si Dave at doo'y sinalubong sya ng mga kaibigan nya. Sinuot nya na rin yung toga nya. Maya-maya'y nag-marcha na ang mga estudyante galing ng hallway tungong covered court. Mga alas singko na nang magsimula ang graduation ceremony.
Isa-isa nang tinawag ang mga estudyante papuntang entablado upang mabigyan ng diploma. Tinawag din ang mga honor students para mabigyan ng awards at isa sya sa mga natawag dahil top 5 sya. Nakita nyang nakangiti ang kanyang mga magulang sa baba ng entablado at proud na proud sa kanya. Gusto nyang magsaya, pero hindi maiwasang isipin ni Dave ang kanyang nakaraan... Ang mga madidilim na sikreto na tanging sya ang nakakaalam...
Malakas na palakpakan ng mga tao, mga ngiti ng kanyang mga magulang maging ang ibang mga estudyante ang sumalubong sa kanya pag-akyat ng entablado.
Habang kinukuha nya ang medal, may nakita sya sa gilid ng mga estudyanteng nakatoga sa baba ng entablado. Nakatayo ito.
Nakita nya ang lalakeng kamukha nya. Pero nakangiti na ito, at wala na ang nakakatakot at mala-demonyong itsura nito. Matapos ay tumalikod na ang lalake at naglakad palabas ng covered court.
(Pinapatawad na nya ako.) Sabi ni Dave sa kanyang sarili, habang kinakamayan ang mga guro at principal sa entablado.
(Napatawad na nya ako.) Inulit nyang sabihin sa kanyang sarili, habang nakangiting nakatingin sa medal nya.
Magaan na ang kanyang loob at lubos ang kaligayahang naramdaman nya nung pagkakataong iyon. Pagkababa nya ng entablado, pumunta sya sa kanyang mga magulang at niyakap ang mga ito. Tiningnan nya ang diploma nya: Congratulations, Dave Delos Santos. Nakasulat dito.
---
Pagkauwi nila ng bahay, nagkaroon ng maliit na handaan ang kanilang maliit na pamilya.
Hindi pa rin maalis sa isip ni Dave yung panaginip na iyon (kung isa nga ba iyong panaginip) at kung paano sya nito ginising at ipaalala sa kanya ang mga sekreto at bagay na pinilit nyang tinago at tinabunan...

BINABASA MO ANG
Entablado
Dla nastolatkówGraduation Day ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng tao. Pero, paano kung ang araw na iyon ay naging isang madilim at nakakatakot na pangyayari? Magiging masaya pa kaya ang araw mo? Hahangarin mo pa kayang mag-marcha patungong entablado kung a...